Chapter 17

3.3K 85 0
                                    

DAYNE POV

           Naka handa na lahat nang paliwanag ko kay nanay kong bakit ako umuwi at may kasama pa ako. Pagka tapos hindi sya basta ordinaryong tao lang kundi isa sya sa pinaka sikat na actress nang bansa. Medyo kabado pero andun parin yung sayang nararamdaman ko dahil kasama ko si Kelly, makaka sama ko sya nang ilang araw.
Huminga muna ako nang malalim bago marahang kinatok ang pintuan nang bahay namin. Hindi kasi ako nag pasabi  kaya sigurado akong masusurpresa ko din sila ni Mimi.







        Malalim na ang gabi nang makarating kami sa baryo namin. Halata na rin ang sobrang antok at pagod ni Kelly, kawawa naman ang mine ko. Kung marunong nga lang sana akong mag drive kahit salitan sana kami kanina.
Naka ilang katok na ako pero wala paring nag bubukas nang pinto. Malamang tulog na sila, pero dito naman sila natutulog sa kuwarto dito sa ibaba.






         Dalawang palapag din ang bahay namin, kahit naman hindi ganun kalakihan.  May dalawang kuwarto sa itaas at isa sa ibaba.. sementado ang dinding pati sa sahig sa loob sa ibaba. Kaya lang yung hagdanan namin gawa sa kahoy  pati yung sahig sa itaas tabla lang pero  makapal naman. At alaga sa floor wax kaya sobrang kintab. Gawain ko yun dati tuwing umaga kaya nakaka sexy daw nang katawan.






       "Nay..." Tawag kong muli at panay parin ang katok ko sa pinto. Habang magka salikop ang dalawang palad namin ni Kelly. Kaya lang bigla syang napa bitaw nang biglang umingit ang pintuan at marahan itong bumukas..






         "Dayne anak?'' Napa ngiwi tuloy ako nang pupungas pungas si nanay na halatang na istorbo ko sa pag tulog. "Napa sugod ka bakit anong nangyari?" Nag aalala pa nitong turan.






       "Nay ayos lang ako.." Sabay mano ko rito pagka tapos bumaling ako sa aking kaliwa. Kaya lang wala naman si Kelly. Asan na yun?
"Namiss ko lang po kayo.. at may kasama po ako." Biglang litaw ni Kelly mula sa likuran ko.







         "Hi po.. magandang gabi po!" Bati naman ni Kelly at nagmano din sya kay nanay. Halatang nagulat si nanay, syempre kilala nito si Kelly sa dami ba naman nang poster at picture nya sa kuwarto ko. Hindi basta madami kundi as in punong puno..




       "Naku.. pasok na kayo dito sa loob at mahamog." Napa ngiti naman ako dahil akala ko magagalit si nanay.. Agad ko namang hinila si Kelly papasok sa loob nang munti naming bahay. Si nanay na din ang nag sara nang pinto. Kaya lang pag pasok namin  bumungad  ang seryosong mukha nang Mimi ko at naka pamewang ito . Bigla ko tuloy nabitawan ang hawak kong braso ni Kelly.

      

          "M-mi..." Kinakabahan kong turan. Sya kasi ang mas istrikto sa akin kesa kay nanay. Mabilis din akong nagmano sa kanya.. "Mimi si Kelly po ah- kaibigan ko--"






         "Kaibigan lang ba talaga!!" Lalong kumabog ang dibdib ko. Ano bang tamang sagot. May relasyon ba talaga kami ni Kelly o ako lang itong--- ayoko namang masira yung career nya dahil sa akin..






          "Kumain na ba kayo?" Buti nalang at biglang sumingit si nanay sa usapan pero nagbabanta naman ang tingin niya sa akin. Matinding paliwanag ito sigurado ako.






        "Tapos na po nay.." Tugon naman ni Kelly.. tinawag nyang nanay ang nanay ko. "Humito po kami kanina sa isang drive Tru at bumili nang pagkain." Paliwanag pa nito. Dahil hindi sya pwedeng makita kung saan, ako nalang ang namili at sa loob nang sasakyan namin kinain. Sobrang enjoy dahil first time naming kumain na kaming dalawa lang..






         "Ahm-" Singit ko naman. Kahit na ramdam kong may galit si Mimi pinakilala ko parin ito kay Kelly. "Kelly si Mimi nga pala. Partner ni nanay, sya na yung nagsilbing tatay ko. Kaya love na love ko yan.." Masigla kong turan. "Mimi si Kelly po-" Nagmano si Kelly dito. Hindi naman kumibo si Mimi.





         "Mag pa hinga na kayo at alam naming napagod kayo sa beyahe bukas na tayo mag kwentuhan." Turan naman ni nanay..





     "Sige po nay akyat na po kami-"






         "Sa guest room mo patulugin ang bisita Dayne.." Malumanay pero seryoso ang pagkaka sabi ni Mimi.






        "Opo Mi.." Magalang kong tugon. Syempre naman nasa bahay namin sya at nererespeto ko ang magulang ko sa bagay na ito.








          "Goodnight po.." Paalam naman ni Kelly. Bago ko sya iginiya papanik sa ikalawang palapag nang bahay namin..  Hinatid ko ito sa magiging kuwarto nya may kaliitan man may sarili naman itong cr sa loob. Kagaya din nang kuwarto ko. Pagpasok palang namin sa loob ay kaagad nya akong hinapit sa baywang.. sabay yakap nya sa akin nang mahigpit.






         "Thank you sa pag dala mo sa akin dito.." Bulong nito habang naka dantay ang kanyang baba sa aking balikat. Naipikit ko ang aking mga mata nang sandaling yun para namnamin ang masarap niyang yakap.. Hindi ko alam kong ilang segundo kami sa ganung ayos nang marahan na itong kumalas. Hinaplos nito ang aking mukha.
"Gusto kitang katabi mine.." Malambing nitong turan. Gustuhin ko man kaya lang-- "Please.. promise behave ako,gusto lang kitang katabi kasi natatakot akong matulog mag isa kapag first time ko sa isang lugar." Napa labi nitong turan.





         "Okay dito muna ako pero kapag mahimbing na ang tulog mo lalabas din ako ha! Baka kasi biglang kumatok si nanay sa kuwarto ko.." Turan ko marahan naman syang napa tango pagka tapos ay mabilis nya akong dinampian nang halik sa labi. Omi score na naman eh.. Hindi ko sya pwedeng dalhin sa kuwarto ko hindi pa ako ready para makita nya yung madami nyang mukha doon.






         Nagpaalam muna ako saglit para kumuha nang maari nyang gamiting pantulog dun sa kuwarto ko. Sinamantala ko naring maglinis nang katawan at magpalit pero super bilis ang ginawa ko baka kasi mainip si Kelly . Pagka tapos ay kumuha ako nang extra underwear isang pares pajama  at toothbrush para sa kanya.
Nagmamadali na akong lumabas nang room ko.







     Nagulat pa ako dahil pagka labas ko nang kuwarto,sakto naman lumabas si nanay mula sa kuwarto na inookopahan ni Kelly. Bigla akong kinabahan dahil baka kung anong tinanong nito sa bisita.
"N-nay!!" Naalangan kong turan. Ngumiti naman ito tsaka lumapit sa akin.






        "Tinignan ko lang kung ayos lang ba sya sa tutulugan nya, kung komportable ba sya.." Paliwanag ni nanay.  "Sinabi ko din na pagpasensyahan na lang niya ang Mimi mo. Prenoprotekhan lang nya si ka lang nya, paliwanag ko. " Dagdag pa niyang turan dahilan para mapanatag ang kalooban ko. "Oh sya asikasuhin mo na at kailangan niyo na ding magpa hinga..  bukas nalang tayo mag usap." Turan pa niya. Mabilis ko naman syang niyakap nang mahigpit bago tuluyang bumaba nang hagdanan.







       Ako naman ay nag tuloy na sa kuwartong kinaroroonan ni Kelly. Hindi na din ako nag abalang kumatok at marahan ko nang binuksan ang pintuan. Naabutan ko itong naka upo sa gilid nang kama.
Nag angat sya nang mukha nang makita ako.






        "Kaya pala ang tagal nang mine ko..." Turan nito nang sinipat ang kabuuan ko. "Akala ko pa naman sabay tayong maligo!'' Sabi nya na kina pula yata nang pisngi ko.






           "Ang dami mong alam Kelly Robles.." Wika ko naman.. Sabay abot sa kanya nang mga gagamitin nya. "Sige na dali na.. baka abutan pa tayo nang tilaok nang manok at hindi pa nakaka tulog.. Pasensya kana din dyan sa pantulog hindi bago pero bagong laba naman."
Nginisian lang nya ako sa sinabi ko.




         "Maarte ako aaminin ko pero nasa lugar naman.." Tugon nito. Pagka tapos ay nag tuloy na sa loob nang banyo.  Napa hugot naman ako nang malalim na pag hinga sabay upo sa gilid nang kama. Pagka tapos nito hindi ko alam kong anong susunod na mangyayari pag balik namin nang Manila. Pero ang masasabi ko lang, masayang masaya ako na kasama ko siya na dati isang pangarap lang. Imagination ko lang na andito daw sa bahay namin si Kelly Robles. Ngayon ayan lang sya nasa loob nang banyo at makaka sama ko sa pag tulog.

"ONE NIGHT" (gxg)Where stories live. Discover now