Chapter 20

3.1K 72 4
                                    

KELLY POV

           "Dinner with candle light.. perfect!!" Pero mamaya ko na sindihan ang mga kandila. Proud kong wika sa sarili ko  nang naayos ko na ang paghahanda  para sa pag uusap namin ni Dayne dito sa condo unit ko.. May  wine at kahit take out lang yung food sana magustuhan nya.
I miss her so much, hindi ko na rin alam kong ano tong nararamdaman ko para sa kanya. Basta ang alam ko lang masaya ako na nakilala ko sya. Sabay hugot ko nang malalim na pag hinga.





        Kung ano mang kahihinatnan nang pag uusap naming ito, kahit ngayon palang nalulungkot na ako rerespetuhin ko ang kanyang desisyon. Alam ko namang mahirap pumasok sa ganitong klaseng mundo na meron ako. Ayoko nang mauulit pa yung nangyari sa relasyon namin ni Margaux na nag tatago kami sa mga tao. And of course iba si Dayne kay Margaux.. Mariin kong naipikit ang aking mga mata nang biglang may nag doorbell sa labas.
Si Dayne.. wika ko sa isip ko at bigla nalang bumilis ang kabog nang dibdib ko.





         Wait anong oras na ba? Sinipat ko ang suot kong wrist watch. Maaga pa naman ah 9:30 palang. Or baka wala si Rajan hindi sya dito uuwi.
Huminga muna ako nang malalim bago humakbang patungong pinto.
Marahan ko na itong binuksan.
Nanlaki ang mga mata ko kong sino ang nabungaran ko sa tapat nang pinto habang ito naman ay maluwang ang pagkaka ngiti.





         "Marg-- uhhmmpp-" Hindi ako naka pag react kaagad nang bigla nalang akong sinunggaban at siniil nang halik ang aking mga labi. Anong ginagawa nya dito? Never pa syang nagtungo dito, ngayon lang! Pilit ko itong tinutulak.. Kung dati gustong gusto ko ang mga labi nya ang bawat dampi sa labi ko. Bakit ngayon para akong napapaso parang...."Margaux ano ba!!" Inis kong turan nang tuluyan ko itong naitulak. Kitang kita nito kong paano ko mariing pinahid ang mga labi ko gamit ang aking palad.





            Hinihingal naman sya nang sandaling ito.. "What are you going here?" Naiirita talaga ako lalo na nang hindi pala naka sara ang pinto kaya nagmamadali ko itong isinara baka may maka kita pa sa amin. "Pwede bang umalis ka na.." Cold kung turan.



         

            "Expecting someone huh!" Turan nito sabay sipat sa kabuuan ko. Nag ayos din kasi ako kahit papaano. "Sino sya Kelly? Sya ba yung kasama mo last week at nawala ka nang ilang days.." Kunot noo akong nagbaling sa kanya.. Papaano ba nya nalaman ang tungkol doon--  gagawin ko ang lahat para protektahan si Dayne.




        "What are you talking about--"




             "Huwag ka nang magka ila pa.." Putol nito sa sinasabi ko. "Kaya ba ganyan kana sa akin ngayon? Halata namang nandidiri ka na.." Mariin naman akong napa pikit sa sinabi nito. Sino ba ang may 'kasalanan, sino ba ang nanira sa relasyon namin!




            "Kung sino man ang nag loko sa ating dalawa, ikaw yun Margaux... Dahil simula palang nang relasyon natin niloloko mo na ako. Ginamit mo lang ako para umangat yang career mo!!" Napa singhap naman ito sa sinabi ko.




           "Hindi totoo yan..." Singhal nyang wika.Nag deny pa!




         "Alin ang hindi totoo sa sinabi ko.. Yung pakikipag relasyon mo sa iba bago pa naging tayo!! O yung pagiging manggagamit mo.." Kung kanina galit ang itsura nito bigla namang nag bago ang kanyang ekspresyon.



          "I'm so sorry for being selfish Kelly.." Bumaba na ang tono nang pananalita niya. Buti naman.."Inaamin ko na may karelasyon talaga ako bago pa ako pumasok sa showbiz, pero hindi totoong ginamit lang kita Kelly.. minahal kita, dumating lang talaga yung point na hindi ko na ma handle yung sitwasyon at kinailangan ko nang mamili sa inyong dalawa." Napa yuko niyang turan.
At yung taong yun ang pinili niya kesa sa akin. Hindi na ako nakakaramdam na kahit ano mang sakit sa nangyari.. Gusto ko pa ngang magpa salamat dahil kung hindi siguro dahil sa nangyari hindi ako mapapa lapit nang husto kay Dayne.




          "Umalis ka na Margaux dahil wala ka nang babalikan pa." Mahinahon ko na ding turan. Pinaka titigan nya muna ako bago sya napa hugot nang malalim na pag hinga.



            "Sana maging masaya ka at sana maging magka ibigan parin tayo.." Wika nito.. I don't think that's a good idea. Hindi nalang ako umimik at hinayaan ko na itong tuluyang lumabas nang pinto. Tsaka ako napa hinga nang malalim. Hindi pwedeng sirain ni Margaux ang gabing ito.




         Sinipat kong muli ang wrist watch ko, past 10 na.. aabot pa kaya nang 11? 12... Magiging mid night snack na kung sakali.. Tawagan ko kaya sya-- mamaya nalang. Nagpasya akong umupo muna sa may sofa at nag hanap ng mapapa nood sa television habang hinihintay ko si Dayne..




             11 pm na.. Pero wala parin sya.. napa hikab ako at naka ramdam na nang antok. Panay sipat ko din yung phone ko baka may message ito pero wala naman. 30 minutes pa kapag wala pa sya tatawagan ko na talaga. Buntong hininga ko at pinikit ko saglit ang aking mga mata.




          Napa mulat ako nang mga mata dahil sa malakas na tunog nang phone kong hawak. Nagulat pa ako dahil nag vibrate ito sa palad ko.
Si manay ang tumatawag... Gabing gabi na ano bang kailangan nya!




          "Hello po.." Turan ko. Sabay hikab..



         "Asan ka na naman ba? 9am yung meeting natin sa isang car company para sa gagawin mong commercial. 8am na at tinawagan ko ang PA mo wala ka sa bahay mo!" Litanya nito.




        "What??" Taranta kong turan. 8 na nang umaga! Kaka pikit ko lang ah..






         "Anong what na pinag sasabi mo.  Huwag mo na naman akong artehan Kelly.." Wala na sa sinasabi nito ang nasa utak ko kundi yung hindi pag sipot ni Dayne sa usapan namin kagabi.. Hindi talaga nya ako sinipot! Anong nangyari? "KELLY!!" Pahiyaw na tawag nang manager ko na kina hilot nang aking sentido.





        "Okay I'm coming.." Wala sa loob kong turan.. Hindi ko na sya hinintay na sumagot at pinatayan ko sya nang phone. Sesermunan din lang naman nya ako di lubos lubusin nalang nya mamaya kapag nagkita kami. Napa hugot ang nang malalim na pag hinga sabay tingin sa screen nang phone ko. 8:10 am na nga.. Anong nangyari sayo Dayne? Wika nang isip ko. I dial her number kaya lang cannot be reached.. Napa buga nalang ako nang hangin, tinungo ko ang center island at isa isang itinapon sa trash bin ang mga pagkaing naka hain.




       Hindi ko alam kong anong iisipin ko ngayon sa hindi pag sipot ni Dayne. Maaring iniiwasan na nya ako gaya nang promise nito sa parents niya. Naintindihan ko naman sya sana lang naman kina usap nya ako.  Nag tungo na ako sa banyo para maligo nang bigla na namang tumunog ang phone na hawak ko. Ang makulit ko na namang manager.



         "Damn it!!" Gigil kong turan. Sabay bato ko nang phone ko kong saan. Malamang basag basag na yun dahil tumama ito sa edge nang lababo. Hindi ko kasi mailabas yung frustration ko. Nag tuloy na ako sa banyo at nag shower nang 30 minutes. I don't care kong ma late man ako.. May mga damit naman ako dito.



      
         Cool lang akong lumabas nang unit kaya lang pag tapat ko sa unit ni Rajan hindi ko maiwasang hindi huminto. Nung akmang kakatok na sana ako, biglang napa hugot ako nang malalim na pag hinga at umurong ang kamay ko. Pikit mata na akong umalis sa lugar.. Sumakay nang elevator patungong basement kong saan naka park aking sasakyan..  Sobrang gulo nang utak ko ngayon, I don't know why!!




        "FUCK!!'' Malutong kong turan habang lulan nang aking sasakyan, nang makita ko si Dayne naka suot ito nang school uniform hawak hawak sya sa siko nang isang guy at kitang kita kong iginiya sya nito papasok sa loob nang isang fx? Bakit ba kasi nauso ang trapik sa Pilipinas.Biglang napa kunot ang aking noo.. Sya ba yung Paul! Akala ko ba hindi na sya nagpapa sundo sa Paul na yun. Teka nga. "Damn!!'' Turan ko na naman sabay hampas sa manibela nang akmang tatawagan ko si Dayne at maalalang sira na pala ang phone ko.

"ONE NIGHT" (gxg)Where stories live. Discover now