Chapter 11

3.5K 88 0
                                    

KELLY POV

               "Dude..  huwag si Dayne okay!!"   Hanggang ngayon ginugulo parin ng utak ko ang mga sinabi ni Rajan sa akin sa boracay. Curious lang ako ano bang meron kay Dayne? At seryoso talaga si Rajan nung sinabi nya yun.. may gusto ba sya kay Dayne? Wala namang kaso sa akin kung magka gusto man sya dahil single naman sya matagal na,  inaamin ko ding unang kita ko palang kay Dayne nagandahan na ako, morena ang beauty nito, ang  ganda nyang ngumiti nakakahawa at nakaka tuwa ang kainosentehan.. Pero hindi ako na attract sa kanya dahil nabulag ako sa pagmamahal ko kay Margaux-






          Iba din kasi yung tingin ni Rajan nang makita kaming magka sama ni Dayne at hawak ko pa yung kamay ng maid nya. Tapos kong magka pag utos si Rajana agad namang sumusunod yung isa. Takot na takot nga sya, parang my something talaga at gusto ko yung malaman.. Kating kati akong malaman. Mula nang naging magka ibigan kami ni Rajan never itong nag lihim sa akin. Pero ngayon pakiramdam ko meron syang nililihim sa akin. Aalamin ko yun ang kailangan ko lang gawin maging malapit kay Dayne hindi ko nga lang alam kung paano. Dahil sa totoo lang gusto ko syang iwasan hindi lang dahil sinabi yun ni Rajan o dahil sa career ko kaya lang natatakot ako dahil hindi na sya nawala sa isip ko mag mula nung gabing yun na nakasama ko sya. Yung mga ngiti nya yung totoo kong pag tawa bukod sa pamilya ko, kaya Rajan sa kanya ko palang pinakita ang totoong ako. Ang totoong Kelly Robles..







        "Ma'am Kelly.. ma'am!" Ha? Nagbaling ako sa PA ko na kanina pa yata ako tinatawag. Dahil nag lalakbay na naman kasi ang isip ko. Nangyayari lang naman sa akin ito pagka galing na pagka galing namin sa Bora. "Tinatanong po kasi ni direk kong memorize mo na yung mga lines mo." Naalangan nitong sabi..






        "Yeah!'' Seryoso at tipid kong turan. Ni hindi ako nagpapakita ng totoo kong emosyon. "Tawagin mo lang ako kapag take na, iwan mo nalang muna ako." Sabi ko pa at  kaagad naman itong tumalima  lumabas agad ng tent ko. Wala naman akong sariling make up artist dahil ako lang gumagawa nun sa sarili ko. Kaya yung assistant at driver ko lang ang madalas kong kasama. Kapag malapit lang naman ang location yung kotse ko na ang ginagamit ko at ako na rin ang nagmamaneho.







         Nang muli akong mapag isa. Bumalik na naman yung alaala ko, aalala nung gabing pupuntahan ko si Margaux sa tent nya para kausapin ng masinsinan kaya lang---
"Ma'am take na po sabi ni direk..." Biglang sabi nang PA ko. Damn it!! Naputol n naman ang pag mumuni muni ko. Hindi na ako kumibo at nag madali na akong lumabas nang aking tent dala na naman ang matamis kong ngiti na pinakita ko sa lahat ng taong naka paligid sa akin. Malapit nang matapos ang  ginagawa naming movie ni Rajan at balak ko sanang huwag munang tatanggap ng project at show. Magpa hinga muna ako kahit isang buwan lang, miss ko na rin si Mama si Papa at ang ate ko gusto ko muna silang makasama.  Para maka limut na din sa ginawa sa akin ni Margaux.

      



          Natapos na naman ang buong araw na taping, nakaka pagod man pero masaya dahil ito ang pinili kong propesyon.. Pack up na naman. Bago ako tumungo sa aking Van pinuntahan ko muna si Rajan sa tent nito.  Ewan ko bakit bigla nalang kumabog ang dibdib ko nang sumagi sa isip ko kung nasa loob din ba si Dayne dahil sabi nga ni Rajan pinag pahinga muna nito si ate Lilly. Kaya lang never ko naman itong nakitang lumabas mula roon.




         

         Humugot muna ako ng malalim na pag hinga bago-  "Knock knock.." Turan ko. "Hi dude!'' Wika ko pa. May hinahanap ang paningin ko kaya lang mukhang mag isa lang si Rajan. Busy ito sa pag aayos ng gamit. "Wala ka yatang assistant!"






                "Oo eh.. inutusan ko kasing mamili si Dayne ng mga kailangan nya sa school next week start na kasi ng class nya." Tugon naman nito. Ah kaya. Hindi nalang ako nag react. Kaya lang hindi ko talaga maiwasang mag duda bakit kailangan nyang pag aaralin si Dayne ng college at take note sa UP pa. Hindi lang yun civil engineering pa ang course. Kung tutuusin ko kulang na kulang yung ipapa sahod nya kay Dayne sa gagastusin nito sa pag aaral..Nalaman ko ito dahil sya din naman ang naka pag kwento. "Bukas, bukas ko pa sya isasama." Turan pa nito.. Bakit biglang  na excite ang puso ko na makikita ko si Dayne bukas.






            "Ahm- sige dude alis na kami-" Paalam ko.






           Bigla naman nya akong binalingan ng tingin. "Kamusta ba ang puso mo?" Napa ngising tanong nito. Akala ko naka ligtas ako ngayon.  Napa kamot naman ako ng isang kilay sandaling iyon. "Bawas bawasan mo na ang pagiging tanga ha! Sabi ko kasi sayo malakas ang kutob kong hindi mapagkakatiwalaan ang babaeng yun." Hayy at nag sermon pa. Wala eh! Tinamaan ako nun kay Margaux.







          "Oo na.. thank you kasi andyan ka palagi." Wika ko naman. Sa kabilang banda syempre andun parin yung nararamdaman ko para kay Margaux. Hindi naman agad agad parang magic na mawawala. Tene treasure ko parin yung mga masasayang nangyari sa loob nang dalawang taon naming relasyon. Ewan ko nalang kung naging totoo ba yung nga pinakita at pinaramdam nya nun sa akin.







         "Saan ka uuwi nyan?" Tanong nito. Mukhang tapos na ito sa pag aayos. Eih... Gustuhin ko mang pumunta sa unit niya. Kailangan ko munang umiwas kay Dayne, de bale makikita ko naman sya bukas. Gusto ko lang ipakita kay Rajan na wala naman akong ka inte interest sa maid nya. At yung gabing nakita nya kaming magka sama dinahilan ko lang na nagka taon lang na nakita ko sya sa may dalampasigan.







        "Sa bahay." Tipid kong tugon. Sa bahay ko kung saan kasama ko doon ang PA ko, ang personal driver at dalawang katulong. Stay in kasi yung PA ko at si manong driver at mas loyal pa yung PA ko sa manager ko kesa sa akin. Kaya madalas yun nag susumbong kapag tinatakasan ko sya. "May appointment kasi ako nang maaga bukas para sa shoot ng isang TV commercial." Turan ko pa para may reason naman ako na hindi maka punta sa condo nya.






         "Daming racket ah.. ikaw na!" Napa ngisi naman ako sa sinabi nito.  Naka oo na kasi ako sa commercial na ito isang buwan na ang nakaraan kaya hindi na pwedeng mag back out!  Sa mga susunod nalang na mag offer tatanggihan ko muna. "Pagka tapos ano, mapupunta na naman kay Margaux"  Tuya ni inner self.. Madami pa naman akong kilala na pwede kong pag bigyan ng role kong sakali. Sabagay magaling din kasing actor si Margaux kaya hindi rin malayong sisikat talaga sya. Napa hugot nalang ako ng malalim na pag hinga.






         "Paano dude mauna na kami sayo!"  Nagpaalam na ako sa best friend ko nang marinig kong bumusina na ang aming Van! Nainip na naman si manager kaya inutusan na naman si kuya Raul ang driver ko.
Nagmamadali na akong tumungo ng sasakyan, bago pa ako maka pasok sa loob- bigla namang tumunog ang cellphone ko, agad ko namang tinignan kong sino ang nang message-






          "Hi Kelly.. pwede ba tayong magkita tonight! May importante lang akong sasabihin. 9sharp ha sa dati. Hihintayin kita kahit anong mangyari.." Biglang kumabog ang dibdib ko matapos basahin ang message ni Margaux sa akin. Ano naman kanyang sasabihin nya?
Sabagay mas mainam na ring makapag usap kami ng masinsinan para masabi ko sa kanya lahat ng nararamdaman ko ngayon.





        "Okay..." (Sent).   Kahit ganun tumugon parin ako. Bago ako tuluyang pumasok ng sasakyan..

"ONE NIGHT" (gxg)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant