Chapter 16

3.3K 91 0
                                    

KELLY POV

                "Damn.." Gigil kong turan sabay yukyok nang mukha ko sa manibela nang aking sasakyan. Salitang tumatawag ang aking PA at manager ko kaya lang wala sa kanilang dalawa ang gusto kong kausapin. Tinakasan  ko na naman kasi sila. May  party kasi kami ngayon kaya lang wala akong balak umattend. Kukulitin na naman ako nang ibang directors at producers pagka tapos oo naman na naman nang oo yung manager ko pag naka taon. Ako naman tong kawawa wala na naman ako pahinga..





          Sa kaka drive ko, dito ako napadpad sa may university kung saan nag aaral si Dayne. Mula nag srart ang klase nya nung Monday hindi na ako mapakali kaka isip na hatid sundo sya nang Paul na yun. Sobrang hectic kasi ang schedule ko at bantay sarado ako. At Friday na ngayon gusto ko na rin syang makita at makasama.. Wala paring tigil ang pag ring nang phone ko, gusto ko na ngang ibato eh.





         Nag angat na ako nang mukha, sakto namang nakita ko si Dayne tila may hinahanap o hinihintay. Mabilis ko nang  kinuha ang phone ko at dinial ang kanyang numero. Please Dayne sagutin mo.. Baka maunahan pa ako. Nakita kong may hinahanap ito sa kanyang shoulder bag.
Maya maya lang--






          "Hello mine.." Masigla ang himig nitong turan nang tinapat ang kanyang phone sa kanang tainga nito... Hindi ko naman maiwasang mapa kagat labi nang sandaling yun. Namiss ko sya . Araw araw nya akong tenetext, kinaka musta. Minsan nga hindi ko na nasasagot dahil sobrang busy at pagod..





             ''Tingin ka sa kaliwa mo.." Wika ko. Kabisado naman nya ang kulay at plate number nang sasakyan ko.




           "A-anong ginagawa mo dito..." Natutuwa naman nyang turan habang pahakbang na itong patungo sa aking sasakyan.. in unlock ko naman kaagad ang pintuan nang driver side.






       "Masama bang sunduin ang girlfriend ko.. baka maunahan pa ako nang FRIEND mo." Pinagdiinan ko talaga ang salitang friend. Na kinatawa naman nito nang mahina. Hanggang tuluyan na itong naka lapit nang sasakyan.. Tinapos ko na ang tawag nang akmang bubuksan na nito ang pintuan habang hindi naalis ang ngiti sa kanyang mga labi.
Tuluyan na itong naka pasok sa loob nang kotse ko, sinara muna nya ang pinto bago ito humarap sa akin.







           "H-hi..'' Nahihiya niyang bati. Napa tawa naman ako nang mahina. Mahiyain sa personsal samantalang sa tawag at text napakalakas nang loob nyang magsabi nang kanyang nararamdaman. Ilang segundo din kaming nagka titigan, bago ko nilahad ang aking kanang palad.






             "Come here.. I need hug mine.." Napa labi kong turan. Mabilis naman itong tumalima at kaagad akong dinaluhan nang yakap na mahigpit. Mahigpit na mahigpit.. "hmmnn!" Ungol ko nang maamoy ko ang natural scent nito.. Habang naka pikit ang aking mga mata. Hindi ko alam kong ilang segundo kami sa ganung ayos. Nang mag hiwalay na kami ay mabilis kong siniil ng halik ang mga labi nito. Hinalikan ko sya na para bang wala nang  bukas.






       Napa ngiti ako sa pagitan nang aming mga labi dahil unti unti na itong natuto kong paanong humalik. Nakaka sabay na ito sa bawat paghalik ko sa kanya. Nang kapwa na kami hingal na hingal tsaka ko lang binitawan ang mga labi nya.
Marahan kong hinaplos ang kanyang mukha. Habang pinag dikit ko ang aming noo.





          "I love you so much Kelly Robles.." Anas nito habang hinihingal.  Hindi ko pa matutugon yan sa ngayon, pero ang masasabi ko lang masaya ako kung anong meron sa amin ngayon ni Dayne. Kinabig ko ito at muli kung niyakap nang mahigpit. Agad naman itong gumanti sa yakap ko.





"ONE NIGHT" (gxg)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum