Chapter 28

3K 115 18
                                    

DAYNE POV

                 Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili bago pa man makarating si kuya dito sa parking area. Nag text kasi akong dito na ako dumiretso pagka galing kong mag banyo. "Tama na Dayne..." Nanggigigil kong turan sa aking sarili nang wala paring humpay ang pag agos nang masaganang luha sa aking mga mata. Nakaka inis kasi yung Kelly na yun sobrang kapal nang mukh para sabihing pinaglaruan ko lang sya!?







          Halos buong puso at kaluluwa ko na nga ang ibinigay ko sa kanya.. pagka tapos ano--







           "Dayne let's go..'' Kumabog ang dibdib nang biglang magsalita ang kuya ko. Pasimple ko tuloy pinahid ang aking luha gamit ang aking dalang panyo.  Bago umikot sa may driver side sa tabi nang kuya ko.  Pagka pasok ko sa loob nang sasakyan ay kunyari nalang na may hinahagilap ako sa aking bag hanggang sa maramdaman kong umusad na ang sasakyan.






            Mukhang hindi naman nito pansin yung mukha ko at dire-diretso lang sa daan ang tingin nito.







          "Siya nga pala.. may pupuntahan akong party mamaya kaya ihahatid lang kita sa may labas nang condo unit building pagka tapos ay aalis din ako kaagad.." Turan nito. Hindi na ako tumugon, sanay naman na akong laging naiiwan sa unit niya at sa ilang buwan ko nang pamamalagi doon hindi ko pa nakilala ang Mommy nito. Mukhang wala naman itong balak na ipakilala sa akin.






            Ganun talaga.. lihim akong napa hugot nang malalim na pag hinga. Laking tulong na nga ito sa akin, itong pag papa aral nya sa akin. Kaya pagsisikapan ko nang mabuti ang aking pag aaral hindi na ako magpapa saway dahil lang sa babaeng yun, kakalimutan ko na ang Kelly Robles na yun. Nabuhay na naman tuloy ang inis sa dibdib ko.






         Yan! Tama yan Dayne magalit ka sa kanya. Kamuhian mo na sya nang tuluyan dahil wala naman syang kuwenta--
"Baba na Dayne andito na tayo.." Nagulat pa ako nang biglang magsalita ang kuya ko. Hindi namalayang nasa tapat na pala kami sa isang matayog na building. Masyado akong inookopa nang isip ko ang babaeng yun.







           Marahan ko nang itinulak ang katabi kong pintuan. "Bye kuya mag iingat ka." Tipid kong turan ni hindi ko magawang tumingin sa kanya..







           "Susundin nalang kita bukas nang before lunch okay.." pahabol naman nito bago ako tuluyang maka labas nang sasakyan. Dalangin ko na sana hindi ko na makikita ang pag mumukha nang Kelly Robles na yun bukas sa may noon time show. Kundi--






             Napa singhap ako nang pagpasok ko sa loob nang elevator ay may biglang nagmamadaling pumasok at sumabay sa akin--
"Where do you think your going!?" Pigil nito sa braso ko nang akmang hahabol sana akong lumabas bago sumara ang elevator.. Nakita ko ang pag ngisi nito nang sumara na nga iyon sabay pindot kong anong floor kami pupunta.






       "Bitawan mo nga ako..'' Inis kong turan sabay bawi sa braso kong hawak hawak nito..






        "Hindi mo ako madadala sa pag susungit mong yan sa akin.." Turan naman niya gusto nya akong hawakan sa baba pero maagap kong winaksi ang palad nito. "At tsaka may atraso ka pa sa akin.. Alam mo bang ikaw palang ang nakaka sampal sa akin sa buong buhay ko.." Paki alam ko. Inirapan ko naman ito. "Ni kahit nga sa movie o tele serye wala pang nakaka gawa nun--"






        "So what?"  Inis ko nang turan na kina hinto naman nito. Kaya lang kita ko kung paano nag tiim ang kanyang bagang.. "Isa pa bakit mo ba ako sinusundan? Isang sikat na Kelly Robles sunod nang sunod sa isang ordinaryong katulad ko.." Pang iinis ko naman dito. Oo alam ko namang sinadya nya akong sundan sa may wash room kanina at parinig parinig pa sya..






"ONE NIGHT" (gxg)Where stories live. Discover now