Chapter 9

3.7K 109 1
                                    

KELLY POV

            "Te-teka lang Kelly a-anong ginagawa natin dito?" Tarantang turan ni Dayne. Ano bang ginagawa ng tao sa isang bar kundi iinum.. magpaka lasing, mag enjoy! Bigla pa nyang binawi ang kamay nyang hawak ko. At may pag aalala ang inosenteng  mukha nyang tumitig sa akin at kaagad naman akong nag iwas ng tingin. "Kailangan ko nang umalis, baka kasi pagalitan ako ni kuya Rajan."







          Napa ngisi naman ako sa huling sinabi nito. Bakit ba takot na takot sya kay Rajan? Sa pagka kilala ko sa taong yun, isa sya sa pinaka mabuting tao sa showbiz  industry. Lalo na sa mga tauhan nya sobrang bait nito.
"Hayaan mo na si Rajan tiyak nag eenjoy pa yun ngayon. At tsaka akong bahala sayo okay!" Wika ko sa kanya. "Ayaw mo ba akong samahan?" Pinalungkot ko pa ang boses kong turan.






         Totoo namang sobrang lungkot ko ngayon. Hindi lang basta malungkot kundi sobrang sakit ng aking nararamdaman dahil kitang kita na nang dalawang mata ko na niloloko ako ni Margaux. Rinig na rinig ko pa mismong galing sa bibig nya hindi ako ang mahal nya na totoong ginamit lang nya ako. Argh! Sobrang sakit! Gusto ko silang sugurin kanina sobrang nag pigil lang ako.
Ang totoo hindi ko naman talaga sinundan si Dayne kundi si Margaux talaga ang sadya. Hindi ko lang akalain na andun din itong si Dayne kanina. Kitang kita din ang mga nangyari.






         "Si-sige na.. sasamahan na kita basta ikaw ang bahala kapag magalit si kuya Rajan ha!" Paninigurado pa nito na kina ngisi ko naman. Sabay hila ko ulit sa braso nito at tumungo na kami sa may VIP room. Masyado kasing maraming tao dito sa bar baka magka issue pa ako. Hindi lang yun ayoko ding maistorbo.







           Nag order ako sa waiter ng isang bote ng tequila, sa reaksyon nito alam kong naalangan sya sa in order ko pero sumunod naman kaagad. Subukan lang nya akong kontrahin baka sa kanya ko maibubunton  tong init ng ulo ko.  Pag alis ng waiter sunod ko namang lihim na pinagmasdan si Dayne na abala ang ang mga mata nitong nililibot ang kabuuan ng kuwarto.. Habang naka upo ito sa may single couch at halatang first time lang nyang pumunta sa ganitong lugar.
May gusto pa sana akong itanong sa kanyang-






         Kaya lang ay dumating na ang waiter bitbit ang aking order.. nabaling na tuloy ang atensyon ko dito, binayaran ko na naman kaagad para hindi na magpabalik balik pa. Dinagdagan ko na rin para sa kanyang tip. Wala naman kaming kibuan ni Dayne, at kaagad ko ng binuksan  ang takip ng bote ng tequila pagka tapos walang sabi sabing tinungga ko kaagad. I hate you Margaux turan ko sa isip ko habang sunod sunod na lagok ang ginawa ko..Niloko mo ako! Ginamit mo lang pala ako..






             Gusto ko nang makaka usap gusto ko lang nang may paglalabasan ako ng sakit na nararamdaman ko. Kaya lang alam ko din namang busy at nag eenjoy ngayon ang best friend ko. Oh my- parang gusto kong masuka ng naka ilang lagok ako sa laman ng bote ng iniinum ko. Pero dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon pikit mata ko namang nilunok iyon lahat. Sobrang tapang. Gumuhit ang init ng likido sa aking lalamunan hanggang sa loob ng aking tyan.





       "Kelly... Ano bang ginagawa mo! Hindi mo ba alam na sobrang tapang nyan-" Mabilis pa sa alas kuwatrong naka lapit ito sa kinaroroonan ko si Dayne. At may pag aalala ang mukha nito na tumitig sa akin at sobrang lapit lang.








           "Alam ko syempre.. hindi naman ako tanga na hindi alam na matapang yan!!" Napa ngisi kong turan sabay titig sa labi nito na tila nag aanyaya para halikan. Mukhang nahalata yata nya kaya medyo dumistansya ito sa akin. 






          "Kelly..." Rinig kong bigkas nito ng muli kong tinungga ang laman ng bote. Medyo nasasanay na ako sa lasa at hindi na masyadong matapang..
Nagulat pa ako ng bigla nitong inagaw ang boteng hawak ko at lalo akong nagulat ng bigla nalang nitong binuhos sa may sahig ang laman. What? Damn it!!






         "Akin na yan-" Agaw ko sa bote kaya lang medyo hilo na ako kaya muntik na akong ma out of balance sa  upuan. Damn this girl-








          "Oh- yan wala nang laman!!" Tawa nitong turan sabay balik ng bote sa akin. Nagkamali yata ako na sinama ko sya dito. Huwag nyang hintayin na sa kanya ko ibabaling ang init ng ulo at sama ng loob ko. "Oopss sorry-" Wika pa nito na parang nakaka loko lang. Yung Dayne na kilala ko na tahimik lang kapag meron si Rajan may kapilyahan din palang tinatago. huwag nya akong susubukan!






        "Dayne.. huwag mo akong susubukan!" Banta ko sa kanya. Bigla naman itong napa hinto sa pag tawa at sumeryoso ang mukha.. Ngunit bigla naman itong tumayo mula sa kina uupuan nito sabay hila sa kanang braso ko.







        "Halika na.. labas na tayo dito lasing kana eh!" Turan nito. Ako lasing? No way! Hindi pa ako lasing. Bigla tuloy akong napa tawa ng pagak ng sandaling iyon.. "Halika ka na kasi ayokong mag alaga ng lasing." Dagdag pa nyang turan. Excuse me!








           "Seriously Dayne!! Ako lasing? You know what okay lang kung iwanan mo na ako dito.. Takot mo lang sa boss mo kaya ka nag papanic ng ganyan.." Wika ko naman. Napa ngiwi naman ito sabay kamot ng kanyang batok sa libre nitong kamay dahil yung isa nanatili paring naka hawak sa may braso ko.. "Just go.. okay!" Pag tataboy ko sa kanya.







            "Ayoko nga.." Mahina nitong pag kakasabi.. Pagka tapos nyang itinapon yung iniinum ko! Ano nang gagawin namin dito tutunganga nalang. Mabilis kong binawi ang braso tsaka biglang napa tayo..








           "Oorder ulit ako ng drinks-"







          "No.." Putol agad sa sinasabi ko. What?? Isa lang syang maid ng best friend ko,wala syang karapatan na pigilan ako sa gusto ko.     'Kasalanan mo yan Kelly, bakit ka pa kasi nagpa sama sa Dayne na yan!'  Kantyaw naman nang utak. Okay fine 'kasalanan ko na' napa eye roll ko namang tugon. Gosh!! Epekto na ba ito ng ininum ko at kinaka usap ko na ang sarili ko.
"O-okay ka lang Kelly?" Naalangan namang tanong nang kasama kong abnormal.. Tinapon ba naman yung iniinum-












         "Argh!!" Kailangan kong mailabas itong frustration ko. Damn you Margaux!! Bigla ko nalang hinamblot ang braso ni Dayne at hinila ko palabas ng VIP room.. Ako si Kelly Robles wala kang karapatan na gawin sa akin ito Margaux Luna..  Gigil kong turan habang hila hila ko parin si Dayne hanggang makalabas na kami ng bar..








         "Te-teka lang Kelly.. Sa-saan mo ba ako dadalhin!" Protesta naman nitong isa.. Wala akong paki alam sa mga sandaling ito. Gusto kong maka usap ang Margaux na yun! Ginamit lang nya ako para umangat ang career nya!!  Hila hila ko parin si Dayne patungo sa tent ni Margaux Luna ang ex ko.. Wala nang cool off wala nang space space. Break na kong break!!  Ako ang makikipag break sa kanya-








         "Kelly... Sabi ko na eh! Lasing ka na.." Ang kulit naman nitong babaeng ito. Hindi nga ako lasing..







       "Just shut up!!" Saway ko. Malapit na kami sa tent ni Margaux.







          "A-ayoko nang bumalik dyan-" Biglang ako naman ang hinila nito pabalik sa pinanggalingan namin.. Damn it! Malapit na ako mapikon sa babaeng ito..







        "Sandali.." Kontra ko sabay bitaw sa braso nito. "What's wrong with you? Wala akong masamang balak sayo, magpapasama lang naman ako!" Pikon ko nang turan.







       "Saan? Dyan sa set nila Miss Margaux.. A-ayoko." Sunod sunod ang iling nito. Oh f___k problema ba nya!







      "Ano bang---"






         "May -may manyak kasi na  humalik sa akin dyan.." Mahina lang ang pagkaka sabi nito pero dinig ko naman. "E-ewan ko yun- yun yatang karelasyon ni Margaux na lesbian--"






            "What the-"  Kitang kita ko ang takot at pangamba sa mukha nito.   'oh my.. DAYNE...

"ONE NIGHT" (gxg)Where stories live. Discover now