Chapter 2

6.3K 137 4
                                    

DAYNE POV




                 Nakilala ko si ate Lilly ang PA ng kuya ko at marami pang iba dito sa loob ng tent niya. Pinag handaan din ako ng makakain ni ate Lilly, matagal na daw syang nagtatrabaho sa kuya ko simula palang nang nag simula si ito sa showbiz.
Abala naman ang kuya ko sa pag reretouch nang make up nito nang biglang may pumasok sa loob ng tent na kina hinto ko sa pagnguya, kinalaki nang mata ko at kina awang ng labi ko. Lalo at napa titig ito sa akin dahilan upang magtama ang aming mga mata nakita ko ang pag ngisi nito na kina lunok ko ng ilang beses. Bago ito nagbaling nang tingin sa gawi ng kuya ko.








               Oh gosh... Pasimpleng napa hawak ako sa dibdib ko ng sandaling iyon.. Naka sunod ang tingin ko sa kanya hanggang tuluyang nakalapit ito kay kuya.
S-si Kelly Robles... Iniidolo ko sya sobra.. Sobrang hinahangan sa galing nitong umarte, sumayaw at kumanta. Lahat na yata ng talent napunta na sa kanya at sobrang ganda pa. Hindi ko akalain na makikita ko sya ngayon as in ngayong mga sandaling ito. Punong puno nga ng poster nya sa loob ng kuwarto ko..








        "Dayne... Okay ka lang?" Pasimpleng puna ni ate Lilly sa akin. "Si Kelly ba! Sya ang ka tandem ni Rajan sa ginagawa nilang movie ngayon.. idol mo din ba sya?" Medyo pabulong nitong wika ayaw sigurong iparinig sa iba ang pinag uusapan namin. Marahan naman akong napa tango sa huling sinabi nito. Habang naka focus parin ang mga mata ko sa babaeng kausap na ngayon ng kuya ko.
"Mabait-"







              "Bago! Ano namang trabaho nya sayo?" Hindi natapos ni at Lilly ang gusto nitong sabihin nang biglang nag baling si Kelly sa gawi namin na sakto namang sa kanya kami naka tingin..







          "Sya muna ang mag tao sa condo ko sa may Ortigas at hahalili na PA ko kapag off ni ate Lilly." Rinig kong tugon ng kuya ko. Condo? Dun ako titira hindi sa bahay niya! Okay lang importante sa akin makapag aral ako..







            "Oh.!" Wika ni Kelly at bigla na naman syang napa ngisi.. Nahihiya man pero nagawa ko paring gumanti ng ngiti sa kanya. "Bilisan mo na dyan last take na sabi ni direk." Turan pa nito sa kuya ko at humakbang na ito palabas ng tent.. Pero bago pa ito tuluyang lumabas ay simpleng sumulyap pa ito sa akin. Bakit ganun! Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nito, hindi ko mawari kong pinagmamalditahan ba niya ako o ganun lang talaga sya. Basta idol ko parin sya lalo pa ko pa yata syang hinangaan ngayon nakita ko na ito ng personal. Excited na akong ikwento sa kaibigan ko na nakita ko na ang idol ko..








           Unang kita ko palang kasi kay Kelly sa TV limang taon na ang naka lipas hinangaan ko na ito. Lagi nga akong pinagsasabihan ni nanay na huwag daw ako masyadong humanga sa mga tulad nila dahil lilipas din ang kanilang kasikatan. Huwag na huwag ko din daw subukang pumasok sa pagiging artista dahil sobrang hirap ng ganung trabaho kontrolado nila ang buhay mo. Sabagay gaya na nga lang ng Papa ko. Lihim nalang akong napa hugot ng malalim na paghinga. Hinding hindi ako papasok sa showbiz pangako ko iyon sa sarili ko..




_





              Andito na kami sa condo unit ng kuya ko. Condo bang matatawag ito ang laki naman! Pang mayaman talaga pati mga kagamitan. Mayroon itong dalawang kuwarto at bawat kuwarto may sariling c.r sa loob iba pa ang CR sa may kitchen.. Nakaka lula lang dahil nasa taas kami ng building nasa 15th floor nakakahilong sumakay ng elevator. Pwede nga lang naghagdan nalang ako.








                Nag aayos ako ng gamit ko sa binigay ng kuya kong kuwarto ng biglang may kumatok sa pinto.
"Pasok,hindi naka lock yan." Turan ko. Alam ko namang si kuya ko lang yun dahil dalawa lang kaming naka tira dito. Narinig ko naman ang pag ingit naman pintuan.







                 "Kumain muna tayo dumating na yung pina deliver kong pagkain." Turan nito habang naka tayo ito sa may pinto. Kompleto naman ang laman ng kusina nya sayang ang mga yun kong nai stock lang, hindi rin maganda yung laging kumain nang pagkain sa labas mas maganda parin yung lutong bahay. De bale andito na ako may mag asikaso na sa kuya ko. "At may pag uusapan tayo." Seryoso nitong turan. Ano na naman kayang pag uusapan namin. Pag lingon ko sa may pintuan ay wala na ito doon, ang bilis naman! Huminto muna ako sa ginagawa kong pagsalansan ng mga gamit ko sa closet at nagpasyang lumabas muna ng kuwarto.
Paglabas ko ay nakita ko si kuya sa may sala, naka upo sa mahabang couch at may naka haing pagkain sa may center table.. humakbang na ako patungo sa kinaroroonan nito tsaka marahang umupo sa pangmayamang single couch.







        

         "Kuya.. lagi mo ba akong isasama sa taping at ibang lakad mo?" Tanong ko. Gusto ko lang kasi ulit makita si Kelly.. Nung paglabas ko kasi ng tent  kanina wala na ito naka alis na daw dahil may iba pa syang lakad. Napaka busy naman nya may time pa kaya sya sa sarili niya!.







         "Yun na nga pag uusapan natin." Wika naman nito habang ang paningin ay naka tutok sa pinapanood sabay dampot ng isang slice na pizza. "Meron kasi si ate Lilly kapag weekdays kaya pag weekend  ikaw ang hahalili sa kanya dahil yun ang pinaka off nya. Pabor din ito sayo kapag nag aaral ka na." Ibig sabihin habang wala pang pasok dito lang ako sa condo! Akala ko pa naman makikita ko lagi ang idol ko. "Dayne.. ayaw naman sana kitang pagtrabahuin kaya lang baka kasi magtaka yung manager ko kung patirahin kita dito tapos pag aaralin pa kung wala ka namang ginagawa." Wika pa nito tsaka nagbaling ng tingin sa akin. "Kaya ang alibi ko ikaw ang magtatao dito sa condo kumabaga maid kita. Meron kasi akong stay out maid dito pero pinalipat ko na ng nang trabaho."








         "Okay lang yun kuya.. ako na bahalang maglinis dito at mag ayos. Kayang kaya ko yan! Magaling din akong magluto." Masayang turan ko. Na kina ngiti naman nito..






         ''Kain na.." Aya pa nito.. Agad naman akong tumalima at dumampot ng isang slice ng pizza.









               Dati napapanood ko lang ito sa commercial ngayon kinakain ko na.
Mahirap ang buhay sa probinsya namin, simple lang pero masaya. May sarili kaming sari sari store at yun ang pinagkaka abalahan ni nanay. Katuwang nito si Mimi ang lesbian na kinaka sama niya na isang elementary teacher din sa isang public school..  Malaki ang naitulong si Mimi sa buhay namin sa pagtaguyod sa akin para makapag tapos ako hanggang señor high school. Sya na din ang tumayong ama ko at mahal na mahal ko din sya kahit hindi sya totoong lalaki mas nagagampanan pa nya ang responsibilidad ng isang tunay na lalaki.









             Miss ko na sila ni nanay de bale uuwi uwi naman ako doon kapag naka luwag luwag na ako. Ayaw nga sana akong payagan ni Mimi na lumuwas ng Maynila kaya lang gusto din daw nya akong makapag aral sa isang magandang eskwelahan at pangako ko sa kanila ni nanay pag bubutihan ko aking pag aaral.. Tahimik na kami ni kuya at abalang pareho na kumakain ng biglang may nag doorbell sa may pintuan. Napa tingin kami sa isat isa tsaka ito nag senyas para ako ang magbukas ng pinto. Mukhang alam na nito na may darating itong bisita kaya mabilis na akong kumilos at tumungo sa may pinto.






          Agad kong pinihit ang doorknob at dahan dahan ko iyong binuksan. Napa singhap ako ng tumambad sa harapan ko at mala dyosang kagandahan ng idol ko.
"K-kelly..." Nauutal kong turan. Na kina tawa nito ng mahina. Bigla tuloy akong natuod sa kinatatayuan ko.








          "Let me in! Bilis na.." Natatawang bulong nito.. Ha? Wala na natulala na si Dayne..



   
__Maja Salvador as... Kelly Robles

"ONE NIGHT" (gxg)Where stories live. Discover now