Chapter 35

3K 110 9
                                    

KELLY POV

              "Dayne.. Dayne saglit lang!" Hablot ko sa isang braso nito nang nahabol ko sya sa may pasilyo nang building. Kakatapos lang nang kanyang shooting para sa isang commercial.






               "Kelly ano ba!bitawan mo nga ako. Baka mamaya may makakitang press--"






            "Ano naman ngayon!" Putol ko sa sinabi nito. Ano bang kinaka takot nya.. Ako nga hindi na ako nababahala sa mga press na yan, kong sino mang paparazzi.. Mas importante sya sa akin!






           Matalim ang tinging pinukol nya sa akin."Alam mo Kelly, kanina ka pa eh! Nung nasa taping palang ako. Lahat nalang pinapakialaman mo. Alam mo bang, kanina pa ako banas!" Pagalit nyang turan. Na kina awang nang labi ko. Natural! andun ako, girlfriend ko sya, sinusuportahan ko ang ginagawa nya at para tignan din kong nababastos na ba sya! Kahit pa kaibigan ko yung director, hindi parin ako basta ganun nagtitiwala..






          Ayoko lang naman sa idea na kailangan syang mag topless, kahit pa sabihin na nating likod at balikat lang yung makikita sa kanya. Kaya nag suggest ako na mag suot sya nang tube na nakulay nang kanyang balat tapos edit nalang.. Alam ko naman na kanina sa shooting, masama na ang tingin nito sa akin.





          "Mine, hindi mo ba na- appreciate yung ginawa ko. Gusto lang kitang protektahan at kung pwede lang sana- huli na ito okay! Huwag ka nang tatanggap nang kahit anong project. Hindi mo naman kailangang gawin ito--"







           "Gusto ko itong ginagawa ko okay.." Putol nitong muli sa sinasabi ko sabay halukipkip. "Nag uumpisa palang tayo pero sinasakal mo na ako." Pairap pa nyang sabi. What? Nakaka sakal na ba yun! My god!







                 "Let's go. Mabuti pa doon na lang tayo sa may kotse ko mag usap.." Aya ko sabay hawak sa kamay nito pero pabalya nitong inalis ang palad ko sa kanya.






           "Hindi ako sasama, hindi ako pwedeng sumabay sayo.." Wika nya at mukhang ayaw niyang umalis sa kanyang kinatatayuan. "Kaya kong umuwi mag-isa." Alam ko namang kaya nya, ang sa akin lang, ayoko lang na may samaan kami nang loob na dalawa.






           "Mine.." Buntong hininga kong turan.





             "Hey, Kelly!" Bati sa akin ni Jason.. Lumapit sabay nag beso. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong pa nya sabay tap sa balikat ko. Naging leading man ko sya sa isa kong movie two years ago. At minsan ko palang naman itong naka trabaho.






                "Ah-." Nang nagbaling ako kay Dayne. Fuck! Wala na sya sa tabi ko. Ang bilis naman nyang umalis, ni hindi ko namalayan. "Ahm- Jason, sige nagmamadali kasi ako. See you when I see you." Hindi ko na sya hinintay pang sumagot at napa takbo na akong umalis. Shit! Asan na ba ang babaeng yun.. Grabe, ka tigas nang ulo.





            Nag elevator ba yun! Bakit ba nya ako kailangang takbuhan. Hindi pa kami nakakapag usap nang maayos- sumakay na ako kaagad sa elevator, baka maabutan ko pa sya sa labas nang building. Asar!! Hindi ko naman sya sinasakal.. bakit nya iniisip ang bagay na yun.






         "Damn it!!"Gigil kong bigkas nang makita ko itong naka sakay na sa isang taxi. Hindi ko na ito naabutan! Mariin ko nalang isinuklay ang mga daliri ko sa aking buhok sa sobrang gigil ko. Tumalikod na ako at naglakad patungo sa may parking lot nang building kong saan naka park ang aking kotse. Naiinis parin ako, sobrang nakaka frustrate!







"ONE NIGHT" (gxg)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora