Chapter 7

3.8K 116 0
                                    

DAYNE POV



            Boracay is real!! Nakapikit kong turan habang ninanamnam ang preskong hanging dagat.. Kasalukuyang nasa dalampasigan ako ng nag paalam ako sa kuya kong  pwedeng mag ikot ikot muna. Pinayagan naman agad ako dahil tutungo kasi siya sa bar kasama ng iba pang celebrity. At tsaka wala pa naman silang gagawin dahil sa Sunday afternoon pa naman yung event at live yun na gaganapin kaya parelax relax muna ngayong gabi hanggang bukas.
Halos kaka dating nga lang namin dito sa Bora gamit ang private plane ng naturang network. Nasasanay na rin akong nakaka salamuha ang karamihang artista.. At naintindihan ko na rin kung anong klaseng trabaho meron sila. Mahirap, nakaka stressed kaya hindi maiwasan magtaray yung iba dala na rin ng pagod..






         Nagpasya akong maglakad lakad muna,bilin lang naman ng kuya ko kapag inaantok na ako tutungo na ako kaagad sa quarters namin.. Okay lang magpuyat para masulit naman yung pagsama sa akin ng kuya ko dito. Sa aking paglalakad lakad sa dalampasigan biglang bumaon ang kanang paa ko sa buhanginan, hirap ko tuloy hugutin dahil naka suot ako ng tsinelas. Dapat pala nag paa paa nalang ako. Napapa iling nalang ako, at nang bigla kong hinugot yung paa ko na out of balance ako kaya bumagsak yung aking puwetan sa may buhanginan. Saktong humampas yung malakas na alon kaya basang basa na tuloy ako. Ewan ko kung matatawa o maiinis ako sa sarili ko. Katangahan kasi eh.



           

           Akmang tatayo na sana ako ng biglang may kamay na humawak sa kanang braso ko.
"Miss okay ka lang ba?'' Wika nito at tinulungan ako nitong nakatayo. Boses babae.. hindi ko pa nakikita ang mukha dahil nasa likod ko sya.




         "Salamat ha.." Malumanay kong turan tsaka ako humarap sa kanya.




         "Your welcome..'' Nakangiti nitong turan kaya napa ngiti na din ako. Grabe ang lamig,basang basa na yung kalahating parte katawan ko.Teka parang pamilyar yung mukha niya! "Basang basa ka tara sa may tent ko magpalit ka muna.." Mag poprotesta pa sana ako kaya lang hinawakan na nito ng mahigpit ang isang braso tsaka biglang hinila kong saan. Natatawa nalang akong nagpa tianod sa gusto nya.







            "Ikaw si Margaux Luna diba?" Tanong ko nang makilala ko na ito ng husto. Habang hawak hawak parin nito ang braso ko. Narinig ko naman ang mahina nitong pag tawa. Ang ganda nya at mukhang ang bait bait pa nya. Bakit hindi ko sya napansin sa loob ng plane kanina! Baka ibang eroplano sya sumakay..







           Oh! Akala ko katulad ng sa kuya ko na loob ng cottage talaga. Bakit itong place nya typical na tent  sya. parang ginagamit pag may taping. Wika ko sa sarili ko nang makarating na kami sa tent nito.
Pinalabas muna nito yung PA yata nya dahil magbibihis daw ako at agad namang tumalima yung babae.






          "Dito ka matutulog?" Curious kong tanong.. na kina tawa lang nito. Mas nakikita ko yung mukha nito ngayon dahil maliwanag dito sa loob ng tent.. Lalo itong gumanda at katulad ko din syang morena.







             "Pwede rin.. Pero hindi eh! naka check in ako sa isang hotel malapit dito.. may taping kasi ako mamaya madaling araw pa kaya andito kami.." Paliwanag naman nito. Ah so, hindi nga namin sya kasabay kanina. Marahil nauna ang team nila dito. "Oh kailangan mong mag bihis at baka lamigin ka-"






           "Hi-hindi na, malapit lang naman yung quarters namin ng kuya- I mean boss ko dito." Tanggi ko naman. In fairness mukha talaga syang mabait.






           "Okay.  Sabi mo eh." Napa kamot kilay naman nyang turan saka napa halukipkip. "Ano palang name mo?" Gosh! Oo nga nawala sa isip kong magpakilala.






           "Sorry.. ako nga pala si Dayne. PA ako ni Rajan del Mundo." Pakilala ko. At napa oh! Naman ito. Sigurado akong kilala nito ang kuya ko. "I mean hindi naman as in PA. Naka off kasi ngayon si ate Lilly kaya pinalitan ko muna sya." Wala lang.. ang daldal ko lang!.








        "Ahm-" Tikhim nito. "Nakikita mo din ba si Kelly I mean close sila noh!" Bigla naman akong napa ngiti ng nabanggit nito ang pangalan ng idol ko.. Oo sobrang close nila talaga. Dude nga eh!







          "Oo lagi nga si Kelly Robles sa condo ni kuya Rajan-" Paktay ang daldal ko. Nakalimutan ko yung bilin ng kuya ko na behave kanina. Nakita ko namang napa ngisi ito. Pero wala naman na syang tinanong. Pagka tapos ay bigla pang may nagring na phone..





          "Wait lang Dayne ha! Huwag ka munang umalis sasagutin ko lang saglit itong tumatawag sa akin."  Turan nito na agad ko namang kina tango.. nagmamadali na itong lumabas nang tent. Bigla naman akong napa kagat sa isang hintuturo ko nang maalala yung pinagsasabi ko kay Miss Margaux kanina.. Baka mamaya nyan magkaroon pa ng issue yung mga nasabi ko about kay Kelly at kuya Rajan. Kaya lang mukhang mabait naman si Margaux may tiwala naman ako sa mga nasabi ko sa kanya.











          Mataman parin akong nag iisip habang nakatayo ng biglang namatay ang ilaw dito sa loob ng tent. Sobrang nagulat ako, buti at hindi ako napa hiyaw. Napa hawak nalang ako sa dibdib ko sa pagka gulat. Ang dilim ano bang nangyari? Kakapain ko na sana yung phone ko sa aking bulsa kaya lang naalala ko hindi ko pala iyon dala. Pang iilaw ko sana. Brown out ba-












             "Babe...." Oh gosh! Napa singhap ako ng bigla nalang may yumakap ng mahigpit sa akin mula sa aking likuran. Margaux?'  Wika ng isip ko. Kaya lang mukha hindi naman sya dahil masyadong husky yung boses nya at-
Bigla nalang akong pinihit paharap. Hindi na ako nakapag react ng bigla bigla nalang nitong sinunggaban ng halik ang labi ko.








          "Hmmpp-" Pilit akong nagpupumiglas kaya lang masyadong itong malakas kumpara sa akin.  Kaya patuloy parin ang pag sibasib nito ng halik sa mga labi ko. Gosh.. sino ba itong babaeng ito? Bakit nya ako tinawag na babe. Di kaya napag kamalan nya ako na si Margaux. At itong si Margaux may karelasyon palang babae!













            Nadadala na ako sa mga halik nito. Nang biglang maalala na mali itong ginagawa nya. Maling tao ang hinahalikan niya. Narinig ko pa itong napa ungol ng mahina. Oh gosh... Inubos ko ang natitira kong lakas at buong pwersa ko itong tinulak. Salamat at hindi naman ako nabigo dahil naka wala na ako kung sino man itong babae na ito.









          Hingal na hingal ako at pilit na inaaninag ang kanyang mukha kaya lang masyadong madilim pagka tapos mukha naka jacket pa ito ng may hoody.
"Si-sino ka..." Lakas loob ko nang turan.








         "Shit..." Narinig kong turan nito. Bago nagmamadaling lumabas ng tent. Hindi naman ako kaagad naka kibo ng sandaling yun. Pilit ko kasing inalala yung boses na yun kung saan ko narinig kaya lang-
Kung habulin ko kaya.. Nagmamadali na akong lumabas ng tent para mahabol ko ito kaya lang bigla ko namang nasalubong si Margaux.







         "May naka sagi yata ng extension ng wire kaya nawalan ng ilaw sa tent.." Turan nito. Habang naka awang ang mga labi kong naka titig sa kanyang mukha. "Dayne okay ka lang parang namumutla ka?'' Puna pa nito.







          "O-oo okay lang ako. Medyo giniginaw lang. Mabuti pa siguro balik na ako sa quarters namin. Para makapag bihis.." Dahilan ko na agad naman nitong kina tango..
Tila wala parin kasi ako sa sarili ko sa nangyari kanina.









         "Okay.. sure! Nice meeting you Dayne.. see you around!'' Tugon naman nya. Hindi na ako kumibo at nagmamadali na akong umalis.. Gosh! Habang lakad takbo ako ay bigla nalang akong napa hawak sa labi ko. Pakiramdam ko naiwan parin ang mga labi ng mapangahas na humalik sa akin.

"ONE NIGHT" (gxg)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora