Simula

2.8K 132 31
                                    

Simula

A cold breeze that was passing through my open window awaken me from my deep slumber; making its presence known by the curtains that are being gently swayed like a hand waving a morning greeting. While I was trying to collect my senses, I realized that I have fallen asleep on top of my mini study table because of spending so much time doing my home works last night.

Imbes na pag uunat ang unang gawin, dali-dali kong tinahak ang aking mga bintana dahil sa biglaang buhos ng napakalas ng ulan. Maybe the reason why the wind acts crazy right now.

Huli na ng mapagtanto ko na malamang, ay makakansela nanaman ang klase ngayon. Isang araw pa lamang ang naipapasok ko ngayong linggo sa eskwela dahil sa matinding mga pag ulan ngunit hindi na nakakapag taka dahil ito ang buwan na inaasam ng bawat estudyante dahil sunod-sunod ang pag-ulan.

Kung ako'y katulad nila, malamang ay nagbunyi na ako sa tuwa ngunit hindi.

Mas maganda sana kung may bago akong matutunan sa araw na ito, higit pa sa mga palabas sa telibisyon, mga nababasa ko sa dyaryo at mga iilang gawaing bahay.

Wala akong magawa kung hindi matulala sa bintana at pagmasdan ang ingay sa labas. I was amused by the strong wind swaying the coconut trees and making its own chaos.

Ibang-iba sa gusto kong mangyari. Pinagpuyatan ko pa ang aking takdang aralin upang sa huli ay ibuburo ko lang din naman pala ang sarili ko dito sa bahay.

I breathed out a deep sigh and finally started to move.

Mabuti pa ay simulan ko na lamang ang aking mga gawain nang sa gayon ay mas maging produktibo na ang araw na ito habang maaga pa.

Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili ay bumaba na ako sa tanggapan upang simulan ang aking gawain. The quiet surrounding was informing me that I was the only person who's awake. Malamang ay hindi pa nga gising ang mga kasama ko dito sa bahay, at wala din ang ibang mga katulong dahil ngayon ay biyernes at ito ang kanilang day off, so I take charge when it's Friday and Saturday.

"Iha, ang aga mo namang nagising. Wala kayong pasok ngayon dahil may panibagong bagyo nanaman daw. " Sandali akong nagitla sa tinig ni ma'am Mira. Halatang kanina pa siya nagising kahit na nakasuot parin Siya ng makintab na roba.

"Ah, Oo nga po ma'am. Maaga nalang rin po akong bumangon at gumawa ng mga gawain dahil hindi na po ako nakabalik sa pagtulog." Sinabi ko habang pinupunasan ang counter top dito sa kusina. Tumango lamang sya at kunot noong umupo sa lamesa habang nakatingin sa kanyang Ipad.

Agad agad naman akong kumilos upang pag hainan siya ng kape na palagi niyang hinihingi tuwing umaga.

"Hindi parin ba umuuwi ang Sir Constantine mo? " tanong niya ng ilapag ko ang kape sa kanyang harapan.

She was probably asking me dahil ako ang huling tao na gising kagabi. Si Sir Constantine ay ang kanyang asawa na ilang araw nang hindi umuuwi at lumuwas ng Maynila para sa isang kliyente nila.

"Hindi parin po ma'am." yun lang at iniwan ko na siya matapos siyang tumango at inabala ko na ang sarili ko sa iba pang gawaing bahay.

Si ma'am Mira at sir Constantine ay ang may-ari ng tinutuluyan kong bahay sa ngayon, sa aking pagkaka-alam ay isang Engineer si sir Constantine habang isang Principal naman si ma'am Mirasol ngunit hindi rito sa Mar de Vena kundi sa Maynila. Sila ang mga nagmagandang loob na patuluyin ako sa kanilang tahanan magmula ng mangyari ang trahedya sa aking pamilya dalawang taon pa lamang ang nakalilipas.

Even though there's no such thing that will connect us as family, they treated me in a way that I would feel like I'm accepted . Yes, I would be happy if they treat me as part of their family but they gave me the life that I should be greatful enough. Hindi man nila ako kadugo, pinaaral at pinakain naman nila ako at kailan ma'y hindi nila ako trinato ng masama sa buong panunuluyan ko sa kanila. Kaya't ang mga simpleng gawaing bahay na lamang ang kaya kong gawin upang kahit papaano ay maipakita kong malaki ang pasasalamat ko.

Pushing Limits [COMPLETED] MDV Series #1Where stories live. Discover now