Kabanata 17

632 24 12
                                    

Kabanata 17

Ayos lang


Gulat na gulat si Jomar nang makita akong pumasok ngayong lunes. Siguro ay nag alala siya sa akin dahil noong biyernes. Hindi ko rin naman siya masisisi. Kahit ako rin ay nag alala sa sarili ko.

Magkalingkis silang dalawa ni Mariel ng madatnan ko sila roon. I smiled at them at agad silang parang napasong nagbitaw sa isa't isa. Inilagay ko lamang ang aking bag sa upuan at hindi sila pinansin.

Maganda ang bungad sa akin ng araw, walang mapag sidlan ang tuwa ko at magandang pananaw ko sa buhay ngayon. Hindi parin makalimutan ang ipinangako sa akin ni Levi kahapon.


"Ang ganda pala ng hotel niyo roon sa sentro. Noong huling punta ko ay wala pa iyon."

Kung normal na araw ito ay abala akong gumuguhit ngunit hindi, nabagot na ako roon at inilapag na lamang iyon sa kaniyang lamesa. Pinapanood ko lamang siya habang abalang-abala siya sa pag ta-trabaho. Hindi niya ako tinuturuan ngayon, hinahayaan niya lang akong gumuhit kanina habang tutok na tutok siya sa kaniyang ginagawa.

"Really?" He side eyed me since he was busy checking on some papers.

"Hmm-hmm." Tango ko sa kaniya.

Tinanaw ko pa rin siya habang abala niyang binabasa ang bundok ng papel sa kaniyang lamesa. May mga ilang papel na hinihintuan niya, then he'd scribble something on it, siguro ay ang pirma niya. Kanina pa matipid ang mga sagot niya sa akin.

Masipag akong magbasa ngunit hindi ko yata kayang basahin ang mga tambak na papel sa harap niya. Hindi ko mapigilang mamangha sa oras na inilalaan niya rito.

Tinitigan ko ang hitsura niya nang hindi niya sinundan ang mga salita ko. Mas nadedepina ang makakapal niyang kilay dahil sa pag kunot niya. Marahan ang pagkibot ng labi niya habang walang tunog na binabasa ang mga papel sa kaniyang harapan.

Tumayo ako at pumunta sa salaming-pintuan para buksan ito. Nakita kong huminto siya sa pagbabasa at sinilip sandali kung saan ako pupunta.

Nginitian ko siya at nangisi rin siya nang makita ang ginawa ko.

Hindi ko pa man tuluyang nabubuksan ang pinto ay hinangin na ang mga papel sa ibabaw na lamesa niya. Tuluyan siyang humalakhak sa ginawa ko.

Ngumisi ako at hinayaang pumasok ang hangin. Tumayo ako sa hamba ng pinto at ngumuso sa kaniya.

"Okay, okay."

Pinipigilan niya ang pagtawa niya at tumayo sa kaniyang lamesa upang magpunta sa direksyon ko.

"So the hotel is nice, what else?"

Naiwan ang ngiti sa labi niya habang kumakapit ang kamay niya sa isang bahagi ng sliding glass door. Nasa loob siya habang ako ay nasa barandilya na. He waited for my answers but I just made my eyes chinky to let him know my point.

The ghost of smile in his lips made me roll my eyes a bit pero nang mapagtanto ko kung ano ang ginawa ko ay tinalikuran ko siya.

I turned my back at him at nilandas ang kaunting espasyo ng terasa. I placed both of my hands in the banister. Pinilit kong mag paagaw sa ganda ng tanawin na nakikita ko at iwinaglit ang pagtatampo sa kaniya.

The vast wide blue ocean seems to never meet it's ends. Napakalawak, walang katapusan. But the funny thing is that it was just all in our eyes. Lahat may katapusan. Eveything has boundaries. Everybody has their own limit.

My heart jumped a bit when I felt his presence on my back, his hands are on my side locking me and his hard chest was bumping into my back. Umawang ang labi ko at parang sandaling tumigil ang paghinga. What is he doing?

Pushing Limits [COMPLETED] MDV Series #1Where stories live. Discover now