Kabanata 24

550 26 1
                                    

Kabanata 24

Okay


My eyes are wide open the whole night. Hindi ko tinangkang hawakan muli ang cellphone, takot na masagot ko muli ang kung sinong tatawag doon.

Thousands of thoughts are occupying my mind, kahit ang pagbabasa ng libro ay hindi magawang patulugin ang sistema ko. Panay ang lingon ko sa cellphone sa kama na para bang kaya nitong bigyan ng kasagutan lahat ng katanungan sa isip ko.

Did he lie to me? That woman's voice said they're waiting for him. I don't know where or when but the background noise was giving me a lot of possibilities. Kagaya ba iyon ng nakikita ko sa telibisyon? Bar? Party? I don't know!

Should I tell him? Should I ask him? No! Ayokong isipin niyang nangingialam ako sa mga desisyon niya sa buhay. Who am I to interfere with his plans and decisions in life? This is probably his life before I came in, kaya't hindi ko pwedeng pakialaman iyon. At isa pa, sino ba ako?

The sun is up and I'm still awake. Nagdadalawang isip ako kung matutulog pa ba ako o babangon na lamang. Sa huli ay napagdesisyunan ko na lang na bumangon at agad kong pinagsisihan ang hindi pagtulog dahil sa hilo na naramdaman.

I settled myself in the bathroom for almost an hour spacing out and looking at myself in the mirror. The dark circles under my eyes are giving me more regrets. Sana kasi ay natulog nalang ako at hindi ko na iyon sinagot pa. This is what you get from being nosy Ava.

I wore my comfortable pambahay clothes after taking a warm bath. The phone beeped a lot of times when I got out from the bathroom but I did not dare to check it. Masyadong mabigat pa ang pakiramdam ko at sa tingin ko ay lahat ng mababasa ko roon ay hindi lang tulog ang nanakawin sa akin.

Inabala ko ang sarili ko sa pagtulong sa mga iilang gawain sa baba, pagkatapos kong batiin ang mga halaman sa bakuran ay nagtungo na ako sa kusina para tulungan si Nanay Celia sa paghahanda ng agahan.

"Ikaw ba hija ay ayos lang?" Tinantya niya ang tingin niya sa akin habang inaahon sa Air fryer ang bacon.

"Po? Opo." Tinuloy ko ang paghiwa ng mga avocado at ilan pang halo sa salad na madalas agahan ni Ate Celest.

"Ako na nga riyan at baka mahiwa mo pa ang daliri mo."

"Hindi na po, kaya ko na po ito-"

Inagaw niya sa akin ang kutsilyo at ipinagpatuloy ang paghiwa. Nasandal ko na lang ang likod ko sa counter at tinignan ang marahan niyang paghiwa.

"May sakit ka ba at nangangalumata ka." Lingon niya ng isang beses at umiling ako.

"Maupo ka na nga lang sa hapag at mukhang hindi ka talaga maayos."

She kept on insisting and asking if I'm okay, which I wanna ask myself also. Panay ang libang ko sa aking sarili at kumbinsi na ayos lang ako. I am! And I know I should be.

Inayos ko ang iba pang kailangan sa hapag at pinatawag na ni Nanay Celia sa ibang katulong ang pamilya. Si Ma'am Mira ang naunang bumaba at sinundan naman ito agad ng kaniyang asawa. Nahuling bumaba si Ate Celest suot pa ang kaniyang roba.

Sa hapag ay hindi matigil si Ate Celest sa katatanong kung anong gusto kong mangyari sa kaarawan ko, with the themes and all. Wala akong maisagot sa kaniya dahil wala naman akong ideya patungkol roon.

"I called our event planner to make sure everything is perfect."

"Po? Hindi na po kailangan ang malaking pagtitipon. Ayos na po ako sa kaunting salo-salo."

"No, Solidad's are throwing a party and it will be surely a talk in town. So hindi pwedeng basta-basta lang."

Wala akong ibang naisagot sa kaniya. Mukhang iyon na rin talaga ang gusto nilang mangyari at wala akong magagawa roon.

Pushing Limits [COMPLETED] MDV Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon