Kabanata 19

603 27 11
                                    

Kabanata 19

You are here


Tumayo ako at hindi alintana ang suot kong hindi parin napapalitan. I'm still wearing my black knee length skirt with white lining on the hem and the white polo shirt with my name tag on it. The loose strands of hair from my loose braid are kind of messy but I did not bother. Pinalis ko ang mga natuyong luha sa aking mukha na para bang matatanggal ko ito.

Bit-bit ang lapis na ipinahiram niya sa akin ay tinahak ko ang aking pintuan.

Ang madilim na koridor ang bumungad sa akin ngunit ang ilaw sa siwang ng pintuan ng opisina ay nagbibigay ng kaunting liwanag sa buong pasilyo.

Bukas ang pintuan at agad kong tinahak ito. Wala akong nakita kahit anino ng kung sino. The familiar breeze of air was passing to the open glass door. Like I always do, nilibot ko ang tingin ko sa buong silid. The piled up books and papers, the wide table and the main chair in it.

Nakita kong muli ang isang blue print na ilang araw ko ring nakikita ruon. A phone and a loptop was place neatly on the table like it always was. Funny how frequent I am here but I wasn't able to memorize every little thing here. Dahil sino ba ang lolokohin ko? Hindi naman talaga iyon ang gusto kong kabisaduhin.

Nilapitan ko nang mas maigi ang bukas na salaming pinto. And there, like the coldness of the breezing air, I met those familiar eyes that I haven't seen before. Those cold, intimidating looks that will make you ask yourself kung anong mali sayo. His brows are well furrowed and his jaw are well defined.

I saw how his serious expression turned into playful and devilish look na ipinakita niya kanina sa labas. Napa atras ako ng maramdaman ang sobrang bilis at lakas na kabog ng puso ko. Tila pinipiga ito sa sakit na nararamdaman making me out of breath.

Akala ko ay planado ko na lahat, pero heto siya at sinisira ang lakas ng loob na binuo ko sa sarili ko. Seeing him and thinking about Ate Celest makes my heart ache more. Kahit kailan ay hindi ako nakaramdam ng ganitong inggit sa buong buhay ko, not with her, not with ate Celest.

Kung bakit pa kasi hinayaan ko ang sarili ko na mahulog ng ganito? There's no turning back Ava.

"I've waited for you."

His voice shook me into immobility. Ang kaninang pinal na desisyon ko ay napalitan ng isang atras ng aking mga paa. I hardened my grip into the pencil that I was holding. The loose hair are now dancing in unison due to the strong air. Kita ang pag kurap ng langit dahil sa kidlat ngunit hindi naman ito naglilikha ng kulog.

Like me, gustong gustong sumabog ngunit walang ibang maipakita kundi ang nanghihinang sarili ko sa kaniya.

I swallowed the bulge on my throat but it didn't go away.

"M-makinig ka sa mga sasabihin ko," Hindi ko halos makilala ang tinig ko sa panginginig at walang kontrol ko rito.

His brows shot up. Isang hakbang ang ginawa niya ngunit nahinto ito ng marinig niya ako. His eyes turned confused. Sa loob-loob ko ay nagpasalamat ako sa paghinto niya. Hindi ko kakayanin kung magkalapit pa kaming dalawa. Nangangatal ang tuhod ko at halos maramdaman ko sa buong katawan ko ang yanig ng puso ko.

Kunot ang kaniyang noo at tila gulong gulo sa gusto kong mangyari at tinatantya ang lahat ng kilos ko.

"Don't." Napa riin ng pagkakasabi nun at parang haos idura niya ang pait ng tono nito.

Umawang ang labi ko ng makita ang galit niyang ekspresyon. Nanlamig ang buong pagkatao ko ng sobra-sobra. Sabayan pa ng malakas na hangin na tumatama sa balkonahe.

Pushing Limits [COMPLETED] MDV Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon