Kabanata 49

562 14 3
                                    

Kabanata 49 

Hatid.

"Are you okay?"  

I worriedly ask the guy though he looks fine because the side of his lips are almost hanging to his ears.  

"Fine." he grinned. 

Isang lingon ang ginawad ko kay Levi na papalayo sa amin. Nakita kong sinalubong siya ng babae at may iba pang sinabi ngunit inihagis niya lang ang bola sa tubig at hindi man lang nilingon ang babae. 

Is he out of his mind? Anong sabi niya? Sinasadya? O baka namali lang ako ng pagkakarinig? 

"That shit hurts." The guy laughed again. 

I looked at him almost judging him. What's wrong with him? Bakit parang galak na galak pa 'tong masaktan? 

He looked at me again while a small grin was on his face. 

"Akala ko ba wala kang boyfriend?" 

"Wala nga." 

He chuckled and rolled his eyes. I remained grim looking at him. 

"Wag ako. Tinanong kita kung may boyfriend ka, kasi yung tinititigan mo simula ng lumapit ako sa'yo parang pinapatay na'ko sa isip pa lang niya." 

I furrowed my eyebrows to let him know that his words made me confused. 

"Nevermind. Don't get me wrong. Hindi kita type." 

I gasped how straight forward he is. 

"Wala naman akong sinabing type mo'ko." 

"Yeah, pero yung boyfriend mo type ko." 

My eyes turned OO hearing him. Ano raw? Sino ang type niya?

"Wala akong boyfriend." 

He licked his lip once and lay to the lounger beside me. Sinuot muli ang sunglass niya. 

"Sige na, sa'yo na'yun. Hahanap na lang ako ng akin." 

Sobrang confident ng boses niya na tila pagmamay-ari niya si Levi at nagpapaubaya na lamang sa akin. Sa sobrang hindi ko maproseso ang kaniyang sinabi ay hindi ako nakapag salita at nakakilos sa aking pwesto. 

"But at least thank me. Kung hindi mo nga boyfriend yun, baka mamaya oo." 

"What?" 

He just gave me smile and proceed to his cool posture. Hindi ako makapaniwala. I'm not being judgemental or so. Marami na akong nakilalang katulad niya pero hindi talaga halata sa kaniya na lalaki pala ang gusto niya. 

"I'm Ethan. You are?" 

Natigil ako sa paninitig sa kaniya ng bigla ulit siyang magsalita. 

"Ava- C-Cyreese, pala."

Wala ko sa sariling sabi dahil nahihiya ako dahil sa mga nangyari. Lalo na sa ginawa sa kaniya ni Levi. Ano kayang problema ng isang iyon? 

"Ava, then. See you around." 

I just shrugged my shoulders and decided to get out of the scene even though I don't like being called in my first name. Hindi ko alam kung dahil uminit na ba ang panahon at tila bumigat na ang pakiramdam ko at parang napagod ako sa mga sandaling nangyari. 

Kinagabihan ay ikinulong ko ang sarili ko sa kwartong ibinigay sa akin. Hanggang sa mag umaga ay hindi pa rin ako nagdesisyon na lumabas para man lang kumain. I'm afraid that I might see him with his girl again. Natatakot ako na maipakita ko sa kaniya kung gaano ako hindi natutuwa na masaya na siya. Gayong sa kaloob-looban ko ay iyon naman talaga dapat ang gawin ko, ang hayaan siyang maging masaya kahit hindi sa piling ko. 

Pushing Limits [COMPLETED] MDV Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon