Kabanata 23

614 23 4
                                    

Kabanata 23

Waiting


unkown:

Good morning. Eat your breakfast before anything else. This is Levi, save this number.

I smiled as I read his text when I woke up. Kagaya ng sinabi niya kagabi ay maaga nga siyang umalis at hindi ko na siya naabutan. It was quarter to 8 already when I woke up this morning.

Nagtipa ako upang sagutin siya.

Me:

Good morning. Mag iingat ka.

I bit my lip. Hindi ko inaasahang darating kami sa puntong ganito. I don't know how he pursued me to have his phone. Basta ang alam ko ay sa loob ng ilang linggo na wala siya ay ganito ang magiging set up namin.

I did my usual routine every morning, matapos kong mag almusal at kamustahin ang mga halaman ay naligo na ako at inihanda ang mga gamit para sa pagpasok.

I trailed the white sand shoreline of the Solidad's. Para marating ang bahay nila Oli ay kinakailangan kong tawirin ang mga punong kahoy na nag paparte sa lupa ng mga Solidad at sa mga kabahayan rito, kung saan mas higit na malayo sila kesa sa dagat. Tabi tabi ang ilang bahay ruon.

Dinungaw ko ang pintuan ng bahay nila Oli na nakabukas at tila walang tao.

Hindi pa ako nagsasalita ay lumabas na roon ang nanay ni Oli na may dalang mga damit. Tila gulat ito ng makita niya ako.

"Oh Cyreese? Naparito ka." Lamig na sabi nito sa akin.

"Si Oli po ba nariyan?"

Tila nag bago ang kanina lang ay maaliwalas na mukha nito, at sumama ang ekspresyon.

"Nandoon sa asawa niya."

"Ho!?" Halos malaglag ang panga ko sa narinig ko. Paanong? Asawa? Si Oli? Isang buwan lamang kaming nagkita at nagkaroon na siya ng asawa, paano nangyari iyon?

"Hindi mo ba alam Cyreese? Nandoon sila sa kabilang bayan, kasama ang asawa niya."

"K-kasal na po si Oli?" Andami kong gustong itanong ngunit iyon lamang ang lumabas sa bibig ko.

"Hindi. Pero doon narin papunta iyon. Kaya ikaw Cyreese mag-aral ka muna, huwag kang magpapa buntis, at sayang ang mga pangarap mo!" Hindi ko mahanap ang mga salita sa isip ko sa mga sinabi ng nanay ni Oli, buntis? Sino?

Dinabog-dabog na nito ang mga planggana sa labas nila at magsisimula na atang maglaba.

"Sige po, salamat po." Iyon na lamang ang nasabi ko at umuwi na.

How the hell did that happen? Iyon ba ang problema ni Oli kaya't wala siya sa kaniyang sarili nitong mga nakaraang araw? Naka buntis siya? Pero wala naman siyang nobya, o hindi niya lang ito sinasabi sa akin.

Buong pag-aalala ang laman ng isip ko habang tinatahak ko ang daan pabalik sa mansion. Gusto kong kausapin ang kaibigan at paniguradong kailangan niya ng mapagsasabihan ng kaniyang problema. I feel guilty knowing that I did not do my part as his friend, hindi ko nalang maisip ang sitwasyon niya noong mga panahon na kinakailangan niya ng mapagsasabihan ngunit wala ako o di kaya'y hindi ko siya kinumbinsi na sabihin sa akin ang problema niya.

But if it's true then that's a blessing. But in the latter part, it'll be hard for him cause he's young, mabuti nalang at makakapagtapos na siya ngayong taon sa senior high school.

Levi:

My brother will pick you up. You take care at your work.

Pumikit ako ng mariin, pinaghalong saya at pagkadismaya ang naramdaman ko. He's so thoughtful but being with his brother? I don't know what to say.

Pushing Limits [COMPLETED] MDV Series #1Where stories live. Discover now