Kabanata 43

642 21 0
                                    

Kabanata 43

Shot


Inuwi niya muna ako sa condo ko para makakuha ng gamit at ng aking susuutin. Like what he said, nakita kong nakaparada sa usual spot ang kotse ko. My phone was unusually calm, I expected to be bombarded with calls and texts but for some reason, kalmado naman ang lahat at mukhang ako lang itong lumulutang sa ere. Sandali lang ang ginugol naming oras sa condo at sabay na ulit kaming nagtungo sa VREC.

It was just about a quarter of lunch time when we arrived. Ibang-iba sa senaryo na madalas kong gawin sa tuwing papasok rito. Levi... holding my hand entering his building. Hindi magkamayaw ang mga tao nang makita kaming magkasama. Gusto kong kainin ng lupa sa mga tingin at bulungan nila ngunit si Levi ay parang normal lang sa kaniya ang lahat. He's usual intimidating aura is flaunting.

Ngiting-ngiti kaming sinalubong ng secretary niya sa floor. Lalaking around thirties na ito at agad na iniisa-isa ang mga schedule ni Levi kahit na hindi pa man siya nakakapasok sa kaniyang opisina. For some reasons ay parang napanatag ako na makitang lalaki ang secretary niya.

Tinanggal ko ang kamay niya sa akin para sana hayaan na siya roon dahil tutungo na ako sa office ngunit binalingan niya ako. Nahinto sa pagsasalita ang kaniyang secretary.

"Pupunta na ako sa office."

Nilipat niya ang tingin sa aking office, ito nga pala ang unang pagkakataon na makikita niya ako rito.

"Stall some blinds to her office. Masyadong open."

Niugyog ko ang kamay niya at umangal. Hindi ba talaga siya titigil sa mga dali niyang ganito?

"Levi- " Nahinto ako at napatingin sa mga taong nakapaligid sa amin lalo na sa secretary niya.

"S-Sir Levi, I'm alright. Hindi na nga dapat ako nandirito. I'm not demanding anything."

Ngumuso siya. halatang itinatago ang ngiti sa kaniyang mga labi. Niyugyog ko ulit ang mga kamay namin para bumitaw na siya ngunit nagpaalam lang siya sa kaniyang secretary at iginiya sa akin ang office ko.

"I have a meeting with some of the investors. Call me if you need anything."

"I don't need anything. Nagtatrabaho ako rito, kaya't magtrabaho karin Engineer Vidalio."

Panunuya ko sa kaniya binibigyang diin ang huling sinabi at tinungo ang table para maupo na roon.

Nangisi naman siya sa aking tinuran.

"Alright, Architect Suarez." Balik niya sa aking pang aasar. How I wish I really am.

"I'm not yet an Architect."

"Soon to be... Architect Vidalio then?"

Umawang ang labi ko. My heart fluttered on what he just said. Kaninang umaga pa siyang ganito. I'm not good in handling this kind of situation. If he's joking, that's not a good one. Humalukipkip lamang ako at nagpanggap na walang narinig.

"By the way, about the... thing we talked about last night?" Pag iiba ko ng usapan.

He casually nodded and reach the gap between us. Sumandal siya sa lamesa habang nakaharap sa akin. Bahagya akong natingala mula sa swivel chair dahil sa pagtayo niya sa aking harapan.

"I'll call those men I hired regarding that. Give me time, hmm?"

He hired some for that? Parang ngayon lang pumasok sa isip ko na hindi basta-basta ang nangyari noon. At kung talagang ang nanay niya nga ang gumawa nun ay matagal na dapat itong nakulong. But who knows? I'll see when I got the details.

Pushing Limits [COMPLETED] MDV Series #1Where stories live. Discover now