Kabanata 3

1.2K 87 8
                                    

Kabanata 3

May I see


Hindi ko alam kung pang ilang beses ko nang inikot ang paningin ko sa lugar na ito mula sa kinauupuan ko ngayon, tanging ang iilang kalansing lamang ng mga pinggan at kung ano pa man ang naririnig ko mula sa katahimikan naming dalawa.

Nagtama ulit ang paningin namin at tila ba napaso ako kung kaya't iniwas ko ulit ang tingin ko. How many times did i do that? I've lost my count.

Halos trenta minutos na siguro kaming nakaupo dito sa isa sa mga lamesa ng coffee shop na ilang kanto lamang mula sa pinanggalingan namin kanina. Buong akala ko ay sa prisinto niya na ako idederetso ngunit ang laki ng ginhawa ko dahil dito niya ako dinala.

Hindi ko rin alam kung bakit niya ko dinala rito ngunit kung ano pa man iyon ay wala na akong pakialam, ang importante ay may panahon pa akong mag makaawa sa kaniya dahil hindi ko na alam pa ang gagawin ko kung makarating nanaman sa mga Solidad ang nangyari. Ni hindi pa nga ako nakakahingi ng tawad sa aksidenteng nangyari, ngayon naman ay bibigyan ko naman sila ng panibagong kahihiyan.

"Who are you?" Nagitla naman ako ng bigla siyang magsalita.

"H-ha?" The crack of my voice was so clear. Kaya nang umismid siya ng marinig niya yun ay hindi na ako nakapag isip.

"Patawarin mo na ako. Hindi na ulit ako pupunta dun magtiwala ka sa akin, wag mo lang akong ipa-kulong. Malalagot ako pag nalaman ng mga Solidad na--" Nagsusumamo kong sabi sa kaniya at hindi ko na nagawang ituloy pa dahil mukhang hindi ko na nagawang kontrolin pa ang mga salita sa bibig ko dahil pribadong tao ang mga Solidad at hindi ko sila basta pwedeng basta nalang ipagsabi sa iba.

Hindi ko na naisip lahat, basta ang importante sakin ay hindi ito makarating sa mga Solidad.

He stared at me with a bored look when a slight smile crept on his face and he started to laugh.

Hindi ko naman napigilan ang pagkunot ng noo ko sa ginawa niya dahil parang kanina lamang ay halos magyelo ako sa takot sa kaniya, ngayon naman ay heto siya at tumatawa.

He slightly touched the bridge of his nose and licked his lips then looked at me blankly.

"Why should I forgive you, then?"

Tila nanghahamon niya pa na sabi sakin. Napayuko na lamang ako at tila ba sumusuko na lamang sa gusto kong mangyari. If only I knew something like this would happen I should't have gone there.

Isang buntong hininga na lamang ang pinakawalan ko and when I felt the heat in my eyes I immediately turned my head so he would not see it.

Naiinis ko sa sarili ko. I feel so drained after everything that happened since last night and here I am, tried to convince someone but gave up. I did go there yes, pero kung alam ko lang na may mga gusali na pala na ginagawa roon ay hindi ako magpupunta. I was just trying to...rest.

Dali-dali kong pinunasan ang mga tumulong luha sa mata ko kahit na alam ko namang nakita niya ay pinilit ko paring magkunwari na parang walang nangyari. If this is what I have to suffer for that mistake then I don't have a choice but to take it.

"S-sige." Gusto ko mang dagdagan pa ang mga salita ko ngunit hindi ko na kaya pang pigilan ang nag uumupaw na nararamdaman ko, magkahalong pagod, sakit, pag-aalala, at lungkot.

Sunod-sunod ang lunok ko sabay ng kaba sa akin dahil hindi ko na alam kung ano na ang sunod kong gagawin.

We're both silent for how many seconds at ramdam ko ang matamtam na tingin niya sa akin. Hindi ko siya magawang tignan dahil nakayuko ako, takot na makita ang totoong nararamdaman.

Pushing Limits [COMPLETED] MDV Series #1Where stories live. Discover now