Kabanata 38

578 22 0
                                    

Kabanata 38

Friends

"What do you mean walang ma trace?"

Ani tita Matilda sa mga awtoridad na ini-hire ng company. It's been weeks of tracing that pero hanggang ngayon ay wala parin silang nakita.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang pinag uusapan pa ang ibang bagay. I'm so out of it, halos mawala na nga sa isipan ko ang bagay na iyon. It's still the talk of the town pero hindi ganung katulad sa New York. Marami naman kasi talagang mahalagang bagay na dapat pagtuunan bukod sa buhay ko o buhay ng iba.

"We're still looking for other possibilities, maaring malinis ang pagtatrabaho o wala rito sa bansa ang uploader ng video na iyon."

"But what about Ava's statement? Ang sabi niya ay kilala niya ang lalaki sa video, at nasa Visayas ang tao na iyon? What about that?"

I checked my screen while my some of my glam were fixing my hair for the next batch of shoot. Napanguso ako ng walang reply roon si Levi.

"Nagtungo na po kami roon ngunit wala ang taong nasasaad. Sa ngayon po ay kumikilos na kami para sa bagay na iyon."

"Papaanong sa ibang bansa mangagaling ang video na iyon? Malamang ay plinano ang lahat ng 'to."

Sumandal ako sa high chair habang nakikinig sa pakikipag usap ni tita Matilda. Tinignan ko ang mukha ko, ibang-iba ako kanina. They color my hair blonde, ang maliliit na alon sa buhok ko ay naglikha ng pagkabuhaghag. Well hindi naman ito ang unang pagkakataon na iniba ko ang kulay ng aking buhok para sa isang shoot o project. Medyo nanghinayang lang ako dahil ilang buwan rin akong black long hair at mas gusto ko iyong ganun, natural at simple. I have nothing to do, iyon ang requirement sa project na ito.

"Sa ngayon po ay iyon pa lang po ang lead namin. We'll just report right away if we have another information in line."

"Aba! Siguraduhin niyo lang dahil matatapos na lang kontrata nitong alaga ko e hindi niyo parin yan nangagawan ng paraan." Medyo pagtaas niya ng boses.

"Tita..."

Nilingon ko siyang sandali at ganun rin ang ginawa niya. Nahihiya kong nginitian si Nadine na inaayusan sa kabilang upuan. She mouthed "it's okay" at bumalik sa ginagawa niya. Tipid ko lang nginitian ang tatlong lalaki at bumalik sa aking cellphone.

Levi:

Sorry, I just finished my work out while you're away. I'm going nuts waiting for your replies knowing you're busy.

I plump my lips after reading his text. Drunk make up look ang ginawa sa akin, my cheeks are in full blush, my eyeliners are on fleek. Eye brows are bushy, looking so natural. Glossy lips plus the ash brown contact lenses ay nag mukha na akong ibang lahi.

Me:

It's okay. We'll be done after lunch.

Levi:

I'll pick you up.

God. He's still into this?

Me:

You saw it this morning, walang media or so. No need to bother.

Hindi agad siya nag reply sa sinabi ko, maybe he realized what I just said. Yes, ganyan nga Levi. I don't want to deal with false hopes. Kahit kasinungaling basta galing sayo ay paniniwalaan ko.

Levi:

Let's have some late lunch.

Napapikit ako na mariin. This feels so right. How can I feel so right when this is all wrong. When this was all just pretending? Ayokong umasa ngunit tinataksil ako ng aking sarili. Nakakatakot ang ganitong pakiramdam. Para bang ang saya-saya ko ngayon at malaking sampal ang gagawin sa akin ng realidad kinabukasan.

Pushing Limits [COMPLETED] MDV Series #1Where stories live. Discover now