Kabanata 14

716 34 5
                                    

Kabanata 14

False Hopes

There will always be a time in your life when you desperately ask for something but you will never have a grasp of it. Because as cliche as it will be, some things are not meant for you no matter how much you want it. The only thing that matter is how you accept the reality.

There's this immense silence in his car. I really want to ask him a lot of things but my head is throbbing so bad. My muscles aches and my nose are kind of runny now.

It's Thursday, and I still have a day to survive our hell week. Then after all of this, I have to suffer for our finals and I'll be free.

"I'll bring you to the hospital."

"No."

Nakapikit at nauuntog ng marahan ang ulo ko sa backrest ng kotse niya dahil sa pag andar nito sa lubak na daan ng Mar De Vena.

"I must."

Lumunok ako at nadama ang sakit ng aking lalamunan but still, I opened my eyes to see him.

"Pahinga lang ang kailangan ko."

Ano nalang ang sasabihin ng mga Solidad kapag na ospital nanaman ako?

"Then I'll call the Doctor." Deretso ang tingin niya at madilim ang kaniyang mga mata.

Mabilis ang lingon ko sa kaniya, namumungay ang mga mata kong gustong magreklamo sa sinabi niya.

"Levi,"

I can't explain further dahil wala na akong lakas para roon. I'm silently wishing for him to understand what I want to say.

Nakita ko ang ilang beses na pagkurap niya at ilang segundo ay wala naman siyang sinabi.

Tanaw ko na ang daan patungo sa mansyon ng mga Solidad. Lihim akong nagpasalamat dahil sa wakas ay makakapag pahinga na ako. I thanked him when he opened the door beside me, ni hindi ko na nga napansin na nandoon na siya at kung kailan siya lumabas.

Ewan ko ba, I always have this feeling na madilim ang paligid ko sa tuwing nagkakasakit ako.

Inagaw niya sa akin ang sukbit-sukbit kong bag at hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong i-asta sa kaniya. He was wearing a formal attire at may sukbit-sukbit siyang bag. Para siyang nagsundo ng kaniyang nakababatang kapatid. I chuckled.

"What so funny Ava?" He said holding the door open.

Nginitian ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad at nilagpasan siya. Nakita ko ang pagsilip sa entrada ni Nanay Celia at ang paglipat niya ng tingin kay Levi. I can only imagine Nanay Celia's thought about how cute he looks right now.

Sinalubong ako ni Nanay Celia at ng dumampi ang balat niya sa akin ay natigilan siya.

"Naku Cyreese! Mainit ka."

"Okay lang po ako 'nay Celia. Pahinga lang po ang kailangan ko." I assured her.

Nag aalala ang mata niya at lumipat ito sa taong nasa likuran ko. Kita ko ang pagbabago ng mga mata niya, ang kaninang pag-alala ay napalitan ng pagtataka ngunit pinipigilan ang sarili na magtanong pa.

"Siya, magpahinga ka na sa kwarto mo at hahatiran kita ng gamot."

Tumango ako at umalis siya at nagtungo sa kusina. Silence was deafening when she left. Tumalikod ako para makita siya.

I can't believe he's still here. His eyes were blank. I can't see anything from it.

"Salamat. Magpapahinga na ako." Inabot ko ang bag ko na hawak niya ngayon pero iniwas niya ito sa akin.

Pushing Limits [COMPLETED] MDV Series #1Where stories live. Discover now