Kabanata 45

614 17 1
                                    

Kabanata 35

Adress

The investigation goes on. Nakita sa CCTV ang bumaril kay Mariel. Naging mas mabilis ang pagtugis sa mga iyon dahil sa pagtutok na ginawa ng kabi-kabilang kampo. Hindi man kita ang mga mukha nila ay nagkaroon parin ng tyansa na matunton sila dahil sa walang tigil na pag iimbestiga. It took them 4 days to track the gun men and it's colleague, ganun kabilis. The case is considered case close, my company stopped from investigating since the criminals were caught red handed.

"Is it really possible?"

Nilipat ko ang tingin ko kay Lucy. Tinatapos ko ang mga iilang mga paper works ko sa pinasukan kong university. Ilang buwan nalang at tapos na ako, I feel like I'm loosing myself this past months, kabi-kabila ang project at kinailangan kong huminto sa internship na isang malaking kawalan sa akin ngunit ipinagpilitan ni Levi. I can't loose this one.

Tinitigan ko lang si Lucy. She shrugged and continue to watch the news on the television. Binalik ko ang pagtitipa ko sa aking loptop.

"Do you actually believe that this was all a mere coincidence? Like that girl looked exactly like you. Tapos you told me pa na she followed you in some time. You think nanghihingi lang talaga siya ng tulong sa iyo dahil sa nakita niyang mayaman ka na?"

I stopped on what she just said.

Tingin niya ba ay hindi ko naisip iyon? Of course, it did bother me until now. The last few words of Mariel in my arms before she died, iyon ang mas nagpapa gulo sa isipan ko. She mentioned that someone doesn't want me to know whatever that is... pero nahuli na ang may sala at tumigil na ang kumapaniya ko sa imbestigasyon. Sinabing maraming pinag kakautangan si Mariel, pumasok pa nga ito minsan sa isang club para kumita. Been tangled with some married business man kaya't mas lalong nadiin na maraming gustong kumitil sa kaniya.

But for some reasons i just can't shut my mind thinking about it. Pakiramdam ko ay may pananagutan ako sa nangyari, pakiramdam ko ay kung hindi ko mahanap ang sagot sa mga tanong ko hindi ako matatahimik.

"The case is closed. Mas maganda kung manahimik na lang rin ako Lucy."

"But what if, the mind behind all of this is after you? What if this was just all a threat and warning to you? Wala ka bang nakaaway? Or what?"

My mind went blank thinking about what she said. Parang hindi ko maisip na ganun magiging kalala ang sitwasyon. Paano nga kaya kung ako ang isa sa mga gustong tugisin ng utak sa likod ng pagkamatay ni Mariel. Alam kong hindi naman ako gusto ng ibang mga kapwa ko modelo pero normal lang iyon. And I think they will not go that far or even waste their time for me. Lalo ang pumatay? That's evil, pure evilness. Hindi ko maisip na may mga taong kayang gumawa noon dahil sa galit. I understand the loath or anger, pero ang hindi ko maintindihan kung bakit kaya nilang gawin iyon. God forgives, and so we should too.

Ang besides, kung ako nga ang pakay ay para saan? I can't see any supporting details that can justify my worries. Kaya't isang malaking kalokohan.

"I barely had someone to talk to. Bukod kay Olivia, Justine at sa'yo ay wala na akong kaibigan. Paano ako magkakaroon ng kaaway?" I stated to end her questions.

Lumabas ang kapatid ko mula sa pasilyo ng bedroom, kaya't nahinto ang pag uusap naming dalawa. Sinipat niya kami habang nakatindig roon inaayos ang relo sa kaniyang kamay.

"Hey babe! You're going out?" ani ni Lucy.

Walang emosyon ang kaniyang mga mata, para akong kinikalabutan sa tuwing makikita ko ang mga mata niya. I was like looking at myself, parang wala lang ngunit kung huhukayin sa kailaliman ay marami kang matutuklasan.

Pushing Limits [COMPLETED] MDV Series #1Where stories live. Discover now