Kabanata 2

1.5K 97 22
                                    

Kabanata 2

Stop


Nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa akin, I blinked my eyes for a couple of times until I've finally adjust my sight into a luminous light.

Ramdam ko ang bigat ng aking katawan at ang sakit ng aking ulo. Hindi ako pamilyar sa lugar kung nasaan ako ngunit nang makita ko ang mga aparato na katabi ko ay nalaman ko na. Hindi malinaw sa akin kung paano ako nakarating rito, hindi rin malinaw sa isipan ko ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay.

"Cyreese! Thank God you're okay. " Napalingon ako sa pintuan ng may tinig ako na narinig mula rito.

"Ate Celest." hindi ko inaasahang nabanggit. Isang magarang pares ng damit ang bumabalot sa katawan niya at hindi ko man kilala at siguradong sikat at mamahaling damit ito. Papaanong nandito siya?

Tila ba narinig niya ang tanong ko sa sarili ko at sinagot niya ito.

"Levi called mom when the incident happened. Hindi na sila nakapunta dahil maaga ang flight nila at ako nalang naiwan mabuti nalang afternoon pa ang flight ko dahil may tinatapos pa akong project. How are you feeling? Do you need something?" Sunod sunod niyang sabi at halatang nag aalala pa sa akin.

Sinundan ko ang kamay niyang humaplos sa aking kamay.

Hindi ko naman maiwasang makadama ng saya sa puso ko, hindi ko alam kung kailan pa huling may nag alala sa akin ng ganito simula ng nawala ang inay at itay kung kaya ngayon ay talagang lumalambot ang puso ko.

Sanay na ako sa pagiging maalalahanin ni ate Celest, kung ituring niya ako ay para niya akong nakababatang kapatid, kahit na may panahon talaga na seryoso si ate Celest at hindi nakikipag usap at nakakapagmaldita, at naiintindihan ko ito dahil normal lang ito sa mga babae. Kung paano niya namana ang malambot na puso ng kaniyang Ina ay ganun naman din niya namana ang pagiging seryoso ng kaniyang ama.

Paminsan niya nang nakwento sa akin na gusto niyang magkaroon ng kapatid dahil nag iisa lang siyang anak at malungkot daw na parte ito ng buhay niya, sa parteng ito kami nagkasundo dahil kagaya niya ay nag iisa lang rin akong anak at lumaking magulang lang ang kasama.

"Pasensiya na sa abala ate Celest. Huwag na po kayong mag alala at maayos na ang pakiramdam ko. Wala po akong ipangbabayad sa bill ko dito kaya pwede po bang umuwi na ako? "

Nag aalala ko pang sabi na pinutol niya agad.

"No, don't worry about it. Magpahinga ka muna hanggang sa sabihin ng doctor na pwede ka nang umuwi. For now, Levi will be in charge of you hanggang sa makalabas ka dito. I have to catch my flight in a couple of hours kaya siya narin ang maghahatid sayo pauwi." Now that she mentioned it, nahagip ng paningin ko ang isang maletang nakatigil sa tabi ng upuan.

Hindi ko alam na luluwas pala ang pamilyang Solidad pa-Maynila.

Madalas silang lumuluwas dahil sa mga trabaho ngunit wala naman na akong alam kung hanggang kailan ang mga luwas nila na ito, at ngayon, nataunan pa na may nangyari sa akin at kinailangan ko pa silang maabala. Ako na katulong lamang nila.

"Pasensiya na po talaga ate Celest. Pakisabi nalang po kay Ma'am Mira at Sir' na maayos po ako at pasensiya na dahil nagpunta pa ako sa bayan."

Hindi ako makatingin sa mata ni ate Celest habang sinasabi ko iyon, kung hindi na sana ako tumuloy pa kagabi at nagpadala nalang ako sa pakiramdam ko ay wala sana akong naabalang tao.

"No Cyreese, I'm sure mommy will do the same. " pag iling niya lang sa sinabi ko. Sabay kaming napalingon sa pag awang ng pintuan at bumungad doon ang lalaki na hanggang ngayon, palaisipan.

Pushing Limits [COMPLETED] MDV Series #1Where stories live. Discover now