Kabanata 1

1.9K 114 25
                                    

Kabanata 1

Wake up


"Naku, mukhang tuwang tuwa nanaman kayo. Masarap bang madiligan ng matagal?" It was my routine whenever I go out and see the not so big garden around the house of the family Solidad. Nakakatuwa kasi sa tuwing makikita mo ang mga halaman na namumukad at mukhang malulusog dahil sa dumaang ulan.

Mula sa aking kinatatayuan ay tinanaw ko ang payapang dagat na kanina lang ay nagwawala dahil sa malakas na hangin at ulan.

Tama nanaman ng ang hinala ko na titigil rin ang ulan pagsapit ng hapon, dahil nitong mga nakaraang araw ay ganun rin ang nangyari. Sayang lang dahil kinansela pa ang klase.

Few more steps and I was out of the gate. Kung mayroon man akong nagustuhan sa bahay na ito ay ang lokasyon nito, dahil payapa, malapit sa dagat, at sariwa pa ang hangin, malayo sa sibilisasyon na napapanood at nababasa ko. I looked up to see the clear blue sky na para bang walang sama na ibinuhos kanina. Slowly, I spread my arms trying to cease the moment. It was so relaxing that it makes me forget my life for a moment.

I whispered my silent prayers for my mom and dad hoping that they will hear me. Paminsan ay hindi ko padin maiwasan ang mangulila sa kanila, sariwang-sariwa parin sa akin ang mga alala naming pamilya kung paanong masaya kami't sabay-sabay na magsimba, ang pagtatanim namin ng mga halaman, at ang mga pag aalaga ni inay at itay. Pero siguro hindi iyon ang nagpapasikip sa dibdib ko kundi ang katotohanang hindi na yun mauulit pa.

I was all alone. Ilang taon palang pero sobrang lungkot na. Tila ba nabablanko ang utak ko 't daang- daang kwestyon ang dumadaloy sa akin. Hirap isipin kung saan muli ako magsisimula, kung saan nga ba ako patungo, at kung ano nga ba ang mga kailangan kong gawin. Mali ang mainggit sa iba na buo rin ang pamilya, ngunit hindi ko maiwasan, kung pagkakasala nga ito ay gusto ko ng alisin, pero kung mawawala man ito sakin pakiramdam ko ay kakalimutan ko na rin ang mga ala-ala na iniwan nila sa akin.

I wipe my tears and smile trying to make my self better.

"Malungkot lang po ako, 'nay, 'tay. " pagtango ko pa para maibsan ang bigat sa puso ko.

Even though you surrender for how many times now, saying "hindi ko na kaya", at the end of the day, mayroon at mayroon paring magpapa-alala sayo na mas maraming rason para magpatuloy, para manatili.

"Cy! " Agad akong napalingon sa malayo ng makita ko ang pamilyar na pigura na tumatakbo papunta sa akin.

Si Oli lang pala. Kaklase ko siya noong nakaraang taon ngunit ngayon ay hindi na, katabi lamang ng lupa na kinatitirikan ng bahay ng mga Solidad ang bahay nila ngunit medyo malayo padin dahil malawak ang lupain na sakop ng pamilyang Solidad.

He was running so hard that the sand from the shore was shovelled by his feet and some of it accidentally gotten to his eyes. Hindi pa siya nakakalapit ay napayukod siya sa sakit na nararamdaman. Napahagikhik na lamang ako sa hitsura niya at ako na mismo ang lumapit sa kanya.

"Ayos ka lang ba? Bakit ka ba kasi nagmamadali? " hagikhik ko pa habang nakasimangot siyang nagkukusot ng mata. Nagpagpag lamang siya Sandali at nakangusong tumingin sakin.

"Gusto na kitang makita."Sambit niya.

"H-ha? E nagkita naman tayo kahapon." may pagtatakang Sabi ko sa kanya.

Naningkit lamang ang kanyang mata na tila ba may sinisiyasat sa akin, nakipagtitigan lamang ako sa kanya at halata padin sakin ang pagtataka.

Napakibot naman ako dahil biglang nagbago ang kanyang reaksyon, abot langit na ang ngiti niya ngayon.

Pushing Limits [COMPLETED] MDV Series #1Where stories live. Discover now