Chapter 1: MR. KIM'S BODYGUARD

13.4K 151 10
                                    


MIGGY's POV

"Miggy, ihanda ang sasakyan. Parating na si Mr. Kim." Utos sakin ni Hans. Isa sa mga kasamahan kong bodyguard ni Mr. Kim.

"Okay." Sagot ko at agad na pumunta sa kotse. Inistart ko yun at nag antay sa pag dating ni Mr. Kim.

Ako nga pala si Miggy Manoban. Graduate ako sa United States Military Academy. Tinapos ko yung Military course na pina enroll nya sakin at sumali din ako sa mga training ng taekwondo, boxing, archery at shooting. Si Mr. Kim ang nag bayad sa lahat. Sinabi nyang kailangan may pinag aralan ako para madami akong alam sakaling may mga pangyayareng hindi inaasahan. Ako lang din kasi ang sobrang pinagkakatiwalaan ni Mr. Kim dahil si Papa ang dating Personal Bodyguard ng Papa nya noong nabubuhay pa sila.

Nabaril kasi si Papa nung inambush yung sinasakyan ng Family Kim noong 2001. Nacomatose si Papa ng tatlong buwan at dahil sya lang ang pinakamagaling na bodyguard ng Papa ni Mr. Kim ay naging advantage yon ng mga kalaban ng Kim Family, pangalawang buwan na comatose ni Papa ng inatake ulit ng mga kalaban ang pamilya nila, at sa kasamaang palad ay lahat sila namatay. Maliban kay Mr. Rycoh Kim. Yun ang alam ng lahat. Na wala syang anak at asawa dahil sa napatay yon kasama ng ama nya.

Pinalabas nyang wala na sila para protektahan at hindi na sya balikan ng kakumpitensya nila.

Pangatlong buwan naman non ay namatay si Papa. Apat na taong gulang pa lamang ako non. Hindi ako kayang buhayin ni Mama ng mag isa, kinausap nya si Mr. Kim na kung pwede ay suportahan kami. Pero, hindi yun ang gusto nya. Nakipag kasundo sya kay Mama na kukunin ako at pag aaralin sa ibang bansa. Pumayag si Mama dahil wala na syang ibang choice.

Naiwan ni Mr. Rycoh Kim ang mag ina nya dito sa Pilipinas para matahimik na ang buhay nila. Ako, si Mr. Kim at mga bodyguards nya lang ang kasama namin sa pag alis.

Utang ko yung buong buhay ko kay Mr. Kim, kaya gagawin ko ang lahat para protektahan sya. Lahat ng sabihin nya ay susundin ko at hindi ako gagawa ng ikasisira ng tiwala nya.

"Miggy?" Natauhan ako ng mag salita si Mr. Kim.

"May problema ba?" Tanong nya. Nasa loob na pala sya ng kotse.

"Ahm, ang tagal ko na po kasing hindi nakakauwi dito." Sagot ko. Nasa Pilipinas na kasi kami ngayon. Kakarating lang namin galing States. Napag pasyahan nyang umuwi dahil sa malaking project na sisimulan nila ng kumpare nya dito. Sa loob kasi ng 18 years, anim na beses sa isang taon lang sya umuuwi dito at hindi pa ako kasama dahil sa pagkabusy ko sa University na pinapasukan ko.

"Oo nga pala. Mabuti pa, umuwi kana muna sainyo. Bisitahin mo muna ang Mama mo. Sobrang tagal nyo ng hindi nagkikita." Sabi nya.

"Pero Sir--" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng mag salita sya.

"Naka leave ka ng isang linggo. Wag kana mag salita. Bumaba kana at ipapahatid na kita sa bahay nyo." Sabi ni Mr. Kim. Wala na akong magagawa pag nag salita na si Km. Kim.

"Yes sir." Sabi ko nalang at lumabas na sa kotse.

"Tara na Miggy." Sabi ni Ace. Isa sa mga driver ni Mr. Kim.

"Okay." Sabi ko at pumasok na sa kotse.

"Iba ka talaga kay Mr. Kim, ang lakas mo." Pang aasar nya. Tinignan ko lang sya at hindi ako sumagot. Nag simula na syang mag maneho.

The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon