Chapter 20: STRIPE COUPLE

2.4K 48 0
                                    


VENIA's POV

"Gising na couz! May lakad ka ngayon." Sabi ni Twaine habang inaalog alog ako.


"Wala akong lakad ngayon kaya pwede ba patulugin mo pa ako." Sabi ko at nag talukbong ng kumot.

"Okay. Pero kapag may lakad ka ngayon, eto isuot mo. Bagong bili ko pa naman to. Alam ko babagay to sayo kaya suotin mo ha! Pag di ko nakitang suot mo to mamaya, lagot ka sakin." Pag babanta nya saka lumabas ng kwarto.

Hay. Ano bang problema nung pinsan ko? Bakit bigla bigla nalang nag bibigay ng damit ngayon? Ang alam ko kuripot tong taong to. Tapos ngayon may pa damit.

*ring ring

Ugghh! Ang aga aga naman bakit may tumatawag! Kinapa kapa ko yung phone ko sa side table ko. Nakapikit at nakahiga pa din kasi ako sa sobrang antok. Umiyak lang naman kasi ako ng umiyak kagabi sa kwarto ko.


"Hello?" Tanong ko na hindi man lang inaalam kung sino yun.

"Wow. Bedroom voice!" Masiglang pang aasar nya.

"Ano bang problema mo koryanang hilaw?!" Iritang sabi ko ng marealize ko na yung babaeng yon pala yung kausap ko.

"Rhiane! Akin na nga yan!" Rinig kong sigaw ni Miggy kaya napadilat ako.

"Hello. V, kung wala kang ginagawa ngayon pwede bang pumunta ka dito sa bahay?" Tanong nya. Naalala ko naman bigla yung nangyare kagabi kaya nairita nanaman ako.

"At bakit naman kita susundin?!" Tanong ko.

"Kung hindi ka lang naman busy. Gusto sana kitang makasama." Sabi nya na medyo napangiti ako kaso naalala ko galit pala ako.

"Hindi ako pwede ngayon. Busy ako. Madami akong ginagawa at saka andyan naman yang korya--" hindi ko natapos yung sasabihin ko ng hablutin ng snatcher kong pinsan yung phone ko.

"Hello Miggy! Wala syang gagawin ngayon. Sobrang free sya today kaya intayin mo sya dyan. Papunta na to. Okay?" Sabi ni Twaine. Inagaw ko yun pabalik.

"Ganun ba? Okay sige. Nainform ko na din si Hans. Sya daw muna ang mag hahatid sakanya dahil day off ni Ace. Sige na. Bye bye!" Sabi ni Miggy.

"Teka! Hello! Hindi ako pumapayag!" Sigaw ko pero

*toot toot

Yan ang sumagot sa sinabi ko.

"Hey couz! Maligo kana at isuot mo tong damit na binigay ko. Gusto kong makita yung itsura mo habang suot yan. Minsan lang to kaya wag kana mag reklamo. Intayin kita sa baba." Sabi nya at lumabas na ng kwarto ko. Hays!

Pag tapos ko maligo at mag ayos wala na akong nagawa kundi isuot yung damit at pupunta kila Miggy. Pahamak naman kasi tong pinsan ko e. Bumaba na ako pero himdi ko nakita si Twaine.

"Princess, tara na." Sabi ni Hans na nag aantay sa living room.

"Si Twaine nasaan?" Tanong ko.

"May importanteng pupuntahan daw kaya ikaw na lang daw ang ihatid ko." Sabi nya at nag lakad na palabas ng mansyon. Sinundan ko sya at wala na akong nagawa.

Kainis talaga tong si Twaine e! Pag bubuhulin ko sila ng koryanang hilaw na yon e! Pareho nilang pinapasakit ulo ko.

Pag dating ko sa bahay nila Miggy, pinapasok agad ako ng koryanang hilaw na yon.

"Nasan si Miggy?" Tanong ko.

"In her room." Sagot nya. Bumukas naman yung pinto ng kwarto ni Miggy.

"Rhiane? Ilalabas ko na ba tong mga gamit mo?" Tanong nya.

"Yes Please." Sagot netong kaharap ko.

Pumasok naman ulit si Miggy sa kwarto nya at maya maya lumabas din to agad na may dala dalang maleta.

"Wait? Kanino yan?" Kabadong tanong ko.

"It's mine." Nakangiting sagot ni hilaw.

"I'll go back to my family and explain everything. They want to say sorry personally to me. And I guess I'll stay there for a long time. So that's a good news right?" Nakangiting sabi nya pero malungkot naman yung mga mata nya.

"Matagal kitang hindi makikita. Anong good news don?" Tanong ni Miggy palabas ng kwarto nya na may bitbit na bag. Pinatong nya yun sa maleta at naupo sa dining area nila. Ako nasa sofa tapos si Rhiane nakasandal sa ref.

"Don't worry, I'll be back at the right time. I have to fix my relationship with my parents and after that we'll meet again. I'm really thankful that I have a good friend like you Miggy, and for being my wife I will never ever regret that. I will always miss you, I will miss my best friend Miggy!" Sabi ni Rhiane na umiyak na. Lumapit naman agad sakanya si Miggy at niyakap sya.

"Mamimiss din kita. Sobra! Nasanay na ko kasama ka dito, nasanay na ko katabi ka matulog. Huhuhu." Ngayon pati si Miggy umiiyak nya.

"Masaya ako na nakabonding kita kagabi kahit last na yon, sa ngayon." Dagdag pa ni Miggy.

"Thank you for saying yes, even if Tita got mad at us because you collapsed after the party." Sabi ni Rhiane. So pinag uusapan pala nila yung nangyare kagabe. Teka?! Nag collapse si Miggy?!

"Okay lang naman ako. Sobrang pagod lang siguro. And sobrang enjoy! Kahit may mangyareng masama sakin, kung yun naman yung last na makakabonding kita mas pipiliin kita kesa sa mangyayare sakin." Sabi ni Miggy na ikinaasar ko.

"Hoy Manoban! Hindi ko sinacrifice yung takot ko para lang dyan sa koryanang hilaw na yan ah! Kung mag kakasakit ka ulit sayang effort ko sa pag bibigay sayo ng dugo ko!" Inis na sabi ko sakanya.

"Gusto mo bang ibalik ko sayo?" Pang aasar na tanong nya. Nag init naman yung ulo ko sa narinig ko. Mag sasalita na dapat ako kaso nag salita yung koryanang hilaw e.

"Hey! Stop it. She own you now Miggy. Her blood is running on your veins. Be careful on teasing her, her blood will surely get their revenge for her. Hahaha." Pang aasar din ng isang to.

"Ganun? Mukhang wala na nga akong takas sa babaeng to. Pag mamayari mo na nga talaga ako at ang buong puso at katawan ko. Tara sa kwarto at ibibigay ko sayo ang lahat lahat." Sabi ni Miggy na parang hindi nahihiya sa pinag sasabi nya. Ako yung nahiya kaya yumuko ako parang namumula na kasi yung pisngi ko sa pinag sasabi nya.

"Hahahaha. Narinig ko yon!" Pang aasar ng kakarating lang na si Twaine at nag tawanan sila.

"Oh?" Sabi nya na parang di makapaniwala habang tinuturo yung suot naming damit ni Miggy.

"Bagay sainyo!" Sabi nya sabay thumbs up.

"I have a good taste at choosing right?" Nakangiting tanong ng koryanang hilaw.

"Bilib ako sayo." Pag sang ayon ni Twaine.

"So kayong dalawa pala may pakana neto?" Tanong ni Miggy.

"Yes! STRIPE COUPLE!" Sabay na sabi nila.

"Ano bang trip nyo?" Inis na tanong ko.

"Ihahatid ko si Rhiane sa airport tapos kayong dalawa naman ay mag dedate." Sabi ni Twaine.

"Huh? Di ba sabi mo, ihahatid ka namin? Dapat kasama kami." Sabi ni Miggy.

"I change my mind. I only want Twaine to go with me so we have quality time before I leave. And the both of you, you really need to talk. I know you missed each other so much so just go wherever you want. Just for this day. Go and date! Miggy, man up! Your girl is jealous of me. I know she's there last night. And she feels bad. So you better explain your ass out and give her the best date ever." Pag papayo nya. Ikinagulat ko naman yung sinabi nyang nandun ako kagabe. So alam nya pala. Hays! Bakit lagi nalang may alam tong babaeng to. At ako selos??


Okay. Oo selos nga ako. Hays! Nakakainis naman kasi. Bakit lumalabas sila ng hindi ko alam. Ang daya! Bakit hindi nalang kasi maging kami ni Miggy? Oo nga! Bakit hindi nya pa kasi ako nililigawan??

The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDWhere stories live. Discover now