Chapter 12: SECRET DATE

2.8K 62 1
                                    


VENIA's POV

"Couz, tara. Labas naman tayo. Ilang araw kana nag mumukmok dito. Gusto mo bang mabulok sa loob ng kwarto?" Sabi ni Twaine at naupo sa dulo ng kama ko.

Nag talukbong ako ng kumot. Lumapit sya sakin at tinanggal yon sa mukha ko.

"Ayokong lumabas. Wala na si Miggy. Ayokong iba nag babantay sakin. Gusto ko sya lang yung kasama ko." Sabi ko at nag talukbong uli.

"Saka wala akong gana. Tinatamad ako." Sabi ko. Hindi na sya nag salita at narinig ko nalang yung pag sarado ng pinto.


Makakatulog na sana ako ng may kumatok sa pinto ko.

"Ms. Kim, kakain na po." Sabi ng maid.

"Ayokong kumain!" Sigaw ko. Akala ko umalis na sya pero maya maya lang bumukas yung pinto.

"Princess, pumasok na ako ha." Sabi ni Bambi. Tinignan ko sya at sya may dala ng tray ng pagkain.


Pinatong nya yon sa side table at naupo sa gilid ng kama ko.

"Kagabi ka pa daw hindi kumakain." Mahinahong sabi nya.

"Wala akong gana." Sabi ko.

"Pero kailangan mong kumain." Sabi nya.

"Ayoko." Sabi ko at tumalikod sakanya.

"Narinig ko lahat. Kung anong nangyare nung gabing yon. Sorry. Hindi ko din alam na ipipilit kang ipakasal sakin kahit hindi mo naman pala gusto." Sabi nya. So he's there.

"Nasasaktan tuloy kita ngayon. Princess, matagal na kitang gusto. At ayokong nasasaktan ka. Paunti unti, gagawa ako ng paraan para hindi matuloy yung kasal natin. Ayokong mag hirap ka, kahit gusto kitang pakasalan dapat hindi yung napipilitan ka lang." Sabi nya na ikinagaan ng loob ko kahit papaano.

"Sige na, kumain kana." Sabi nya. Humarap ako sakanya.

"Gagawin mo ba talaga yon?" Tanong ko.

"Oo naman. Lahat gagawin ko para sayo. Kung hindi man kayo mag katuluyan ni Miggy kung sakali man. Pwede bang ako nalang pakasalan mo?" Tanong nya.

"Nag bibiro ka nanaman." Sabi ko at naupo sa tabi nya.

"Kapag narealize mong hindi pala kayo para sa isa't isa, pwede bang ako nalang piliin mo. Kasi, kapag nangyare yun hindi ko na kakayanin kung sa iba ka pa mapunta." Malungkot na sabi nya.

Sobrang sure na ako kay Miggy at hindi na yon mag babago pa. Kaya sigurado akong hindi na ako mag mamahal pa ng iba.

Hinawakan ko yung kamay nya. Ngumiti sya at binalik sakin yon.

"Sige na. Kumain kana at aalis na ako. Basta kapag may nangyareng hindi maganda, lagi akong dadating para sayo." Sabi nya at lumabas na sya ng kwarto ko.


Dahil sa sinabi nya, may chance pa para mag katuluyan kami ni Miggy. He's really an angel. Sana nga mapigilan nya yung kasal namin.



Kumain na ako ng kaunti at nahiga ulit. Wala talaga akong gana lumabas. Ilang araw ko ng kina-cancel yung meetings ko. Hindi rin ako sumasama sa lahat ng event na pinupuntahan nila. Pinalabas pa nilang may sakit ako para hindi malaman yung mga nangyare nung gabi na yon.

The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon