Chapter 7: GUN SHOT

3.1K 73 0
                                    


VENIA's POV

"Aalis muna ako Mom. Kasama ko naman si Miggy kaya okay lang ako." Sabi ko.

"Isama nyo si Ace. Sya na mag dadrive." Sabi ni Mommy.

"I know Miggy can drive." Di ko pag sang ayon.

"No. Ace is better. Miggy, sabihan mo si Ace na ipag drive kayo." Utos nya kay Miggy.

"Yes Madam." Sagot ni Miggy at lumabas na.

Hindi na ako kumontra at umalis na kami.

"Sa mall lang ba tayo pupunta Miggy?" Tanong nung Ace.

"V, sa mall?" Tanong nya sakin.

"Hindi. Sa bahay ni Twaine. Gusto ko syang makita." Sabi ko.

"Saan daw?" Tanong ni Ace.

"Kung san tayo nag hanap. Dun malapit samin." Sabi ni Miggy.

"Okay." Sagot lang nung Ace.

Pag daan namin sa kanto nila Miggy, may mga police sa labas na nag uusap usap.

"Teka lang, makikibalita ako." Sabi ni Miggy.

"Sasama ako." Sabi ko at lumabas kami.

"Sir, ano pong nangyare?" Tanong ni Miggy.

"Oh, Miggy ikaw pala yan. Hmm, ang sabi may nag barilan daw dito kanina. Pero hindi pa din namin nakikita yung dalawang taong may dalang baril." Sabi nung lalaking kamukha ni Junhoe ng iKON.

"Bakit nandito ka? Delikado ang lugar na to para sayo ngayon." Sabi naman nung isa pang police at hinawakan si Miggy sa balikat. Teka, may kamukha din syang kpop idol. Si Jinhwan ng iKON din. Aba, iba tong mga kakilala ni Miggy ah, mga idol.

"Mga sir, hulihin nyo agad yung mga kriminal. Dito nakatira yung Mama ko, ayokong mapahamak sya." Sabi ni Miggy.

"Wag ka mag alala, mga police nag babantay na dito." Sabi nung kamukha ni Junhoe.

"Sir! Mga sir! Yung mga lalaki nag babarilan nanaman." Sabi nung lalaking natataranta.

"Saan?!" Agad naman nag labas ng baril yung dalawang police at nag tatakbo na.

Hinila ako ni Miggy papasok ng kotse.

"Dito ka lang." sabi nya sakin.

"Ace, mag maneho kana. Umalis na kayo! Iuwi mo na muna sya." Utos nya.

"Teka bakit?!" Naguguluhang tanong ni Ace.

"Basta." Sabi nya lang at sinarado na yung pintuan at tumakbo na din papunta dun sa dinaanan nung mga police.

"Mag drive ka! Sundan mo sya." Utos ko kay Ace.

"Pero Maam--" pag tutol nya.

"Sundan mo sya sabi baka mapano sya!" Sigaw ko. Agad naman sumunod sakin yung Ace at nag drive na nga sya.

Ilang segundo lang nakakalipas ng makarinig kami ng ilang sunod sunod na putok.

"Hays! Bakit kasi nakialam ka pa Miggy e." Pag kausap ni Ace sa sarili nya.

"Bilisan mo baka may mangyare sakanya." Sabi ko. Bumilis naman yung kotse. Pero medyo mahirap dumaan kasi masikip yung lugar.

May narinig kaming tatlong mag kakasunod na putok tapos may nag takbuhan papunta sa lugar namin.

The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDWhere stories live. Discover now