Chapter 18: GONE MISSING

2.5K 45 3
                                    

MIGGY's POV

"Miggy, umuwi kana muna at mag pahinga. Ilang araw ka ng walang tulog." Sabi ni Mama. Nandito kasi kami ngayon sa burol ni Mr. Kim. Tumutulong si Mama kina Venia at Mrs. Kim sa pag asikaso sa mga bisita. Ako naman laging nakabantay kasama sina Hans at iba pang bodyguard.

"Hindi pwede ma. Nangako ako kay Mr. Kim na babantayan ko ang pamilya nya." Sabi ko.

"Anak, ano ba naman ang isang araw na pahinga? Kung mag kasakit ka, mas lalong hindi mo sila mababantayan. Kaya mabuti pa umuwi kana muna. Tanghali pa naman, at nandyan din si Bambi para mag bantay." Pag pilit ni Mama. Kaya wala na akong nagawa kundi pumayag.

"Sige Ma. Mag papaalam lang muna ako kay Venia." Sabi ko at pinuntahan ko muna si V bago umalis.

"V, oh. Kumain ka muna." Sabi ko at inabutan sya ng sandwich.

"Salamat." Kinuha naman nya yun at sinimulan ng kainin.

"Alam mo, nung mga panahon na kasama ko si Mr. Kim, lagi nyang sinasabi sakin kung gaano ka kaganda at sakanya ka daw nag mana, kung gaano ka nya kamahal, at sobrang namimiss kana nya." Sabi ko. Naluha naman sya bigla.

"Sobrang mahal ka nya V. Tuwing may okasyon hindi nya nakakalimutan na padalhan ka ng regalo lalo na tuwing birthday mo. Ako nga laging taga pag padala non e. Hindi ka nawala sa isip nya V. Kung pwede nga lang talaga na lagi syang nasa tabi mo, ginawa nya na e." Tuloy tuloy na sabi ko pa.

"Alam mo ba yung rason kung bakit umalis sya dito? Yung totoong rason?" Tanong ko. Napatingin naman sya sakin.

"May iba pa ba maliban sa gusto nya kaming protektahan?" Tanong nya.

"May nag padala sakanya ng sulat noon, na matatahimik lang daw ang buhay nyo kapag umalis ng bansa si Mr. Kim. Kapag lumayo sya sainyo, matatahimik daw ang buhay nyo. Hanggang ngayon hindi namin alam kung kanino nanggaling yung sulat na yon. At nung bago kami umuwi dito ay may nag padala ulit ng sulat sakanya na 'hindi matatapos hanggat hindi nauubos ang pamilya mo'. Kaya nag pasya na syang bumalik sainyo para masiguradong ligtas kayo." Paliwanag ko. Napaiyak naman si V. Hinawakan ko sya sa kamay.

"Sinabi ko to sayo lahat kahit na ayaw ni Mr. Kim na ipaalam ko sayo. Pero kailangan mo na talagang malaman yon." Sabi ko.

"Salamat Miggy. Naging mabuti ka sa pamilya namin." Sabi nya at sinandal yung ulo nya sa balikat ko.

"Naging mabuti din naman kasi ang pamilya mo samin." Sagot ko.

"Teka, umuwi kana muna. Mag pahinga ka. Ilang araw ka na walang tulog. Mag kakasakit ka nyan." Bigla nyang sabi.

"Oo nga pala. Pinapauwi ako ni Mama." Sabi ko at tumayo na. Nag paalam na muna ako sa kanya at kay Mrs. Kim saka ako umalis.

Pero hindi pa ako nakakaramdam ng pagod at sobrang lungkot pa din ng mga araw na dumadaan ay hindi muna ako umuwi.

*ring ring

"Where are you? Your mom said you'll go home." Tanong ni Rhiane.


"Mag papalipas lang muna ng lungkot. Mamaya uuwi din ako." Sabi ko at inend na yung call.

--

VENIA's POV

"Ace, pwede ba kong humiling sayo?" Tanong ng mama ni Miggy.

"Ano po yun Tita?" Tanong naman ni Ace na nasa malapit lang sakin kaya medyo rinig ko yung pinag uusapan nila.

"Pasundo naman si Rhiane, hahanapin nya daw si Miggy. Hindi pa din daw kasi umuuwi." Nag aalalang sabi ni Tita.

The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDWhere stories live. Discover now