Chapter 13: TRUTH?

2.5K 45 2
                                    


--FLASHBACK--

BAMBI's POV

"Ano pong gusto nyong kainin Tita? Ako na po ang mag luluto para makapag pahinga na kayo." Sabi ko. Nandito ako ngayon sa bahay ng pinsan ko. Sobrang close kasi kami pati ng family nya kaya para na kaming magkapatid.

"Nako. Ako na Bambi, bisita ka dito tapos ikaw pa mag luluto." Pag tanggi nya.

"Tita, para nyo na akong anak kaya dapat lang tumulong ako sainyo dito. Saka gusto ko din mag luto kaya okay lang po." Pag pilit ko.

*ding dong ding dong

"Teka lang ha? Sino kaya yon? Gabi na may bisita pa?" Sabi ni Tita at pumunta sa labas.

Nag tataka din ako kaya sumunod ako sakanya.

"Hi. Goodevening po." Sabi ng isang babae.

"Sino ka?" Tanong ni Tita pag papasok nya sa babae.

"I'm Rhiane Park. Where's Miggy?" Tanong nya. Sa tono ng pananalita nya, parang galing syang ibang bansa.

"Wala dito yung anak ko, nasa trabaho. Ano bang kailangan mo?" Tanong ni Tita.

"What? I heard she's hospitalized because of the gun shot. Why is she working?" Nag aalalang tanong nung Rhiane.

"Mag kaibigan ba kayo ng anak ko? Paano mo sya nakilala? Kasi hindi kita matandaang pinakilala nya sakin e. Lahat naman ng kaibigan nya kilala ko." Seryosong tanong ni Tita.

"Honestly, we're not just friends. I'm her wife." Sabi nung Rhiane na ikinagulat namin pareho ni Tita.

"Ano?! Aba iha, kung mang gogood time ka lang pwede ba umalis kana." Inis na sabi ni Tita.

"But, I'm telling the truth. I'm Miggy's wife." Ulit nung babae.

"Nag kakamali ka lang! Ibang Miggy siguro ang tinutukoy mo, babae ang anak ko! Babae!" Sigaw ni Tita.

"Tita, kalma ka lang." Sabi ko habang inaawat sya. Para kasing susugurin nya na si Rhiane e.

"Umalis kana! Hindi ka asawa ng anak ko kasi hindi pwede! Babae kayo pareho! Umalis ka. Hindi si Miggy ang as--" Naputol yung sinasabi ni Tita ng dumating si Miggy.

"Ma, tama na. Mag uusap muna kami. Babalik ako." Mabilis at seryosong sabi ni Miggy at hinila yung babae palabas ng bahay nila.

"Kumalma po muna kayo Tita. Pakinggan natin si Miggy mamaya." Sabi ko sakanya at dinala na muna sya sa loob ng bahay.

--

MIGGY's POV

"Anong ginagawa mo?! Bakit bigla ka na lang sumulpot?!" Inis na tanong ko.

"I want to see you, you got shot. So I want to know if my wife's fine." Paliwanag nya.

"Bakit sinabi mo kay Mama??" Tanong ko.

"I thought she'll understand." Sagot nya tapos yumuko.

"Rhiane, pumayag akong maging asawa mo pero hindi ako pumayag na guluhin mo yung buhay ko." Seryosong sabi ko.

"Umuwi kana. Ako na bahalang kumausap sa Mama ko." Dagdag ko pa at aalis na sana ako.

"My dad dumped me! He said that you're responsible for me. He doesn't want me back." Malungkot na sabi nya. Napahinga nalang ako ng malalim ng marinig ko yun.


The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDWhere stories live. Discover now