Chapter 2: STRANGER

5.4K 106 6
                                    


VENIA'S POV

Nasa kwarto ako ng tawagin ako ng isa sa mga maid namin.

"Ma'am, tawag po kayo ni Madam." Sabi nya.

"Bakit daw?" Tanong ko. Busy kasi ako sa panunuod ng favorite kdrama ko e. Istorbo naman tong maid na to.

"Bumaba lang daw po kayo ang utos nya." Sagot nya.

Tumayo ako at inoff yung tv saka na bumaba.

"Pinatawag mo ako Mom?" Tanong ko.

"Anak." Sabi ng isang lalaki na ikinagulat ko.

"Oh? Nadalaw ka Mr. Kim." Sarkastikong sabi ko.

"Papa mo ko." Paalala nya.

"Papa ba kita? 18 years kang wala sa tabi namin ni Mommy. Tapos sasabihin mo sakin yan. Okay na ko e. Okay na akong Mr. Kim ang tawag sayo. Sanay na sanay na akong boss lang kita." Sabi ko.

"Venia." Pigil ni Mommy.

"Ginawa ko lang naman yon para protektahan kayo." Sabi nya.

"Yan naman lagi mong sinasabi e. Pag protekta samin ang kapalit mawalan ako ng ama. Kaya naman namin mabuhay ni Mommy ng wala ka e." Sabi ko.

"Kaya nga ngayon nandito na ako. Hindi ko na kayo iiwan ulit. Mabubuo na tayo uli." Sabi nya.

"Kahit wag kana bumalik. Hindi ko kailangan ng ama. 18 years kang wala, sa loob ng ilang taon na yon natanggap kong wala ka bilang Papa sakin." Sabi ko.

"Teka nga. Bakit nag iisa kayo? Nasan yung ampon mo?" Tanong ko. Naalala ko yung batang babae na sinama nya sa ibang bansa noon. Hindi ko kilala yung bata at wala akong idea kung bakit sya sinama ng taong to.

"Pinag leave ko muna." Sagot nya.

"Leave? Bakit? Ginawa nyo rin bang tauhan nyo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi naman sya sumagot.

"Ibang klase talaga kayo. Lahat ng tao sa paligid nyo akala nyo tauhan nyo lang." Sabi ko.

"Chavenia, pwede ba manahimik kana nga." Inis na sabi ni Mommy.

"Dito na titira ang Daddy mo, kaya pwede wag kana magalit sakanya." Sabi ni Mommy.

"What?! I don't want him here!" Sigaw ko.

"Kahit anong tutol mo, dito titira ang Daddy mo." Madiing sabi ni Mommy.

Sa inis ko tumakbo nalang ako sa kwarto at nag kulong. Ayoko syang makasama sa bahay. Ayus lang sakin makita sya sa office but not in this house! I can't take it. Dapat gumawa ako ng paraan para hindi ko sya makasama sa bahay na to.

Hmm, what should I do?

Pag awayin sila ni Mommy?
"Paano naman sila mag aaway, e kahit kailan naman hindi ko sila nakitang mag talo." Sabi ko. Bakit nga ba hindi sila nag aaway? Ganon ba pag in love? Hay ewan!

Paalisin si Mr. Kim?
"Pag pinaalis ko sya magagalit si Mommy sakin. Ako naman ngayon ang aawayin ni Mommy. Hays." Sabi ko at nag face palm.

Kausapin ko kaya yung batang kasama nya? Pero nasan nga ba yon? Siguro pangalawang pamilya nya yon? Baka nga. Nakakainis sila. Mag sama sila ni Mr. Kim!

*ring ring

Sinagot ko agad yun ng makitang si Twaine yung tumatawag.

"Hello couz. Kamusta ka dyan?" Tanong nya.

The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon