Chapter 14: MARRIED

2.9K 57 1
                                    

MIGGY's POV

Papunta ako ngayon ng airport para sunduin si Rhiane. Pumunta kasi sya ng Australia, ang sabi nya lang may aasikasuhin sya at babalik din sya agad.


Wala akong magawa kundi sunduin sya kasi kasal kami. At wala din syang ibang mapuntahan kundi sa bahay namin.

Pag dating ko, dumiretso agad ako sa departure para antayin sya. Mga ilang minuto lang nakita ko na syang palapit. Ngumiti sya agad at lumapit sakin para ihug ako.

"Wow. So cool ng porma mo." Pag puri nya. Syempre, hindi ako mahilig sa sobrang girly na damit kaya always loose shirts sweatshirts at basta loose.

"But why wearing a mask?" Tanong nya.

"Ang daming tanong. Akin na nga yang bag mo." Sabi ko nalang at kinuha yung bag nya.

"Okay. Gentleman oh gentle woman naman Miggy." Sabi nya at kumapit sa braso ko.


"Eat muna tayo before going home?" Tanong nya.

"Pwede. Gutom na rin ako." Pag sang ayon ko.

Nakita ko naman ang isang pamilyar na kotse pag labas namin ng airport. Naalala ko agad sina Mr. Kim. Isang linggo na rin ang nakakalipas mula nung huling kita ko kay V. Wala na akong balita ngayon kung ano ng nangyayare sakanila.

Nag stop yung kotse sa harapan namin. At bumaba si Hans.

"Miggy?? Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya.


"Sinundo ko to." Sagot ko at tinuro si Rhiane.

"Miggy?" Napalingon naman ako sa nag salita.

"V?" Gulat na sabi ko. Teka? Bakit sya nandito?? Hindi kaya--

"Aalis ka?" Malungkot na tanong ko.

"No. Susunduin ko lang sina Mom." Sagot nya.

"Ahh. Mabuti naman." Sabi ko.

"Uhm? Who is she?" Tanong ni V.

Anak ng manoban! Oo nga pala kasama ko sya. Sana naman hindi sya mag daldal. Yare ako kay V.

"Uh si Rhiane." Simpleng sabi ko.

"I'm Venia. And who are you?" Mataray na tanong nya.

"I'm her wife." Proud na sabi ni Rhiane.

"What?!" Gulat at hindi makapaniwalang tanong ni V.

"Mag papaliwanag ako." Mabilis na sabi ko. Pero biglang dumating si Bambi. Lumabas galing sa kotse.


"No. This is enough." Sabi ni Bambi. Teka bakit parang galit sya?? O natutuwa??

"Pero teka, kasal kana??" Hindi makapaniwalang tanong ni V.


"Ipapaliwanag ko." Pilit ko.

"Miggy. Tama na. Hayaan mo na si Venia. Wag mo na itago si Rhiane sakanya. Aminin mo na kasal ka na. Masaya kayo. Hayaan mo ng sumaya si Venia." Sabi ni Bambi.

"Pero V--" Mag eexplain pa lang sana ako kaso hinawakan ako sa braso ng pinsan ko.

"Binigyan kita ng pagkakataong itama yung mga mali mo. Pinabayaan kitang igrab yung chance para kay Venia, ngayong ubos na yung chance mo hayaan mong ako naman yung magkaroon ng pagkakataon. Wag kang selfish Miggy." Seryosong sabi nya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nya. Binitawan nya na ako at pumasok na sila sa kotse.


The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDWhere stories live. Discover now