Chapter 3: HOTTER THAN THE SUN

4.4K 87 2
                                    


Venia's POV

"Akala ko pag kumain ako magiging malakas na ako ulit e." Pag papalusot ko.

"Tss." Halatang hindi sya naniwala.

"Teka, ba't nandito ka pa? Di ba umalis ka na?" Tanong ko. Nakita ko kasi syang lumabas ng convenience store e.

"Ah-eh. Nag cancel yung lakad ko ngayon kaya hindi na ako tumuloy." Sabi nya habang kung saan saan tumitingin.

"Ah ganun ba." Sabi ko nalang. Tumayo sya at lumuhod sa harap ko. Kinuha nya yung pilay kong paa tapos minasahe yun. Ang saraaaap.

"Gagaling ba ako dyan?" Tanong ko.

"Hindi ako sigurado, parang medyo malala yung pilay mo e." Sabi nya habang maingat na minamasahe paa ko.

"Oh ayan. Try mo nga itapak." Sabi nya. Sinunod ko yun kaso masakit pa din kaya naupo nalang ako ulit.

"Tara na. Baka hinahanap kana sainyo." Sabi nya at pumwesto na uli na kakargahin ako.

"Wala akong kasama sa bahay." Sagot ko.

"Edi para makapag pahinga na ako." Sabi nya.

"Gusto mo lang akong ihatid e." Sabi ko saka sumakay sa likod nya.

Nag lakad na sya habang pasan ako sa likod. Tinuturo ko yung daan papunta samin.

"Tagong lugar to ah." Sabi nya.

"Pinsan ko kasi pumuli ng lugar na to. Ganun talaga pag gangster, madaming tinataguan." Paliwanag ko.

"Hindi ka naman mukhang gangster." Sabi nya.

"Sinabi ko bang ako? Yung pinsan ko lang yon." Sagot ko.

"Nasan pinsan mo? Ayain ko, sparring kami kamo." Pag hahamon nya.

"Gangster ka?" Tanong ko.

"Hindi. Mahilig lang ako sa sports." Sagot nya.

"Anong klaseng sports? Basagan ng mukha?" Tanong ko.

"Taekwondo, boxing, tsaka archery." Sagot nya.

"Wow. Delikado ka palang kalaban." Sabi ko. Kaya naman pala ang lakas na babae.

"Nandito na tayo. Anong floor mo?" Tanong nya.

"Sa 3rd floor kami." Sagot ko. Nag lakad naman sya uli papunta sa floor namin.

Pag dating namin sa bahay.

"Ibaba mo na ako." Sabi ko. Binaba nya naman ako. At okay na yung paa ko. Hala ang galing!

"Nakakalakad ka naman pala e. Gusto mo lang ata mag pakarga sakin." Pang aasar nya.

"Kapal ng mukha mo. Di ko naman alam na gagaling to e." Paliwanag ko.

"Hindi ako naniniwala." Sabi nya tapos nag lalakad ng paatras.

"Alis na ako. Baka hinahanap na ako sa bahay." Sabi nya at nag paalam na sakin.

Ibang klase yung babaeng yon. Nabuhat nya ako na parang hindi man lang nahirapan. Ang gentleman este gentlewoman nya. Saka bakit parang pogi sya kesa sa maganda? Ako lang ba yun o pogi talaga sya?

Nakalimutan ko palang itanong kung saan banda bahay nya at kung ilang taon na sya. Hay. Sayang naman. Baka hindi ko na sya makita ulit.

Bumalik na ako sa panunuod ng kdrama.

The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDWhere stories live. Discover now