Chapter 6: THE MOTHER

3.1K 65 0
                                    


HANS's POV

"I'm Rycoh Kim. The owner of Kim Company. The company who ranks the 2nd biggest company in the world. This live broadcast is because I have the biggest announcement for everyone. 18 years ago, I gave the biggest fake news about my family. Just for their sake, I told everyone that they're dead. But the truth is... my wife and my daughter is still alive." Pag kasabi nun ni Mr. Kim lahat ng tao sa press conference nag ingay.

"My daughter is Chavenia Kim, and now she's here. Come here princess." Sabi nya. Lahat kami nagulat nung dahan dahang lumapit si Ms. Kim. Nakabalik na nga sya. Naibalik na sya ni Miggy. Nilingon ko si Miggy, yung reaction nya. Sobrang gulat na akala mo nakakita ng multo.

"Ang galing mo ha? Naibalik mo sya ng safe. Elibs talaga ko sayo tol." Puri sakanya ni Ace pero hindi pa din nya inaalis yung tingin nya kay Ms. Kim.

"This is my daughter, and the future CEO of Kim Company. Chavenia." Pakilala ni Mr. Kim. Nag palakpakan naman kami.

--

VENIA's POV

Natapos din ang pag papakilala.

"Anak, buti naman umuwi kana. Saan ka ba nag punta?" Nag aalalang tanong ni Mommy.

"Wag ka na mag alala Mom. Kay Twaine lang naman ako nakitira kaya okay lang ako." Sabi ko. Nag lalakad kami ngayon papunta sa kotse ng may nakasalubong kaming isang babaeng nakayuko na parang wala sa sarili.

Napansin nya yata na nasa harapan nya kami kaya tinignan nya ko.

"Oh! Miggy. Anong ginagawa mo dito?" Masayang tanong ko ng makita ko sya. Ngumiti sya ng tipid.

"Mag kakilala kayo?" Tanong ni Mommy.

"Yes Mom. Naging kaibigan po namin sya ni Twaine." Sagot ko.

"Miggy!" Sigaw nung... bodyguard ata ni Mr. Kim at inakbayan si Miggy.

"Uh, princess Chavenia, Mrs. Kim." Bati nila at yumuko.

"Teka." Sabi ko at pinansin yung suot ni Miggy pati nung mga bodyguards.

"Oo, Princess. Bodyguard ako ng Papa mo." Sabi nya saka yumuko na din.

Hindi na muna ako nag salita. Pumasok na kami sa kotse. Yung dalawang bodyguard yung kasama namin ni Mommy sa kotse. Yung driver kamukha ni Jungkook ng BTS tapos si Miggy na kamukha naman ni Lisa ng Blackpink.

Yung isa na kamukha ni Kai ng EXO naman sa kotse ni Mr. Kim.

"Pwede bang sa restaurant na muna tayo. Nagugutom ako." Sabi ko.

"Okay po Maam. Saan pong restaurant?" Mabilis na tanong nung Jungkook.

"Kahit saan basta pinaka malapit." Sagot ko.

Pag dating namin sa restaurant. Pinapasok ko na si Mommy.

"Miggy, sumama ka. Mag uusap tayo." Sabi ko at nag lakad na.

Pag pasok namin ng restaurant, nakita ko si Mommy nag aantay sa isang table. Naupo ako kaharap nya at pinaupo ko din si Miggy sa tabi ko.

The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDWhere stories live. Discover now