Chapter 27: Will you be my girlfriend?

2.5K 48 4
                                    


MIGGY's POV

"Maganda yang suot mo ah? Parang ready kana sa date nyo." Pang aasar ni Bambi habang nasa elevator kami papuntang rooftop. Pinlano nya na kasi, pag dating daw ni Venia sa office nya ipapasunod nya si V sa rooftop.



"Kinakabahan ako." Sabi ko habang pinag lalaruan yung tangkay ng mga rosas na dala ko.



"Wag kang kabahan. Basta sabihin mo lang sakanya yung nilalaman nyang puso mo." Payo ng pinsan ko at dinuro yung puso ko.


*ting!

At yun na ang hudyat na nasa rooftop na kami.


"Oh, dito nalang ako. Goodluck insan!" Sabi nya at tinulak na ako palabas ng elevator.

Nag lakad ako sa malawak na paligid. Ang ganda, yung rooftop na may mga halamang naka set up sa paligid, may mga bulaklak at may mga paruparo. Sa gitna naman non may lamesa at dalawang upuang mag kaharap. Lumakad ako papunta don. May nakaayos na mga kutsara at tinidor, mga baso at tissue.



"Wow." Narinig ko kaya humarap ulit ako sa elevator. Nag lalakad na palapit sakin si Venia.


"Dito nalang tayo mag date?" Tanong ko na may hindi siguradong ngiti sa labi ko.


"Walang kaso to sakin. Tutal kinausap na ni Bambi sila Twaine." Nakangiting sagot nya.


Inurong ko yung isang upuan para tulungan sya makaupo.


"GentleMan-oban." Pang aasar nya na ikinangiti ko.


"Para sayo pala." Sabi ko at inabot yung bulaklak na hawak ko. Natawa naman sya.

"Hindi ko alam na may paganto pala." Bulong nya na ikinataka ko.

"Ha?" Tanong ko.

"Wala, wala. Thank you dito." Sabi nya sakin. Nginitian ko lang sya at naupo na rin ako sa harap nya.


"Excuse me Ma'am. Eto na po yung lunch nyo." Sabi ng isang waiter na may dala dalang tray. Nilapag nya yung plato sa harap ko at sa harap ni Venia. Saka nya inalis yung takip.



"Wow. Yung favorite ko." Manghang sabi ko. Gamjatang lang naman kasi yung nasa harapan ko. Eto yung korean food na pinaka favorite ko sa lahat.


"Nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong ni Venia.


"Oo naman." Sabi ko. Teka? Bakit sya pa yung nag tatanong?


Kumain na kami. At pag tapos namin kumain, inayos ko yung upo ko at hinawakan yung kamay ni Venia na nakapatong sa lamesa. Eto na yung tamang oras, tamang oras para umamin ako.


"Pwede ba kitang isayaw?" Tanong ko. Pinaalala sakin ni Bambi yung plano nya na may sweet dance daw syang inihanda. Pwede ko daw yun gamitin para umamin. Ngumiti si Venia at tumango. Tumayo na ako at inilahad yung kamay ko, pinatong nya yung kamay nya don at tinulungan ko syang tumayo. Pumunta kami sa gitna ng mga nakapalibot na bulaklak at nilagay ko yung mga kamay nya sa balikat ko at yung mga kamay ko naman ay sa bewang nya.


[ How Would you Feel by Ed Sheeran ]

You are the one girl
And you know that it's true
I'm feeling younger
Every time that I'm alone with you

"Venia, alam ko hindi ako ganun ka showy na tao. Pero gusto kong malaman mo, ikaw yung babaeng gusto kong makasama sa buong buhay ko." Panimula ko habang dahan dahan kaming sumasayaw kasabay ng tugtog.

The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDWhere stories live. Discover now