Chapter 22: COMEBACK

2.1K 42 0
                                    


MIGGY's POV

Nakalipas ang isang linggo na pag stay namin ni V sa Australia kasama si Rhiane. Tinawagan ako ni Twaine na naayos nya na daw ang lahat. At dapat na kaming bumalik. Hindi na daw galit si Mrs. Kim at tinatanggap nya na yung pagmamahalan namin ng anak nya.

"Parang hindi ako naniniwala na natanggap agad ni Mama yun. Sa isang linggo? Parang napaka imposible talaga." Pag dududa ni V.


"Baka wala na kasi syang magawa. Hindi nya tayo mahanap kaya siguro pumayag na sya." Sabi ko para hindi na mag isip pa ng kung ano ano si V.


"May hindi maganda akong nararamdaman." Sabi nya at pumasok na sa kwarto namin.

Kinuhanan kasi kami ni Rhiane ng matitirahan. Wala din kasing dalang pera si V. Ayaw din ako pagastusin ni Rhiane, pang bawe daw sa mga nagastos nya nung nasa bahay pa sya kaya sya na ang sumagot sa lahat.


"So what's your plan?" Tanong ni Rhiane.

"You know what, I feel strange too about her mom. I mean, I can't believe that she will accept you that easy. But yeah, we should trust Twaine." Sabi nya.

"Just promise me, you have to be careful. And if something happens, tell me. And I'll help." Dagdag nya pa.


"Salamat Rhiane. Naniniwala naman akong maayos na ang lahat. Kaya wag kana mag alala." Nakangiting sabi ko. Kahit kinakabahan talaga ako hindi ko dapat ipahalata. Tsaka ayoko na lang maging negative at mag isip ng hindi maganda.

"Rhiane, bukas na bukas babalik na kami. Mag iingat ka dito ha. Salamat sa lahat ng tulong mo. Kundi dahil sayo, wala kaming mapupuntahan ngayon. Nag papasalamat talaga ako na nakilala kita. Isa kang napaka buting kaibigan." Sabi ko at niyakap ko sya.


"Stop it. It makes me shiver. It's like giving your last words. Please, take care and we'll meet again okay?" Paninigurado nya. Tumango ako bilang sagot kasi naiiyak na ako.

--

Nasa airport na kami ngayon at iniintay na lang namin si Twaine at Bambi. Sila daw kasi ang susundo samin ngayon.

"Ayun sila." Turo ni V sa di kalayuan. Teka? Si Ace lang ang nabanggit na kasama ah, bakit nandito si Hans?


"Couz!" Sigaw ni Twaine at niyakap nya si V.

"Miggy, mabuti naman at nakinig kayo kay Twaine. Akala ko hindi kayo susunod e." Sabi ni Bambi na nakangiti pero malungkot yung mata nya. Bakit kaya??


"Bro! Namiss kita. Haha. Nandito na yung pinaka magaling oh. Nag babalik!" Masayang sabi ni Ace habang tinatap yung balikat ko.

"Masyado kang masaya." Pag papakalma ko sakanya.

"Uhm, mag cr lang muna ako. Kayo ba?" Tanong samin ni Twaine.


"Ah, sama ako. Kanina pa ko naiihi e." Sabi ko. Paalis na sana kami ng tawagin ako ni V.

"Miggy!" Sabi nya na ikinalingon ko.

"Bakit?" Tanong ko. Lumapit sya sakin at niyakap ako. Nakita ko naman yung pag iwas ng tingin ni Twaine samin.


The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDWhere stories live. Discover now