Chapter 23: RUINED

2.1K 44 2
                                    


BAMBI's POV

"Nakahanda na ba ang lahat?" Tanong ko.

"Ready na sumugod." Sagot ni Ace. Napagplanuhan na kasi namin yung gagawin naming pag sugod. Natrack kasi nila David yung location ni Venia dahil sa phone nya. Mga tanga ata yung nag pa kidnap sakanya e hindi tinuluyan yung phone.

"Ace, wala akong control sa mga bodyguard. Ikaw nalang mag paliwanag sakanila." Sabi ni Twaine. Kasama ko sya ngayon sa gagawing pag sugod. Dinala nya din yung ibang tropa nya para tumulong.


"Nasan na ba kasi si Hans? Sya ang nakatoka don e. Driver lang naman ako. Hindi makikinig sakin tong mga to." Paliwanag ni Ace na nag kakamot ng ulo.


"Mag intay nalang muna tayo ng go signal galing kay Goliath." Sabi ni David. Nasa van kasi kami ng mga police ngayon. Nandito na kami sa lugar kung saan dinala si Venia. Isa tong abandonadong factory. Pamilyar sakin pero hindi ko maalala kung saan ko ba to nakita.



"Kinakabahan ako. Wala kasi si Miggy e. Tuwing wala sya may hindi magandang nangyayare e." Natatakot na sabi ni Ace.


"Wag mong isipin yan. Maliligtas natin si Venia kahit wala sya." Sabi ko. Hindi kasi sumipot si Miggy kahit na alam nya naman yung balak naming pag sugod ngayong araw.

--

THIRD PERSON's POV

"Miggy, alam kong galit ka sa nangyare kahapon. Pero sana naman tulungan mo kaming iligtas si Venia mamayang gabi. Nahanap na namin yung pinag tataguan nila ngayon. Nag paplano na ang team nila Goliath para mamaya. Kasama rin namin si Twaine at sila Ace, kaya kung pwede sana dumating ka." Sabi ni Bambi kay Miggy. Nasa labas sila ng bahay nila Miggy.


"Wag kayong umasa, hindi ako pupunta." Pag mamatigas nya kahit na sobrang pag aalala na yung nararamdaman nya para kay Venia.



"Ganyan kana ba talaga?! Wala ka bang pakialam kung napahamak sya?!" Inis na sabi ni Bambi.


"Umalis kana. Mag plano na kayo kesa mag aksaya ng panahon sa pagpilit sakin." Seryosong sabi nya na ikinainis ni Bambi kaya sinapak nya ang kanyang pinsan. Napaupo naman sa sahig si Miggy.

"Hindi namin kailangan ng tulong mo! Wala kang kwenta!" Sigaw nya. Tumayo si Miggy at nag lakad na palayo. Pero bago sya pumasok sa gate nila nag salita si Bambi.


"Hindi ako naniniwalang wala kang pakialam. Mahal mo sya, at nangako ka kay Mr. Kim. Kaya alam kong dadating ka." Sabi ni Bambi. Naniniwala sya sa pinsan nya kahit na ano pang sabihin nito. Napatigil si Miggy.


"Mamayang alas syete ng gabi. Sa abandonadong factory malapit sa Phuvakul Company. Dun nila tinatago si Venia. Iintayin ka namin." Pag tapos sabihin yun ni Bambi, pumasok na sa loob si Miggy.


Umalis na si Bambi para tumulong sa pag paplano. Si Miggy naman nasa loob ng kwarto nya at nag iisip. May nilabas syang sulat galing sa hindi kilalang tao na pinadala sa bahay nila.


'Ang totoong traydor ay nasa paligid lang.'

Pinagmasdan nya yon at pilit na naguguluhan sa mga nangyayare.

The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDWhere stories live. Discover now