Chapter 11: MY PERSONAL PHOTOGRAPHER

2.6K 62 4
                                    


VENIA's POV

"Where's Miggy?" Tanong ko kay Ace. Nasa kotse na kasi ako. Ang sabi nya sakin papunta pa lang sya.

"Nandito na ako ma'am." Sabi ng hihingal hingal pang si Miggy na nasa pinto ng kotse.

"This is the third time na nalate ka. What's the problem?" Tanong ko.

"I'm sorry ma'am. May inaaikaso lang." sagot nya.

Nakakapag taka bang sinusungitan ko sya? At kung bakit ma'am na ang tawag nya sakanya? It's because of Mr. Kim. That old man scolded my friend for being too close to me. Psh!

"Mabuti naman nakaabot ka. Sumakay kana." Sabi ni Mr. Kim. And yes hes here. Kaya ako masungit kay Miggy kase nandito sya. Hays nakakainis.


Gusto ko pa naman syang kausapin kung bakit ilang araw na syang na lelate. Kaso tong matandang to lagi kong kasama. Dami kasi naming pinupuntahang meetings, party events at kung ano ano pa. He's telling everyone that I'm the Princess of Kim Company. Wala tuloy akong time makausap si Miggy ng kaming dalawa lang.


Yung party na pupuntahan namin ngayon ay sa kumpare nya, yung father ni Bambi. May celebration kasi for some reasons na wala akong idea. At wala din akong balak alamin.

The thing here kaya pumayag akong sumama is para makasama ko si Miggy. Yes, she's the reason why I'm here. I wanna be with her, always. I don't mind where and what. The thing that only matters is her beside me.

I have no idea what is this kind of feelings I feel everytime she's close, sabi ni Twaine maybe I'm falling for her. But, how come? Kakakilala lang namin. And I don't think she feels the same way I feel for her.


"Ma'am, kanina ka pa tulala." Sabi nya. Nandito na kami ngayon sa event. Birthday pala ni Bambi. Bakit hindi ko alam? Hays! Wala akong dalang regalo.

"Napapagod na ko kakaisip." Inis na sabi ko.

"Saan?" Tanong nya. Nasa table na kami. Nakaupo sya sa tabi ko gaya ng utos ko, together with Twaine tapos wala ng iba. Ayoko kasi ng madaming kasama sa table. Yung upuan sa right side ko is vacant kasi si Lisa nasa left ko tapos katabi nya si Twaine.


"Sayo." Sabi ko. Hindi ko na control yung sasabihin ko.

"Huh?" Naguguluhang tanong nya.

"Wag mo na intindihin yan si couz. May sayad kasi yan minsan e." Sabat ni Twaine.

"Ahh okay, kala ko kung an--" Hindi natapos yung sasabihin nya ng may dumating para batiin sya.

"Miggy?" Tawag nito sakanya.

"Oy, insan!" Bati ni Miggy at nag yakapan sila. Teka wait! What??? Did I just heard it right??

"Mag pinsan kayo??!" Sabay na tanong namin ni Twaine. At parehong hindi makapaniwala.

"Yes." Nakangiting sagot ni Bambi habang nakaakbay kay Miggy.

"Hindi ko maisip na mag pinsan kayo." Sabi ni Twaine.

"Honestly, para na nga kaming magkapatid e." Sabi ni Bambi.

"Pareho kaming pogi." Sabat ni Miggy.

"Haha. Ewan ko nga sayo. Oh, kung ano man gusto nyong kainin wag kayong mahiya ah." Sabi ni Bambi saka naupo sa tabi ko.

"Bambi! Happy birthday brader! Yung gift ko nga pala nasa kotse. Bigay ko sayo mamaya." Sabi ni Twaine.

"Thank you best friend." Masayang sabi ni Bambi.

The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDWhere stories live. Discover now