Chapter 8: SUITOR

3.2K 62 0
                                    


BAMBI's POV

"Bakit nandito ka?" Tanong ni Princess Venia.

"Pinapasundo kayo ni Tita. Iwan nyo na daw muna yung driver nyo dito para tumulong mag asikaso sa bodyguard ni Tito." Paliwanag ko.

"Pero, hindi ako pwedeng umalis." Pag tanggi nya.

"Umuwi na muna tayo couz." Sabi ni Twaine saka lang sya pumayag.


"Tara na Princess." Sabi ko at umalis na kami.



Pag dating namin sakanila pumunta muna sa kwarto sina Venia at Twaine.


"Kinausap ko na si Venia, ang sabi ko mag ayos sya dahil may lakad kayo." Sabi ni Tita.

"Maasahan ba kita?" Tanong nya sakin.


"Yes po. Matagal ko na pong gusto ang anak nyo. Hindi ko lang po nililigawan kasi baka hindi nyo po ako payagan." Pag amin ko.


"Ngayon mo patunayan sakanya ang nararamdaman mo. Gusto kong ikaw ang pakasalan nya." Sabi ni Tita at umalis na.


--FLASHBACK--

"Bambi, pwede ba tayong mag usap?" Tanong ni Tita sakin. Pinapunta nya ako dito sa bahay nila para ipasundo si Venia at Twaine sa hospital.


"Sige po, tita." Pag payag ko.


"Matagal na kayong mag kakilala ng anak ko. At alam kong matagal mo na rin syang gusto. Ngayon, gusto kong lalo kayong maging malapit sa isa't isa. Mag bonding kayo, kumain sa labas o mag date." Sabi ni Tita.


"Po?" Naguguluhang tanong ko.

"Hindi kasi ako matutuwa kung sa iba sya magkakagusto. Hindi naman ata tamang sa iba pa sya mapunta kesa sayo na matagal ng nag aantay, hindi ba?" Sabi ni Tita. Ano kayang nangyare?


"Gusto kong ligawan mo yung anak ko. Ipakita mo sakanyang ikaw yung deserving para sakanya." Sabi ni Tita.

"Makakaasa ba ako sayo?" Tanong nya.


"Opo. Liligawan ko po si Venia." Sagot ko.


"Salamat bambi. Sayo lang ako mag titiwala pag dating sa future ng anak ko." Sabi nya bago sya umalis.


--END OF FLASHBACK--



Maya maya pa dumating na si Venia.

"Si Mom?" Tanong nya.

"Sabi nya ako nalang daw ang sasama sayo." Sabi ko.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong nya.

"Basta. Tara na." Nakangiting sabi ko.


"Si Twaine pala nasan?" Tanong ko habang papunta kami sa kotse.


"Nag aayos pa. Pinabalik ko sya sa hospital para may mag bantay sa kaibigan ko." Sagot nya.

"Yung bodyguard ni Tito?" Tanong ko. Kaibigan nya yung bodyguard? Paano nangyare yon? Akala ko ba--

"Oo." Sagot nya.

The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDWhere stories live. Discover now