Chapter 25: SEE YOU AGAIN

2.4K 46 3
                                    

MIGGY's POV

Isang buwan na makalipas ng maaresto si Tito at ang mga Black men. Naging malungkot ang mga araw ko dahil hindi ko na nakikita si V. Lagi lang akong nasa loob ng bahay, wala na rin akong gana para lumaban sa Street Fights. Mula nung nawala si V, lagi na akong walang gana at walang pakialam sa mundo.


"Hey Miggy. Wag kana malungkot dyan. Nagawa mo na ng maayos yung trabaho mo. Ngayon, matatahimik na buhay mo." Pag papagaan ng loob ni Twaine sakin.


"Alam kong magiging masaya kana." Nakangiting sabi ni Bambi na ikinataka ko. Nandito sila ngayon sa bahay namin, hindi ko alam kung bakit napadpad sila dito ngayon.

"Paano mo naman nasasabi yan?" Walang ganang tanong ko at sumandal ng maayos sa sofa.


"Pauwi na sila galing America!" Masayang sabi ni Twaine na nag pagulat sakin. Yes buhay pa si V. Nung nag flat line sya agad nilang sinubukan irevive and umayon naman ang mga pangyayare. Kaya lang, na coma sya. Isang linggo syang comatose sa hospital non, then inadvice ng doctor na dalhin sya sa America para doon sya gamutin. Mas magaling kasi yung doctor na nandon kaya mas mapapadali ang gamutan.


Napaayos naman ako ng upo.

"Talaga?!" Paninigurado ko. Tumango si Twaine at nakangiti naman si Bambi.



"Oo. Tinawagan nya ako kanina, magaling na daw sya at nasa byahe na sila ngayon." Sagot ni Bambi.


"Sya nga pala, anong balita kay Tito?" Tanong ko. Isang linggo ring hindi makapaniwala si Bambi sa nagawa ni Tito, lagi syang nandito non para kausapin si Mama at makalimutan ang galit sa sarili nyang ama.



"Ayun, tinanggap nya na pagkatalo nya. Hindi na sya makakalaya." Sagot nya. Kahit na nalulungkot sya dahil sa nagawa ni Tito. Inakbayan ko sya.


"Pasensya na sa nangyare. Pero mabuti yun para wala ng mang gugulo sa buhay ng mga Kim. At pati na rin satin." Sabi ko. Kailangan kong icomfort lagi ang pinsan ko tuwing naaalala nya yung araw na yon.


"Maging mabuting CEO kana lang sa kumpanya nyo." Dagdag ko pa.


"May problema pa tayo." Seryosong sabi ni Twaine. Tumigin ako sakanyang nakakunot ang noo.



"Si Hans, hindi pa din sya makita hanggang ngayon." Sabi nya.

"Si Hans? Siguro naman hindi nya na tayo guguluhin. Siguro mag babago na sya." Pag tatanggol ko. Sa pag kakakilala ko kay Hans, hindi naman sya masamang tao. Tsaka sa tingin ko pinag sisihan nya na yun. Pilit kong pinapaniwala yung utak ko.


"Basta, mag iingat pa din kayo." Sabi ni Bambi.


"Tara na sa airport. Salubungin natin sila Venia." Nakangiting sabi ni Twaine at tumayo na.


"Sige na. Mauna na kayo. Tatapusin ko lang muna yung trabaho ko bago. Tawagan ko kayo pag tapos ko." Sabi ko. Umalis na sila para sunduin di V. At ako naman pumasok na din sa kwarto para tapusin yung home based na trabaho ko. Nag hahack ako ng mga locked files na nakukuha ng mga pulis galing sa mga illegal groups na nahuhuli nila.


*ring ring.

Agad ko yung sinagot para mag report.

"Hello Miggy, anong balita?" Tanong ni Goliath.


"Medyo mahirap yung pinapagawa mo sakin ngayon. Pero nabuksan ko na yung flasdrive,may dalawang folder na nakalagay. Yung isa puro I.d ng mga babaeng teenagers sa iba't ibang school. Yung isang folder naman nakalock, pero nung nabuksan ko walang laman. Ang hula ko nakahide yung laman non kaya sinusubukan ko pang ilabas." Paliwanag ko.

The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDМесто, где живут истории. Откройте их для себя