Chapter 17: MR. KIM's LAST WISH

2.5K 54 1
                                    

MIGGY's POV

Pag dating namin sa hospital, nauna na sina V sa loob dahil nag park pa ako ng kotse. Pag pasok ko sa loob, nakita ko sina Ace at Hans.

"Ano nangyare?" Tanong ko agad.

"Sa hotel kanina, sinugod kami." Sagot ni Hans. May mga dugo sya sa damit.

"May sugat ka?" Tanong ko.

"Wala. Tinulungan ko lang si Mr. Kim kanina." Sabi nya.

"Dapat kasi hindi inalis si Miggy e. Sigurado walang napahamak ngayon kung nandun si Miggy." Sabi ni Ace.

"Saan sya tinamaan?" Tanong ko.

"Malapit sa puso." Sagot ni Hans.

"Delikado." Sabi ko.

Lumabas muna kami para bumili ng maiinom saka kami umakyat sa operating room. Nakita namin si V na hindi mapakali at si Mrs. Kim na umiiyak. Si Twaine naman malungkot na nakaupo. Hawak ni Rhiane yung kamay nya.

Napansin kami ni V at agad syang lumapit.

"Kayo?! Bakit hindi nyo sya pinrotektahan?! Bakit hinayaan nyo syang mabaril?! Wala kayong kwenta!" Pag sisigaw nya habang hinahampas si Hans.

"Sorry Princess. Pasensya na." Nakayukong sabi ni Hans habang hinahayaan lang syang hampasin ni V.

"Nakakainis kayo! Kung ginawa nyo yung trabaho nyo ng maayos edi sana wala sya dyan ngayon!" Tuloy pa din si V.

"V, tama na." Sabi ko at hinimas yung likod nya. Unti unti naman syang kumalma at niyakap ako.

"Miggy, hindi sya pwedeng mawala. Kakabalik nya lang, hindi nya kami pwedeng iwan ulit. Miggy, mabubuhay sya db? Mabubuhay sya." Humahagulgol na sabi ni V.

"Oo naman. Hindi sya mawawala. Tahan na. Wag kana umiyak." Pag papakalma ko habang hinihimas yung likod nya.

Ilang minuto din ang itinagal ng pag iyak nya bago sya bumitaw sakin at kumalma. Nanghina sya kaya pinaupo ko sya sa tabi ni Twaine. Inabutan ko sya ng tubig pati na si Mrs. Kim na kanina pa din iyak ng iyak at pinapatahan ni Twaine.


Ilang oras pa at natapos ng operahan si Mr. Kim. Pero hindi pa din maayos yung lagay nya ngayon. Nailipat na sya sa private room at kailangan pa ding bantayan oras oras yung puso nya.

"I need to go. Your mom is alone." Sabi ni Rhiane.

"Miggy, umuwi kana din muna. Mag pahinga kana." Sabi ni V.

"Pero, gusto kitang samahan." Pag tanggi ko.

"Miggy walang kasama si Tita. Nandito naman si Twaine saka sina Ace. Bumalik kana lang bukas." Pag sigurado ni V na okay lang sya.

"Oo nga, umuwi kana muna para maihatid mo na yung asawa mo." Sabi ni Ace.

"Excuse me. Ex wife." Sagot ni Rhiane.

"Ano?! Wala na kayo??" Gulat na tanong ni Ace.

"Yes. She's free." Sagot ni Rhiane.

"Iba ka talaga pareng!" Pang aasar ni Ace.

"Ewan ko sayo Ace. Ahm, Mrs. Kim, V, Twaine, mauna na po kami." Paalam ko. Tumango lang si Mrs. Kim. Sigurado galit pa din sya sakin.

"Miggy! Mag iingat kayo." Paalala ni V. Nginitian ko sya.

The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDWhere stories live. Discover now