Chapter 10: MY TYPE

2.8K 61 0
                                    


TWAINE's POV

Galing ako sa apartment na tinitirahan ko bago ako pumunta sa park para mag pahangin.

Sobrang init kasi ngayon, hays. Kailangan ko ng hangin! Ng fresh air! Nakaupo ako sa gilid ng playground habang lumalanghap ng sariwang hangin. Buti pa dito tahimik e. Di katulad dun sa labas ng apartment kabi-kabilaan yung chismisan saka patayan. Bakit ko ba kasi naisipang dun lumipat?

Kasi mahilig ako sa basagan ng mukha? Oo nga pala. Kaya pala ako dun nakatira. Daming takot sakin kaya walang gagalaw sakin. Kundi mananagot sila kay Chick en Chu! Teka ako yun e! Kapag nasa Street Fight syempre. Ngayon ako si simpleng Twaine. Panget ng pangalan ko, babaeng babae. Sana ginawa man lang Timo o kaya Wade para maangas parang ako. Yow yow!

"Boss. Nandyan ka pala." Sabi ni lechon este ni Lenon.

"Anong ginagawa ng boss namin dito sa tahimik na lugar?" Tanong ni Liit.

Mga kaibigan ko hindi ko na kailangan idescribe, mukhang naimagine nyo na agad kung anong size at height nila e.

"Hoy mga lalaki! Sino nag sabi sainyo na guluhin nyo ako dito?" Pag susungit ko.

"Pasensya na boss. Mag papatulong sana ako sayo e." Sabi ni Lenon.

"Anong tulong?" Tanong ko.

"E kasi boss, sasali daw sya sa Street Fight e. Kaso namroblema sya sa codename nya." Sabi ni Liit.

"Ano bang codename balak mo?" Tanong ko.

"Crazy Pig." Mabilis na sagot nya. Tinaas ko isang kilay ko na parang tinitignan sya ng mabuti.

"Bagay sayo." Sabi ko at nag thumbs up.

"Pero boss, mas maganda yung Yobab the Pig." Sabat ni Liit.

"Mas okay kung Lechong Yobab. Tapos ako yung Chick en Chu, ikaw yung... yung.. teka walang bagay sa dwende e. Wag kana lang sumali." Sabi ko.

"Oo wag kana sumali. Sigurado matatalo ka lang don." Pag sakay naman ni Lenon sa pang aasar ko.

"Grabe kayo sakin ah. Makauwi na nga." Sabi nya at nag walkout.

"Huy joke lang yon!" Sigaw ko pero di nya ko pinansin.

"Sundan mo, para wala ng istorbo." Utos ko. Tumango naman sya at mabilis na umalis.

Nahiga naman ako sa inuupuan ko at pumikit. Pero maya maya lang...

"Boss! Boss! Gising! May ikekwento ako sainyo! Boss!" Napaupo naman ako sa pag kataranta dun sa dalawa kong tauhan.

"Ano ba yon?! Istorbo naman kayo sa pag papahinga e." Inis na sabi ko.

"Boss, may chika babes don sa entrance ng park!" Natatarantang sabi ni Lenon.

"Napakaganda boss! Ang kinis, ang puti. Parang anghel! Uggh!" Parang sarap na sarap naman na sabi ni Liit. Binatukan ko nga.

"Di ko kayo pinapayagang mambabae ha! Ayokong may lolokohin kayong babae." Pag papaalala ko. Kahit naman palaaway kami ayokong may ginagagong babae tong mga to.

The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDWhere stories live. Discover now