Chapter 21: KEEP SAFE

2.3K 49 0
                                    


MIGGY's POV

Dalhin ko daw sya sa espesyal na lugar, payo sakin ni Twaine. Nakaalis na kasi sila para ihatid sa airport si Rhiane. Nakakalungkot kasi matagal kaming hindi magkikita pero masaya din ako kasi mag kakaayos na sila ng parents nya. Buti naman.

"Saan ba tayo pupunta ngayon?" Tanong ni V.

"Hindi ko pa din alam e. Sa totoo lang, wala akong maisip na pag dalhan ko sayo. Hindi naman kasi ako sanay makipag date." Pag amin ko.

"Hindi rin ako sanay kaya fair lang." Sagot nya. Nag lalakad lakad kami sa isang malawak na lugar na pinag babaan samin nila Twaine kanina.

"May nakita akong ice cream house malapit dito. Gusto mo?" Tanong ko sakanya.

"Sige. Gusto ko nga ng ice cream ngayon." Nakangiting sagot nya.

Nag lakad lang kami hanggang makarating kami sa di kalayuang ice cream house. Maganda yung wall designs ng business nila ha.

"Dun tayo maupo." Turo ko sa may gilid.

"Hindi. Bumili nalang tayo ng ice cream at ng iba pang foods tapos sa iba tayo kumain." Sabi ni V.

"Saan naman tayo kakain?" Takang tanong ko.

"Basta. Sumunod kana lang." Nakangiting sabi nya. Ngumiti nalang din ako at pumunta na sa counter.

"What's your order ma'am?" Masiglang tanong ng babae. Ngiting ngiti sya sakin na para bang sobrang ganda ng araw nya. Weird.

"Uhm?" Nasabi ko habang nakatingin sa menu nila.

"It's okay ma'am. Take your time." Napatingin ako sakanya. Teka nag papacute ba sya??

"Hey! Stop flirting with this weird girl!" Iritang sabi ni V at tinago ako sa likod nya. Napangiti naman ako. Napaka selosa naman talaga ng babaeng to oh.


"2 Fried ice cream." Sabi ni V.

"Anong flavor ma'am?" Tanong naman nung cashier.

"Isang chocolate at isang milk." Sagot ni V.

"Tapos isang carbonara, isang cheesy macaroni, 2 slices pizza, and bbq flavored fries yung large." Dagdag ni V sa order namin. Teka napakarami naman non.

"Okay ma'am. Ano pong drinks?" Tanong ulit nung cashier.

"2 bottled watter." Sagot ni V. Tumango naman yung cashier.

"We'll take it out." Dagdag pa ni V.

"Hey, intayin mo yung order. Uupo muna ako." Utos nya sakin. Tumango naman ako at humanap na sya ng mauupuan.

Mga limang minuto akong nag antay bago ako tawagin nung cashier at inabot sakin yung isang malaking paper bag na order namin.

"Thank you." Sabi ko sakanya. Nginitian nya lang ako kaya pinuntahan ko na si V. Napatigil ako ng may lalaking kausap sya.

"Ikaw yung anak ni Mr. Kim diba? Wow! Napakaganda mo nga talaga sa personal. Matagal na kitang hinahanap kasi gusto talaga kita mameet." Sabi nung lalaki. Halata naman na di interesado sakanya si V.

"Thanks." Tipid na sagot nya.

"Photographer kasi ako e. I want you to be my model sana. Napaka photogenic mo kasi. And I'm a big fan of yours. Sobrang crush talaga kita. Kulang na nga lang pag nasaan kita to fulfill my cravings sayo e. But syempre hindi ko ginawa. Haha." Sabi ulit nung lalaki na ikinainit ng ulo ko. Bastos neto!

The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDWhere stories live. Discover now