Chapter 26: LUNCH DATE

2.2K 49 8
                                    


MIGGY's POV



"Para na rin kitang anak, Miggy. Kaya kung sakali man... na matapos ang pagiging bodyguard... mo sa pamilya ko. Kapag natapos ang gulo. Pumapayag ako... na ikaw ang makatuluyan... ng anak ko. Ipangako mo sakin... na ikaw ang papakasalan ng anak ko." Sabi ni Mr. Kim bago sya bumitaw sa yakap.


"Mr. Kim?!" Sigaw ko at bigla akong nagising. Hays. Eto nanaman, napanaginipan ko nanaman yung araw na yun. Yung araw kung saan nya kaming lahat iniwan. Pinunasan ko yung luha sa pisngi ko at tumayo.

"Tapos na yung pagiging bodyguard ko sainyo Mr. Kim. At yung pangako kong papakasalan ang anak nyo ay tutuparin ko na po." Sabi ko na nakatingin sa picture naming dalawa na nakagay sa maliit na frame sa gilid ng lamesa ko. Ngumiti ako ng maisip si V.




--

*ring ring...


Kinapa ko yung phone ko sa lamesa sa gilid ko habang busy sa pag tatype sa laptop ko.


"Hello." Pag sagot ko, kahit hindi ko man lang tinignan kung sino yung tumatawag.



"Miggy!!" Sigaw nya dahilan para ilayo ko yung phone sa tenga ko. Ngayon alam ko na kung sino yung nasa kabilang linya dahil sa pagsigaw nya.



"Oh bakit Rhiane?" Tanong ko na walang reaksyon.


"Guess what?" Excited na tanong nya.


"What?" Walang ganang tanong ko. Naka focus kasi ako sa pag hahack ng password netong site ng mga kutong lupa na sindikatong to e.



"I'm baaaaaack!" Sigaw nya ulit at nilayo ko ulit yung phone sa tenga ko.


"Teka? Nandito ka ulit sa Pilipinas?" Tanong ko na nakapag patigil sa ginagawa ko.


"Yes. And I'm on my way there. I miss you so much!" Sabi nya at inend yung call. Binaba ko nalang sa lamesa yung phone ko at tinuloy yung ginagawa ko. Oo naeexcite akong makita ulit si Rhiane pero hindi pwedeng hindi ko matapos tong ginagawa ko ngayong araw. Kailangan na to nila Robin mamaya para mapag planuhan na nila ang susunod na hakbang na gagawin nila.



"Miggy, anak. Si Venia at Twaine nasa labas." Napalingon ako kay Mama na nasa pintuan ng kwarto ko.

Teka anong ginagawa nila dito? Hindi sa ayoko silang makita especially Venia pero bakit ngayon pa? Kung kelan busy ako.


"Sige Ma, sunod ako." Sabi ko at kinuha yung phone ko. Dinial ko yung number ni Robin.



"Hey, brotha! Any updates?" Masiglang tanong nya sa kabilang linya.


"Unfortunately, hindi ko pa nabubuksan yung files na sinend mo. And, irerequest ko sana na bukas ko nalang ipapasa, alam mo namang nasira yung laptop na ginagamit ko at hindi ako makalabas ng bahay para ipaayos yun." Paliwanag ko.


"Oh yeah. Nakalimutan kong hindi ka nga pala pwedeng lumabas ngayon. Okay, papapuntahin ko dyan si Agent KD para tignan yung laptop mo. Sige Miggy. Lunch break namin ngayon e. At sobrang gutom na gutom na ko. Ibababa ko na ah. Bye!" Sabi nya at inend na yung call. Naintindihan nya ako dahil sila ang nag payo sakin na mag stay lang muna sa bahay ngayon. Last time kasi lumabas ako kasama sila Goliath para mag hang out after kong ipasa yung flash drive na nag lalaman ng ilang files na nabuksan ko. Tapos sa hindi inaasahang pangyayare, nadaplisan ako ng bala sa braso. At lahat sila naging alerto sa paligid. Napansin ko yung pag galaw ng taong nakaitim sa rooftop ng isa sa mga apartment di kalayuan samin, sinabi ko yun sakanila at hanggang ngayon wala pa din silang lead sa kung sino yun.

The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDWhere stories live. Discover now