Chapter 5: CHANGES

3.4K 76 0
                                    

VENIA's POV

"Pinagalitan ni Tito yung mga bodyguards nya kasi hindi ka mahanap." Sabi ni Twaine.

"Dapat na ba akong umuwi?" Tanong ko.

"Ikaw? Gusto mo na bang makasama si Tito?" Tanong ni Twaine habang nag hihiwa ng gulay.

"Namimiss ko na si Mommy." Malungkot na sabi ko.

"Edi umuwi kana. Bisitahin mo nalang ako paminsan minsan dito." Nakangiting sabi nya.

"Bukas na ako uuwi. Gusto ko pang mag stay dito." Sabi ko.

"Bakit pala, nag titiis ka sa gantong klase ng bahay? Mayaman naman tayo, kayang kaya mo bumili ng malalaking bahay." Pag tataka ko.

"Hindi naman mahalaga kung saan o kung anong meron ka. Ang mahalaga kung masaya ka ba sa lugar na ginagalawan mo. At ako masaya ako dito. Masaya ako kung nasan ako. Natanggap naman yon nila Mama kaya okay na ang lahat." Paliwanag nya.

"Buti ka pa masaya." Sabi ko.

"Nakita kong masaya ka din. Tuwing dumadalaw dito yung Miggy, ngumingiti at tumatawa ka. Nag bago ka dahil sakanya." Nakatingin sakin nyang sinasabi yon.

"Nag bago ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili ko.

Dalawang linggo na kasi akong nandito sa bahay ni Twaine. Halos araw araw din dumadalaw si Miggy dito dahil may hinahanap daw syang dito nakatira. Hindi nya sinabi sakin kung sino at ano yung dahilan pero baka yung mga kaaway nya lang yon.

"Manunuod ka ba ng laban ko mamaya?" Tanong ni Twaine.

"Oo naman." Sagot ko.

"Isasama mo ba si Miggy?" Tanong nya.

"May laban din daw sya mamaya. Kaya malamang nandun din sya." Sabi ko. Pangatlong beses na tong pangyayare. Sumasali talaga sa Street Fight tong pinsan ko dahil gangster sya at dati nya pa libangan yon. Si Miggy naman, sumali lang sya nung nakaraan kasi sabi nya sanay daw sya makipag basag ulo.

At ako naman lagi ang cheerer nila. Dalawang beses na nilang nanalo at pangatlo na sana mamaya. Sigurado ako nag kukundisyon na yon si Miggy para sa laban mamaya. Eto kasing pinsan ko, nag hahanda na ng pagkain para maging malakas daw sya at maya maya lang ay mag wawarm up na yan.

"Aalis muna ako. May tatlong oras pa naman bago mag simula yung laban." Sabi ko na ikinagulat nya.

"Saan ka pupunta? Baka mahuli ka ng mga bodyguards ni Tito?" Nag aalalang tanong nya.

"Wag ka mag alala, mag iingat ako." Nakangiting sabi ko at nag paalam na ako.

Lumabas na ako at nag lakad lakad. Gusto ko lang muna mag pahangin. Gabi na at madilim, pero hindi na tulad dati na takot ako sa lugar na to. Medyo nakasanayan ko na ang lugar na to. Ilang beses na kong nasangkot sa gulo. Ahm, hindi naman totally ako. Minsan si Miggy at minsan si Twaine, tuwing may makakaaway sila at mag bubugbugan. Sa huli ay tumatakas kami at tumatakbo ng napakabilis.

Para na nga akong nurse e, lagi akong may pasyente.

"Anong ginagawa mo dito?" Napalingon naman ako sa nag salita.

"Mr. Cracker!?" Gulat na tawag ko sakanya. Sya yung nakalaban ni Miggy nung nakaraan na nag hamon din sakanya nung nakaraan.

"Aba, kung sineswerte ka nga naman oh. Eto yung chikas na kasama nung walangya e." Sabi nya. Nag tawanan naman yung tatlong unggoy na kasama nya.

The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang