Deadly 1: GCU

5.1K 151 12
                                    

Kaye's POV

"Tara na! Baka ma-late pa tayo. First day pa naman ng pasok natin ngayon," sabi ni Kiana at nauna nang lumabas.

Napatango na lang kami. First day kasi ng pasok namin ngayon sa bagong school namin, sa Gold Castellan University. Actually, second day of classes ngayon pero parang first day na din dahil hindi kami pumasok kahapon. Senior High School students na kami at may kabataan pa. Pero pasok na pasok pa din ang mga kakayahan namin para maging gangsters.

Umangkas na ako sa motor ko at kaagad namang sumunod si Alex. Samantalang sumakay naman si Yumi sa kotse ni Kiana. Iba ang gamit niya kagabi at iba na naman ngayon, at gano'n din ako.

Hindi naman kami kinukulang sa sasakyan dahil madami kaming koleksyon ng pinsan ko. Adik na kung adik pero mahilig talaga kaming mangolekta ng mga sasakyan.

"Let's go!" sigaw ko at pinaharurot na ang motor ko palabas ng garahe.

Kiana did the same at nakita kong napailing na lang si Alex dahil sa mabilis kong pagpapatakbo. Pareho kaming nakasuot ng helmet pero nakikita ko pa din naman siya mula sa side mirror ng motor.

Buti na lang at walang assigned uniform sa bago naming school. Kaya heto, nakakapagsuot kami ng mga comfortable na damit. Nakat-shirt lang ako at leggings. Ayaw kong mag-shorts dahil baka hindi ako makapagpigil at makabasag ako ng mga ulo sa oras na may tumingin sa hita ko. Lalo na 'pag manyak.

Alam ko namang maganda kami, lalo na ako. Pero ayoko talaga sa mga bastos. Iyong tipong ang papangit na nga tapos ang lakas pa ng loob pumorma. Yuck.

Ilang minuto ang nagdaan at tahimik lamang si Alex sa likuran ko. Napangisi naman ako nang may maisip akong kalokohan.

Liniko ko ang kotse at pumunta sa kabilang lane kung saan hindi na namin kasabay ang mga sasakyan, kung hindi kasalubong na. Nanatili naman sa kabilang lane ang kotse ni Kiana.

Muntik naman akong matawa nang marinig ang sigaw ni Alex.

"Hoy! Nababaliw ka na ba?!"

She yelled even more nang makitang babangga kami sa isang kotse. Pero mabilis ko itong iniwasan at natawa na lang dahil binubusinahan na kami ng mga kotse.

Gigil na sila.

Napahigpit ang hawak niya sa bewang ko nang mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo. Wala namang kaso sa kanya kung mabilis ang takbo ng motor dahil sanay naman na siya. Pero mukhang kinakabahan pa din siya sa tuwing may mga stunt akong gagawin.

Ang matatakutin naman ng babaeng ito.

Napatingin ako sa kabilang kalsada at nakita ang mabilis na pagpapatakbo din ni Kiana sa kotse niya. Sinasabayan niya ba kami? Nasagot naman kaagad ang tanong ko dahil may nakita akong asul na kotse na parang inuunahan ang kotse ni Kiana.

Mabilis ang pagpapatakbo niya at hindi man lang siya magawang unahan ng ka-racing niya. Mukhang lalaki din ang kalaban niya dahil nakababa ang bintana nito at nakikita ko ang isang side ng mukha niya. Mukha pa ngang inis na inis na iyong lalaki.

Poor guy. Pumayag ka naman kasing makipag-racing d'yan sa demonyong 'yan. Wala kaya 'yang sinasanto sa oras na racing ang usapan. Tinted ang salamin ng kotse ni Kiana pero alam kong tumatawa na 'yan ngayon.

"Tangina! Iyong pinsan mo nababaliw na din. Makipag-racing ba naman?" bulalas ni Alex na kinatawa ko lang. "Don't laugh! Mag-focus ka sa pagda-drive! Putangina mo talaga, Kaye!"

Napatingin naman ako sa side mirror ng motor nang makarinig ng sirena ng kotse ng mga pulis. Nasa kabilang lane sila at nakasunod kay Kiana. Pero alam ko namang isa din ako sa mga hinahabol nila.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon