Deadly 49: Lost Billions

602 45 4
                                    

Kiana's POV

"Let's talk."

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Kenzo at alam kong gano'n din ang iba. Tumingin siya kay nila Gelo.

"Excuse us for a while," he said and pulled me out of the house.

Ano kayang problema ng lalaking 'to?

"Ang seryoso mo naman yata?" natatawang tanong ko.

Pero imbes na maki-ride siya sa pagtawa ko, mas lalo lang siyang nagseryoso. Tumigil na lang tuloy ako. KJ naman nito.

"Binabalak mong pabagsakin ang Villareal Corporation?

"Binabalak namin. Kami, hindi lang ako 'no," I said and even emphasized my words.

"Kahit na apat pa kayo. Villareals are powerful, Kiana. They are more powerful than what you think they are. Tapos babanggain niyo sila?"

Umabot na yata hanggang langit ang pagtaas ng kilay ko. So anong pinapalabas ng unggoy na 'to?

"Hoy, Tanda. General ang lalaking 'yon. Anong gusto mo? Hayaan namin siya?" I asked.

Napasabunot siya sa buhok niya sa sobrang frustration. Napakunot noo ako. Ano bang problema ng lalaking 'to?

He looked straight to my eyes. "Listen to me, young lady. If that Villareal is really a General and you went against him, siguradong babalikan kayo ng iba pang Generals—"

"And that's the real purpose of this, mister. Sila mismo ang lalapit at hindi na kami mahihirapan pang patayin din sila. They killed your father, right? So why are you stopping us? Pabor din ito sayo, hindi lang sa'min."

Natigilan siya sa sinabi ko. I smiled and tapped his left shoulder.

"Samahan mo si Alex at siguraduhin mo na hindi kayo mapapahamak," I said. "And don't worry, I don't think Villareal is capable of bringing the Queens down."

I went inside and I heard him sighed before following me. Naabutan naman namin 'yung anim na nag-uusap usap. Buti na lang pumayag sila Gelo at Gwen na huwag itong sabihin sa parents nila. Though, kakailanganin ko pang kausapin si Tanda ngayong araw. Hindi kasi siya pumayag nang pakiusapan siya ni Kaye. So I will try this time and I'll make sure I'll get what I want.

"Kiana, anong kompanya ang gagamitin mo?" tanong ni Kaye.

"Ako ng kakausap kay Tanda. Just make sure the factories will turn into ashes," sambit ko at tumingin kay Alex. "One ng hapon ang bidding, 'di ba?"

Alex just nodded while Yumi looked at me.

"What if your grandfather disagreed?"

Napatingin ako saglit kay Kenzo bago ngumiti. "Then ang Loshiwa Corp ang gagamitin natin."

"Hoy! Hindi ko ipapagamit sayo ang kompanya ko, ano! Manigas ka."

I only stuck my tongue out and laughed. Hindi ko din naman kailangan iyon dahil sisiguraduhin kong ang Montefalco Crown ang gagamitin ko.

Tumayo na sila.

"Ano? Ready na kayo?"

"Kailan ba hindi?" tanong ni Kaye sabay ngisi.

"Lagot tayo kay Mr. Hallifar," naginginig na sabi ni Gelo kaya natawa kami.

Alex winced while looking at him. "Ang duwag mo, grabe."

Sinamaan naman ng tingin ni Gelo si Alex habang umiling si Yumi.

"If this will fail, Daddy won't kill you, because I will be the one who will do that," pagbabanta ni Yumi.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon