Deadly 40: Chess

716 47 0
                                    

Kiana's POV

Nakaramdam ako kaagad ng sakit sa dalawang paa at sa likod ko nang tumalipon ako dahil sa unang pagsabog. Nabitawan ko din ang arnis ko at nang tignan ko ang dalawang braso ko, parehong dumudugo.

Pero kailangan kong tumayo dahil kailangan ko pang maialis dito ang kapatid ko. I looked at the stage and felt relieved when I saw that Shawn is fine.

"Hey!"

Napaangat ako ng tingin pero isang paa ang sumalubong sa akin. Punyeta. Nakalimutan kong meron pa pala 'tong Cal na ito dito.

Sinipa niya ang mukha ko kaya napaatras ako habang nakaupo sa sahig. Sisipa pa dapat siya pero mabilis kong hinawakan ang paa niya at gumamit ng pwersa para patumbahin siya.

Gusto kong matawa dahil napatili pa siya bago bumagsak sa sahig. I immediately stood up and roamed my eyes around. Then I saw the girls at one corner and it looks like they were also affected by the explosion.

Naalarma ako nang makita ang ilang MR na pinapapaputukan ang kapatid ko. Puntirya nila ngayon si Shawn dahil siya ang heir ng DO. Tatakbo pa sana ako papunta sa kapatid ko nang biglang may nanghila sa paa ko at bumagsak ako sa sahig.

"Y-you're not going anywhere."

Sinipa ko ang kamay niya at kinuha ang dalawang arnis ko. Pinalo ko ang ulo niya gamit ang arnis sa kanang kamay ko at hinampas naman ang isa pa sa tiyan niya.

"Why are you doing this?" tanong ko at tumingin siya sa akin. "Why are you killing those people who are precious to me?"

"Dahil makasalanan sila."

Sumugod siya nang mabilis pero nagawa ko iyong iwasan. Dinamba niya ako sa bandang tiyan at mabilis kong siniko ang likod niya bago tinuhod ang mukha niya. He yelled in pain while I took a deep breath after pushing him on the floor.

"Makasalanan? Sa akin lang sila nagkaroon ng kasalanan," sambit ko. "You are punishing them because they wronged me, am I right?"

Napansin kong natigilan siya kaya muntik na akong mapangisi. I was about to walk towards him when someone suddenly shot my right shoulder. Napasigaw ako sa sakit at nabitawan ang arnis ko. Hinawakan ko ang kanang balikat ko at nakita ang madaming dugo na lumalabas. Shit.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon