Deadly 9: Saving A Mafia Boss

1.4K 71 1
                                    

Kaye's POV

Pagkatapos magpa-register sa mga sasalihan namin, lumabas na kami ng gym. I can't believe na meron talaga ang mga iyon dito. Pero buti na lang at meron nga para may masalihan talaga kami.

I just hope na hindi magiging boring ang mga 'yon.

Last day na ng registration bukas and after that, may two weeks na training and preparation para sa mga activities. May klase sa umaga pero training sa hapon. Hindi naman namin kailangan ng training dahil for sure kami ang lalamang doon.

"Nasaan na ba si Kiana?" rinig kong tanong ni Alex.

We're walking inside the campus para hanapin ang pinsan kong iyon pero hindi namin makita. Iniwan niya kasi kami doon kanina eh.

"Galit kaya?" naitanong ko naman.

Umiling naman si Yumi. "That's not enough to make her angry. I think she left because she thought we are going to register."

Napatango naman kami ni Alex.

Tama naman kasi siya eh. Hindi naman mabilis magalit si Kiana. Pinilit-pilit kasi namin kanina na sumali siya sa combat fighting pero umayaw siya. But when she told us she can't, para kaming natauhan. Syempre aayaw siya dahil ayaw niyang gamitin ang kakayahan niya para lumaban. Nirereserba niya kasi iyon para sa mga Ruffians. But we still want her to join it. Gusto din kasi naming makita kung ano nang kayang gawin ni Kiana ngayon.

"Nasaan na ba kasi iyon?!" naiinis na tanong ni Alex at binatukan ko siya.

"Tingin mo may sasagot? Tawagan mo kaya!"

Napatigil naman siya at inirapan lang ako bago tinawagan si Kiana. Ilang ring lang naman at sumagot na kaagad ang demonyita.

"Oh? Tapos na kayo?" bungad niya sa amin.

So, Yumi was right. Iniwan niya nga kami dahil inisip niyang magpapa-register pa kami. Bakit ba ang talino ni Hallifar?

"Oo. Nasaan ka na ba?"

"U-uhm...kasi ano...nasa a-ano... "

Nagtaka kami kasi parang hindi niya masabi sabi kung nasaan siya. Nagkatinginan kaming tatlo habang nakakunot noo.

"Nasaan?"

Kiana sighed. "Nakauwi na."

"What?!" sabay-sabay na bulalas namin.

"Sorry na. Nagutom ako eh."

"Bakit hindi ka bumili sa cafeteria?" tanong ni Alex.

"Ang dami kayang tao doon. Tapos hindi ko gusto 'yung mga tinda nila kaya umalis na lang ako at umuwi. At least dito palaging madaming pagkain," tuwang-tuwang sabi pa niya.

Napabuntong hininga na lang kami dahil sa ka-abnormal-an ng babaeng ito. Nag-bye na lang kami sa kanya dahil hindi naman makakausap nang matino ang isang iyon. Napaface palm na lang kami sa takbo ng isip niya.

Hindi na kami magtataka kung paano nakalabas iyon. Malamang dumaan iyon sa likod na bahagi ng campus. May pader kasi doon na kapag tinalon mo, madali kang makakalabas.

We decided to go outside the campus too at dumaan din kami sa likod. Mabuti na lang din at nag-park kami malayo sa gate ng GCU. And right, wala na dito ang kotse ni Kiana so it means umuwi na nga siya. Hindi man lang nagsabi o hindi man lang kami hinintay. Mababatukan ko iyon eh.

4 Deadly Queens Where stories live. Discover now