Deadly 14: A Rule Is A Rule

1K 54 1
                                    

Alex's POV

"Akin na!" sigaw sa akin ni Kaye.

"Akin nga ito!" sigaw ko pabalik.

"Akin 'yan! Mang-aagaw!"

"Anong sayo? Akin 'to!"

"Ako nauna!"

"Ako!"

Naghilahan na kaming dalawa. Walang gustong magpatalo sa aming dalawa. Nagtitigan pa kami nang masama na para bang mapapatay na ang isa't isa.

"Bitaw na!" sigaw niya.

"Ikaw ang bumitaw!" sigaw ko naman.

Nagsimula na naman kaming maghilahan kung kanino mapupunta ang nag-iisang hotdog na natira na nakatusok ngayon sa tinidor. This bitch is too competitive. Tsk.

Naghihilahan lang kami hanggang sa bigla itong nahulog at naalis sa pagkakatusok sa tinidor. It rolled on the floor and we both hissed. Nakita naming tumigil lang ito sa tapat ng isang pares ng paa. Nag-angat kami ng paningin at napalunok nang sabay nang makita ang matatalim na titig ngayon ni Kiana.

"Sinong may sabing pwede kayong magsayang ng pagkain?" she asked while emphasizing every word. "Sagot!"

"Siya!" nagkasabay pa kami ni Kaye sa pagsabi n'yan habang turo ang isa't isa.

"Pinagulong niyo 'yung hotdog? Pwes, kayo naman ang pagugulungin ko."

Napatili na lang kami at kaagad na kumaripas ng takbo nang habulin kami ni Kiana. Puta naman. Bakit kasi nandoon pa si Kiana?

"Bumalik kayo dito!"

Nakarating kami sa bakuran at sandaling napahawak sa tuhod dahil medyo hiningal kami sa pagtakbo. Mula kusina hanggang dito ba naman? Siguradong hihingalin talaga kami.

"Ikaw kasi eh!" sisi ni Kaye sa akin.

"Bakit ako?" tanong ko naman.

Hindi na kami nagtaka nang maging gano'n si Kiana. Sayangin mo na lahat, i-murder mo na lahat, sirain mo na lahat pero huwag na huwag ang mga pagkain dahil mapapatay ka talaga ni Kiana. Grabe. Hindi lang sa kotse adik ang isang 'yun, pati sa pagkain.

"Hoy!"

Napatingin kami kaagad sa glass door ng lumabas doon si Kiana mula sa sala. Naghabulan lang kami ulit sa bakuran at hindi din maiwasang matawa. But I suddenly stumbled and fell on Kaye. And since Kiana is standing behind her, bumagsak din siya kay Kiana. The three of us fell on the part of our backyard where there are flowers.

"Ang bigat niyo!" sigaw ni Kiana.

Kaagad naman kaming tumayo. Napatingin kami sa mga bulaklak na ngayon, nayupi na at naputulan ng ilang stems. Nagkatinginan kaming lahat. We all realized what we have done but before we can fix anything, narinig na namin ang boses ni Yumi.

"What are you doing here?"

Napatingin kami ulit si glass door nang lumabas doon si Yumi habang may hawak-hawak na libro. Nakakunot ang noo niya at luminya naman kaming tatlo para matakpan iyong ginawa namin.

Shit. Siguradong magagalit 'to kagaya na lang no'ng natumba dito iyong motor ni Kaye.

"A-ah... kasi a-ano... " nauutal na sabi ni Kiana.

She frowned even more. Napalunok kami. Sa lahat ba naman kasi ng babagsakan namin, bakit iyong mga halaman niya pa Kanina si Kiana, ngayon naman si Yumi?

Tinulak niya kami patabi at doon niya nakita ang mga halaman niya. She slowly turned to us and we stepped back.

"Who did this?"

4 Deadly Queens Where stories live. Discover now