Deadly 17: Deal

943 68 6
                                    

Kaye's POV

"Ano na? Maghihintay pa ba ako ng isang taon? Pati ba naman kayo paghihintayin ako? Gagaya din ba kayo sa kanya? Parang awa niyo na! Ayoko nang maghintay! Masakit mga 'te!"

Napailing-iling na lang ako sa mga sinasabi ni Kiana mula sa baba. Nakahugot pa talaga siya, ano? Naisingit niya pa eh.

"Maghintay ka, gaga!"

Narinig ko naman ang sigaw ni Alex mula sa kwarto niya habang nagsusuklay ako sa harap ng salamin. Then I heard Kiana's reply kaya natawa na lang ako. 

"Gaga, too!"

Papasok na kasi kami ngayon at bukas na gaganapin ang Foundation Day ng GCU. Wala din naman kaming gagawin dito kaya magtitiis na lang kami sa mga boring na kaganapan doon. Pero pwede ding maghanap ng away. Medyo miss ko na din kasing makita iyong pangit na pagmumukha nila Ehra and friends.

Lumabas na ako sa kwarto ko at sakto ding lumabas si Yumi. Pababa naman si Alex ng hagdan kaya sumunod na din kami.  We all went downstairs at nakita si Kiana na prenteng-prenteng nakaupo sa sofa at ano pa nga ba? Edi kumakain na naman.

Binatukan ko nga. 

"Aray ko! Ba't ka ba nambabatok ha? Bruha na 'to!" bulyaw niya sa akin.

"Kumakain ka na naman kasi eh. Seriously? Hindi ka ba nabubusog?" 'di makapaniwalang tanong ko.

Inirapan lang naman ako ng bruha kaya halos masabunutan ko siya. Nang maubos iyong kinakain niya, she smiled at us at tumayo na.

"Let's go! Vamonos!" sabi niya at nauna na sa labas.

We all looked at each other and slowly shook our heads. May pag-asa pa ba 'yung pinsan kong 'yun? Parang wala na eh.

"Just don't mind her. We all know that she has brain damage."

Natawa na lang kami sa sinabi ni Yumi. Pero napatigil din nang sumilip si Kiana mula sa nakaawang na pinto. Muntik pa nga kaming mapatalon sa gulat dahil bigla sumungaw iyong ulo niya.

"Hoy! Kanina niyo pa ako pinaghihintay, ah? Mga bruha na 'to. Tara na kung ayaw niyong makain ko kayo kahit puro kayo cholesterol."

We glared at her pero inirapan niya lang kami. Nauntog na pa siya sa pinto kaya natawa kami. Pero kaagad din kaming napatigil dahil kinausap niya bigla iyong pinto, as if scolding it.

Seriously? Nababaliw na talaga siya.

I looked at the two. "Paalalahanan niyo akong dalhin 'yan sa mental. Kailangang-kailangan na talaga niya 'yon."

---

Malapit na kami sa GCU at nauuna kami ni Alex kaysa kay nila Kiana. We were about to park in our usual parking spot nang mapansin kong may nauna na doon. May black van na naka-park doon at nakain nito ang parking space namin ni Kiana.

Hindi naman talaga sa amin iyon pero dito kami madalas mag-park. Automatic naman sigurong sa amin na ito, 'di ba?

Tinigil ko ang big bike ko sa gilid at gano'n din ang ginawa ni Kiana. We didn't park in GCU's parking lot dahil nga may nang-agaw ng pwesto namin.

"We didn't park on a proper parking place. We may get a ticket for it," paalala ni Yumi pagkababa nila ni Kiana sa kotse.

Napairap ako. "Wala tayong pag-park-an eh. Anong magagawa natin?"

"Kanino ba kasi 'tong putanginang van na 'to? Male-late na tayo," naiinis na sabi naman ni Alex.

"Ngayon ko lang din nakita ang van na 'to."

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon