Deadly 42: Triple Fiance

803 56 10
                                    

Kaye's POV

Ilang sandali naming tinitigan ni Alex si Yumi habang nakakunot ang mga noo. Nagtataka kami dahil parang kulang ang sinabi niyang plano.

"Iyon lang?" tanong ni Alex.

Hindi kumibo si Yumi. Napasandal ako sa upuan ko dito sa base. Nagtataka ako. Para kasing may kulang sa sinabi ni Yumi na plano kung paano kami makakarating sa secret basement ng Agallan Mansion.

"Sabi ni Alex, fingerprint daw ang lock ng basement. Paano naman 'yon?" tanong ko nang ma-realize na iyon ang kulang.

Nakita ko ang pagkagat ni Yumi sa ibabang labi niya at halatang nag-iisip. Is she okay?

Tumango si Alex. "Fingerprint ang lock ng pinto papuntang basement. At malamang, fingerprint ni Xavier Agallan ang kailangan para doon."

Ang plano kasi na sinabi ni Yumi ay kung paano kami makakapasok at makakalabas gamit ang mga impormasyon na nakuha ni Alex. Pero kung wala ang fingerprint na kailangan namin, parang useless din lahat dahil hindi naman namin mapapasok ang basement nang wala iyon.

Napabuntong hininga si Yumi. "I already have a plan about that. But I'm not yet sure if that will work."

Nagkatinginan kami ni Alex. Ito ang pagkakaiba ni Kiana at Yumi. When Kiana thinks of something ay kadalasan, hindi na niya kailangan pa ng ebidensya. Sigurado siya kaagad. While Yumi on the other hand don't take risks without complete assurance.

Alam naman namin kung gaano kahirap makabuo ng plano at kung hindi masyadong confident si Yumi sa nagawa niya, maaari din kaming mapahamak so we understand why she's hesitating. But we know Yumi. Alam naming kaya niyang makabuo ng isang magandang plano. Kailangan niya lang siguro ng motivation.

Nginitian ko siya. "Okay lang 'yon! May tatlong araw pa naman bago ang October 1. Makakapagplano ka pa."

Tumango-tango naman si Alex. Nagmukha tuloy siyang timang dahil tuloy-tuloy ang pagtango niya. Maya-maya pa ay bigla siyang tumigil at napasapo sa noo niya.

"T-teka, tumango lang ako, nahilo na ako?"

"Paanong hindi ka mahihilo kung sobrang OA naman kasi ng pagtango mo? Tanga mo naman."

She glared at me. "Maka-tanga ka, ah? Tanga ka din naman!"

"Atleast ako, tanga na maganda, ikaw? Tanga na chaka!" sabi ko sabay ngisi.

Aamba sana siya ng suntok ang kaso, hinampas na ni Yumi nang malakas ang lamesa at kaagad siyang napaayos ng upo. Nagpigil naman ako ng tawa dahil halatang nasindak.

Hindi niya lang ako tularin. Fearless.

"Stop arguing, the both of you. You don't need to fight 'coz you're both ugly."

"Anong sabi mo?!" we said in chorus pero ngumisi lang si Yumi.

Tumayo na siya at umalis ng base habang nagkatinginan na lang kami ni Alex at sabay na natawa. Wala nang salita-salita. Basta tinginan lang. Kahit walang dahilan, sabay na tatawa. Ganyan ang magkakaibigan. Ay mali! Ganyan pala ang magkakapatid.

Sisters kami eh.

Umalis na din kami sa base at hindi na kami nagulat nang makita si Yumi na nagbabasa ng libro sa sala. Nagkibit balikat na lang ako. Ganyan 'yan eh. Hindi man kapanipaniwala pero mas nakakabuo siya ng plano sa isip niya habang nagbabasa ng libro. Hindi nga namin alam kung paano niya nagagawa 'yon. At si Kiana naman, nakakabuo ng plano kapag kumakain. Hindi na nakapagtataka. Food is life daw eh. Sabay food is my inspiration. Hayst.

Umupo si Alex sa sofa at binuksan ang TV. Pustahan ay manonood na naman ng action 'yan kung saan puro pula at dugo ang makikita. Napangiwi ako. Ang yucky!

4 Deadly Queens Where stories live. Discover now